[] still LIME'S POV []
"Welcome back Johanna," nakangiting sabi ko sa kanya at mukhang gulat na gulat talaga siya.
Tumawa ako at niyakap siya, "Kinalimutan mo na ba talaga ako my labs?" kumindat ako sa kanya at mas lumaki pa talaga yung mga mata niya. Para siyang kyut na tarsier.
"Pudding?!" gulat na gulat niyang sabi habang kumawala siya sa yakap ko at humarap sa akin.
Tumango ako, "Aba, mukhang natatandaan mo pa pala ako?"
Sinapok niya ako sa ulo at para siyang bata na iiyak, "At bakit naman kita malilimutan?" tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
Konsensya: Whoo! Ten points para kay bespren!
Haha, nakakataba naman ng puso. Kung posible, baka kanina pa tumalon-talon tong puso ko sa saya.
"Tae ka! Bakit wala kang sinabi?!" sinapak naman niya ako at umupo muli.
"Tae agad? Grabe ka naman my labs, tska di pa ako sure na ikaw pala yun," natatawa kong sabi habang inalalayan ko siya papalabas ng kotse, inilahad ko ang kamay ko.
Kinuha niya yung kamay ko at hinila ko siya palabas, "Eh paano mo nalaman?" napakamot siya sa batok niya.
"Nung kasal ng kuya mo. Nalaman ko kina Kiev at Caleb na mag-aattend daw sila ng kasal ng kuya mo at ate ni Caitlin, tapos nung nalaman ko si Mike yung kuya mo, ayun," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ah," naglakad na si Jo papasok sa munting building kung saan kami una nagkakakilala noon.
Dinala ko si Jo dito sa lumang kindergarten school namin. Maliit lang naman siya pero sumasaya naman ako dito dahil sa mga guro at lalo na dahil kay Jo.
Sumunod ako sa kanya papasok, "Walang tao ngayon maliban sa mga kaunting staff, summer kasi."
Tumango siya at sumilip sa dati naming silid aralan, "Wow andun parin yung mga building block! Lime tignan mo!" ngumiti siya at hinila ako papasok.
"Waaah! Oo nga noh?" umupo ako sa rubber mat at kumuha ng isang block.
Tumabi siya sa akin at nagsimulang paglaruan yung mga blocks, "Hindi ko talaga malilimutan kung paano tayo naging magkaibigan," tumawa sia ng mahina at ngumiti siya akin, yung abot tenga.
Bumilis yung tibok ng puso ko, "Ah oo nga, ito rin yung dahilan eh," inabot ko sa kanya yung hawak-hawak kong block.
Tumango siya at kinuha yun sa palad ko.
{ F L A S H B A C K }
"Hoy bawal maglaro ng mga yan ang mga panget!" sabi nung isang batang lalaki sa isang kaklase ko na mag-isang naglalaro.
Tumigil ako sa paglalaro ng clay at tumingin ako.
"Oo nga! Dapat hindi ka pumasok dito!" dagdag pa ng isang kaklase namin.
Tumingin ako duon sa bata na inaaway nila, wala siyang pake
Abot balikat yung buhok niya, pero panlalaki yung suot niya. Tapos ang payat niya kaya anlaki tignan ng mga damit niya.
Baka trip ng nanay niya na mahaba yung buhok nung anak niya, parang katulad kay April boy.
Tapos may isang matabang bata, kasing laki ni Majinboo sa Dragon Ball, ang tumulak kai April boy.
"Oi teka bawal magfight!" tumayo ako at lumapit sa kanila. Sinubukan kong magtagalog pero nahihirapan parin ako, bagong lipat lang kasi kami sa Pilipinas.
Tinawanan naman ako nung mga bully.
"Ayusin mo nga yang tagalog mo! Hilaw!" sumbat nung isa.
"'Wag mo nga kaming inglesin diyan! Hambogero ka!" tinulak ako nung matabang bata kaya nabagsak yung pwet ko sa sahig.
Tapos bigla nalang ako umiyak. Nakakatakot silang lahat!
"Hoy baboy, pwera nagiingles yung tao hambog agad? Di ba pwedeng hindi lang talaga siya marunong?" may isang matinis at palaban na boses ang biglang nagsalita.
