Fraud 57 (Ito na talaga!)

357 11 2
                                    

[ A/ N: <about sa previous chapter>O hindi ba? Killjoy ako? XD Cliche na rin kasi po yung mga ganun na churva (scenes) kaya heto pampamatay trip lang ako, HAHAHA

WARNING: Puno po 'to ng drama, buwahaha, pasensya na, madramang anime rin kasi ang pinapanuod ko ngayon XD WHOO Pero syempre meron parin yung mga panes na punch line Jo XD 

IMPORTANTE NA BASAHIN NIYO 'TO LALO NA YUNG PINAKAHULING LINYA! *bows*] 

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

[ JO'S POV ]

Nanlalambot yung mga tuhod ko at iniwan na ng lahat ng lakas ko ang katawan ko. Napaluhod nalang ako at napaiyak sa saya.

Andun si mokong, nakaupo lang siya sa dun sa isang plastic chair habang nakaharap siya sa kama.

Hindi siya sugatan, ayos na ayos pa nga siya eh. Walangya, buti pa siya walang inaalala.

"Jo?! Huy bakla, anong ginagawa mo dito?" narinig ko ang gulat na pagtatanong ni mokong.

Puto cheese! Ayos lang si mokong! Ayos lang siya! Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari pero ayos lang siya! YAY!

Hindi ko makita kung ano yung itsura niya dahil andun nga ako nakaluhod at nakaduko sa sahig dahil sa ginhawa. Tapos bigla ko nalang napansin na tumutulo na rin ang mga luha ko. Tinakpan ko nalang yung mga mukha ko gamit yung mga kamay ko.

Narinig ko ang paggalaw ng upuan at may naramdaman nalang akong mga kamay na humawak sa galanggalangan (wrist) ko. Naramadaman kong tumibok ng paglakas lakas yung puso ko tapos mas gumaan yung pakiramdam ko.

Sa hawak pa lang niya napatibok na niya ng malakas yung puso ko.

"Huy bakla, bakit ka umiiyak?" mahina niyang tanong at may tunog din ng pagaalala yung boses niya.

Kasi nagaalala ako para sa 'yo, mokong ka...

Hindi parin ako tumitinag pero sinubukan kong sagutin siya na may nakakalokong tunog sa boses ko, "Ang baho kasi ng kilikili mo abot hanggang first floor. Nakakaiyak."

Binitawan niya yung hawak niya sa akin, medyo nalungkot ako, bweset ang oa ko naman. Ako naman ang tumulak sa kanya palayo diba?

Konsensya: Palakpakan! Akala ko puro comedy ka lang Jo. Pwede ka pala sa soap opera?

Tumahimik ka nga diyan, panira ka ng eksena eh. Hanggang ngayon nahihirapan parin ako ipaliwanag 'tong mga nararamdaman ko na kung ano-ano.

Sumikip yung dibdib ko nung hinawakan niya ako at parang nakaramdam ako ng biglaang saya. Pero nung binitawan niya ako bumigat yung puso ko at nanghinayan ako.

Konsensya: Bweset, hanggang ngayon ba naman hindi mo kayang maging Honesto sa mga peelings mo?! Alam mo may mga tawag sa mga katulad mo...

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon