"Stay away from Jo, or else you'll face me," sabi ni Kiev kay Lin, anlamig ng tono niya.
Nagiinit ang sitwasyon.
Nakita kasi ako nina Caleb, Lime at Kiev na naglalakad na kasama si Lin. Wala naman kaming ginagawang masama ng may mga mukhang tsonggo na nagtangka kaming i-rape... o baka si Lin lang XD.
Ang pinagtataka ko eh bakit kay Lin galit na galit si Kiev.
Pagkatapos kasi nung tatlo makipag away eh binira ako kaagad ni Kiev sa tabi niya at ayun, galit siyang sumisigaw kay Lin na tumatahimik lang.
"Teka Kiev, wlaa namang ginawang masama si Lin, pinagtanggol niya pa nga ako eh1" pagpapaliwanag ko kay Kiev.
Nakatingin parin si Kiev kay Lin ng masama, "Talaga? Did it never occur to you na baka sinet-up niya ang lahat ng to para masaktan ka Jo?"
"Teka Kiev, that's absurd," hinawakan ni Lime si Kiev sa may balikat habang kinuha naman ako ni mokong palayo.
"Don't touch me Lime, baka masaktan kita." Pagbabanta ni Kiev.
Konsensya: *kain popcorn* hoo! Shet! Libre sine, drama pa!
ASDFGHJKL! Kumakain ka ng popcorn sa ganitong sitwasyon? Ambastos!
Konsesnya: Heler, comic relief nga ang trabaho ko diba?
Wrong timing!
Konsensya: Di kinakailangan ng comedy and timing! *poof*
=_= Paspecial ang abnoi. Tsss.
Balik sa istorya...
"Hey Caitlin, am I right? Why are you all quiet there?!" panggigiit na Kiev.
Di parin sumasagot si Lin pero halata sa mga mata niya na nasasaktan siya.
"Kiev! Ano ba! Kaibigan ko si Lin!" sabat ko.
"You call that btch a friend?!" galit na galit si Kiev.
Ngayon ko lang siya na nakita ng ganito. Ganito na lang ba ang sakit na nadama niya noon na hindi na niya makita ang totoong nararamdaman ni Lin?
"At bakit naman niya ako sasaktan?" pagahamon ko sa kanya.
"Because you're important to me," mahina niyang sagot.
Napatahimik ako sandali sa sagot niya, nakita ko naman si Lin na medyo nagulat rin.
"Importante ka rin sa kanya!" sigaw ko. "Kiev hindi mo ba nakita na nasasaktan si Lin sa ginagawa mo? Bakit ayaw mo bang maniwala sa pinaliwanag niya sa'yo dati kung bakit ka niya naiwan?!"
Tumingin sa akin si Kiev na medyo gulat ng bigla siyang tumawa na nakakaloko, "And you believe her? Caitlin is a selfish bastard!" humarap siya kay Lin, "How desperate can you get?"
"Hoy Kiev Hyphen! You're taking it too far!" sigaw ni caleb na nakahawak pa rin sa kamay ko.
Kahit sa ganitong sitwasyon natutuwa pa rin ako... Bakit kaya? O_o Uhmaygarrsh pati ako nagiging wirdo!
Sasagot sana si Kiev ng ngumti ng masama si Lin, "So I guess Jo was no use to me at all then? Fine, I'll go find some other way to get you back to me my love, whether you like it or not." medyo may pagkasadista niyang sabi.
"Lin?" pagtataka kong tanong sa kanya.
Tumingin siya sa akin, nahahalata kong malapit ng umiyak si Lin, "Yeah Jo, I used you, but appearantly someone as ugly as you have no function at all, you're just some stupid gay!"
Aakmang susuntukin ni Kiev si Lin pero pinigilan siya ni Lime.
"Go home Lin," sabi ni Lime at tumawa nalang si Lin ng nakakaloko at naglakad paalis at sinabing, "See you then," pero sa gilid ng mga mata ko nakita ko siyang umiiyak ng pagtalikod niya.
Tinatanong ko sarili ko, bakit? Bakit niyang kailangan pang magkunwari uli?
Natandaan ko nung sinabi niya kung paano niya nasaktan si Kiev.
"I had to do it, kung hindi baka ipapapatay siya nung lalaking na pumipilit na pakasalan ako. Kaya sinabi ko sa kanya nung paalis ako na hindi ko talaga siya mahal at wala siyang kwenta... Iniwan ko siyang umiiyak.. Ansakit Jo, sobra."
At ngayon nagsisinungaling nanaman siya. Nagkunwari siyang masama. Bakit?
Konsensya: Kasi kaibigan ka niya. Kasi ayaw na niyang lumaki pa ang gulong to. Mas pinili niyang mag-isa.
Hah? Pero mas lumaki pa nga ang problema eh.
Konsensya: Wala tayong magagawa, desisyon niya yun eh.
* * *
"Di ka ba nasaktan?" tanong ni Leb at umupo siya sa tabi ng kama habang nakahiga ako at tumitingin sa taas.
"Diba ako dapat ang magtanong niyan? Ikaw yung napaaway eh," lumingon ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin namin.
Huwaw~ Ang ganda ng mga mata niya. Iz shining! *Q* baka pwede masangla!
Konsesnya: Pera nanaman? =_=
Hehe. Si papa sisihin mo!
Papa ni Jo: achoo! Pinag-uusapan ako? O_o
Ngumiti siya, "Hindi ako nasaktan," nagseryoso ang mukha niya, "Kung saan ka pumupunta sumusunod ang gulo sayong bakla ka." at ginulo niya ang buhok ko.
Ngumuso ako, "Wala eh, pinanganak ako nung nagbabagyo eh,"
Nagbuntong hininga siya, nakisali na rin ako.
"Antigas ni Kiev ano?" pagtatanong ko.
"Kahit sinong masasaktan eh titigas talaga. Ang mali lang ng ugok na yun eh ayaw niyang lumambot... Natakot ang sira eh."
"Siguro nga... pero si Lin?"
Mukhang alam ni Caleb ang ibig kong sabihin, "Choice niya yun Jo. Respetuhin nalang natin yun."
"Pero pinapalayo ako ni Kiev sa kanya.. Ayoko naman masaktan si Lin."
"Uso naman cellphone diba?" pagpipilosopo niya.
"Che."
Tumawa naman si Caleb.
"Hayaan mo na nga yung dalawang yun, oh, gutom ka na?"
Nung natanong ni Caleb yun biglang nagingay ang tiyan ko, "Oh hayan sagot mo!"
Tumawa siya ng malakas na parang aabot na sa kabilang baryo. Ayos rin to ah.
Habang kumakain kami may natanggap si Caleb na tawag, pagbalik niya sa lamesa medyo naprapraning ang mukha niya.
Napatawa ako, shet ansarap i-9-gag ng itsura niya ngayon XD
"O bakit?" tanong ko pagkatapos kong tumawa, praning parin na di mapakali ang mukha niya eh.
"Dadating si papa bukas." simple niyang sagot.
Napanganga ako at nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. Pati ako, natataranta na.
DARATING ANG PAPA NI CALEB! AT BUKAS NA!
****************************************************************************************************************************
A/N:
Pasensya na at sobrang madrama etong chapter na to kaso kailangan kasi eh XD hehe~ Sige lang. May seasonal special ako sa masuging readers ng MBG! ^^ Malapit na ang pasko!
Salamat sa mga patuloy pa rin na nagbabasa kahit ubod ng tamad ang inyong awtor XD HIHI!
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...