Pagtingin ko, yung batang inaaway kanina ay nakatindig na at nakakamao yung kamay.
"Aba! Hoy payatot 'wag ka ngang makealam!" sumbat nung isa sa mga bully.
"Hoy bruha 'wag ka ring sumabat diyan! Suklay-suklay rin pag may time ah?" nilabas nung bata yung dila niya.
Umiyak naman yung bully na bata at lumabas ng classroom. Sumunod din yung iba, naiwan nalang yung mataba.
"O paano ba 'yan tabachoy? Iniwan ka na ng minions mo!" ngumiti ng masama yung batang lalaki?.. o babae?
Tapos sinundot niya yung bilbil nung matabang bata, "Haha! Antaba-taba mo pati yung bilbil mo sumasayaw ng chacha!" pang-aasar pa nung bata habang lumalaylay yung polo niyang suot.
Umiyak naman yung matabang bata at lumabas rin ng kwarto.
"Salamat-" magpapasalamat sana ako ng tinignan niya ako ng masama.
"Kalalake mong tao tapos iiyak ka? At uhugin ka pa ah!" tinuro niya ako habang nakataas ang kilay niya.
Nung nakita ko na ng maayos yung mukha niya biglang tumibok yung puso ko ng malakas. Napahawak ako sa dibdib ko.
"O anong drama yan? 'Di ka makahinga?" lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung kamay ko. Mas lumakas yung tibok ng puso ko.
Tinignan ko siya, "...Babae ka ba?"
*BOOGSH*
"Araay! Bakit mo naman ako sinapok?!" hinimas ko yung ulo ko habang ngumunguso.
Tumingin ako sa kanya at mukhang namumula siya habang nagkakasalubong ang mga kilay niya, "Bakit?! MUKHA BA AKONG LALAKI?!"
"Ang cute mo," yun naman ang sagot ko.
Mas lalo siyang namula at sinuntok ako ng mahina sa braso ko, "Johanna."
"Hah?"
"Johanna ang pangalan ko," inabot niya yung kamay niya sa akin.
"Ah, Ako naman si Eric Piddle," hinawakan ko yung kamay niya at tinulungan niya ako makatayo.
Simula noon naging matalik na kaming magkaibigan ni Johanna at 'my labs' na rin ang tawag ko sa kanya, tinawag naman niya akong pudding dahil sa apelyedo ko...
{ E N D O F F L A S H B A C K }
"Jo ikaw parin ang first love ko," inilagay ko yung huling piraso sa munting tower block na ginawa namin.
Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Salamat ah..."
Tumango ako at nagbuntong hininga, "Buti nalang hindi ka nagsorry, mas masakit kasi yun." Tumawa ako ng mahina.
Sinapok naman niya ako sa ulo, si my labs talaga, "OA ka rin anoh?" lumingon siya sa isang upuan, "...Kelan ka pa bumalik dito?"
Umalis kasi ako ng Pilipinas pagkatapos ng isang taon ko sa kindergarten.
"Nung panahon na nagkakilala tayo sa country club, medyo bago lang." tumingin ako sa mga kamay ko.
"Ah," yun lang ang nasabi niya, "Bakit ka nga pala umalis ng walang paalam?"
Lumingon ako sa kanya at tumawa, "Pumunta naman ako sa bahay mo nun eh, kaso tulog ka pa raw nun sabi ng mama mo."
Tinaas niya yung kamay niya at aatras na sana ako kung babatukan niya ako muli, pero binaba niya ang kamay niya, "..Pwede mo naman sana akong gisingin eh."
Tumango ako, "Pwede nga, pero alam kong magkikita parin tayo, and I was right," kinindatan ko siya.
"Yaks haha," ginulo niya yung buhok ko, "Baka naman masyado ka ng pasosyal niyan ah?"
Ngumuso ako, "'Di ah! Tara kain tayo ng fishball!"
"Hah! Sige ba,libre mo kasi bertday mo haha!"
"Sus kahit 'di ko birthday nagpapalibre ka naman eh!" sumbat ko sa kanya at tumawa lang siya.
"Magkaibigan naman tayo eh!" panggigiit niya at hinila na niya ako papalabas sa isang fish bowl stand.
Magkaibigan.
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...