Fraud 10 : Sorry na

606 31 16
                                    

"Haha, ulol, at bakit naman ako nasa panganib?" natatawa kong tanong. May kausap kasing akong adik eh.

"Kasi may kasama kang masamang tao," bakas ang lungkot at pag-aalala sa boses niya.

"Ikaw naman, wag ka ngang OA!! Ayos ako at kaya ko ang sarili ko!"

"Ah basta, tawagan mo lang ako kapag may problema ha?" pagpipilit niya,

"Oo na, sige, salamat Mike, ingat dyan, oo.... Sige, babye.." tapos binaba ko na ang cellphone ko.

Madalas ng napapatawag si Mike ah. Ano kaya problema nun? Tapos yung boses niya parang pagod na pagod na, yung parang walang tulog.

Gusto ko tuloy siyang puntahan at kausapin. Anong klaseng kaibigan ba ako? Ni hindi ko lang man alam kung anong nangyayari sa taong mahalaga sa akin.

Anak ng baboy ramo naman oh!

Sinandal ko nalang ang ulo ko sa malambot na kutson ng sofa.

"Boyfriend mo yun?" pabalang niyang tanong, lumingon ako, si mokong, shet bakit ang gwapo niya tignan?!

Medyo basa ang buhok niya, tapos nakasuot siya ng itim na turtle neck at isang Stratford varsity jacket, tapos yung leather gloves niya, at ang mga safety gears niya.

Baka may muta lang ako sa mata at namalik mata ako kaya may nakikita akong illusion o baka naka nakasinghot ako ng marijuana at kung anu-ano nakikita ko.

"Ha?" nauutal kong sabi dahil medyo naguguluhan pa ako at nawawala sa sarili ko.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko, "Sabi ko boyfriend mo ba yung tumawag?"

"Ah, yun? Hindi, teka bakit ka nakangiti ng ganyan?!" akusado kong tanong sa kanya habang tinuro ko ang hintuturo ko sa kanya.

"Ah, akala ko meron ka na, mabuti naman wala pa...." pabulong niyang sabi at hindi ko yun narinig. "Ayoko ngang sabihin baka batukan mo nanaman ako," pabiro niyang sabi.

"Mas babatukan kita pag hindi mo sinabi sa akin!" tinaas ko ang kamao ko at nagakmang sasaktan siya.

Pumalayo naman siya, "Natutulala ka nanaman sa kagwapuhan ko, o ayan----! ARAY! Bakit mo ako binatukan?! Sinabi ko naman sayo ah!"

"Bakit? Wala naman akong sinabi na hindi kita babatukan eh! Ang hangin mo parin!" naasar kong sabi. Mag hunos dili ka ngang mokong ka! Baka ikaw ang dahilan kung bakit andaming mga mahahangin na lalaki dito! Bad infulence ka!

"Eh sa totoo naman eh!" pagpumipilit niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Ah ganun? Baka gusto mong batukan kita uli?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Subukan mo at babawasan ko ang sahod mo!"

"Heh! Andaya mo! Blackmail!" ngumuso naman ako. Andaya naman oh!

"At ikaw naman, physical abuse! Mamaya ginagamit mo lang yan na dahilan para mahawakan ako!"

"Pwe! Kadiri mo!! Ansarap talagang dukutin ng mga mata mo!" sigaw ko sa kanya.

"Sadista kang bakla ka!"

"Chaka ka namang lalake ka!" kumuha ako ng isang unan at tinapon sa kanya kaso iba natamaan ko--- si Kiev.

Nakapwesto kasi si mokong sa pinto tapos nakailag siya kaso sakto rin na bumukas ang pinto. Kaya ayun, si Kiev natamaan ko.

Syempre tumindig naman ako agad at pumunta kay Kiev, "Naku Kiev, sorry talaga!! Hindi ko inaakala na maayos pala ang reflexes ni mokong!" tinuro ko si boss Caleb.

"Hoy wag ka nga OA unan lang naman yun eh!" panggigiit ni mokong habang tumayo siya at nagsungit nanaman ang mukha niya.

"Eh bakit ka umilag?!" tanong ko naman

"Kasi baka masakit," painosente niyang sgot

Parang sira lang? HIndi daw masakit kasi unan pero umilag siya kasi baka masakit?! Whur is da logic?

Tumawa naman si Kiev, "Dont worry Jo, it doesnt hurt, and c'mon Leb, the game's about to start"

Ngumiti naman ako kay Kiev at umalis na kaming tatlo papunta sa lugar ng paligsahan.

Pagkarating namin dun, marami ng mga tao ang naroroon.

Dinala ako ni Leb sa isang upuan sa may harap, "Dyan ka lang," tinatrato ata ako nito na parang aso ah?

Tumango nalang ako at pinanuod ko siyang umalis, bago pa man siya tuluyang mawala sa paningin ko, "Goodluck!" sigaw ko

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Tapos parang kiniliti ako sa tiyan.

Ay, gutom na ata ako... *Q* Hihingian ko ng pagkaen yung mokong na yun mamaya.

Pagkamaya-maya nagsimula na ang laro.

Nakita ko si Caleb sa harap at nakasakay na sa isang kabayo.

Jusko po, pinagdadasal ko po siya, sana po maging ligtas siya at kayanin niya ang lahat ng pagsubok po. Sana po hindi siya maaksidente at hindi sana siya masaktan. Sana po kayanin niya ang halimaw na pasan niya sa likod niya. Protektahan niyo po ang kabayo, amen.

Kawawa naman yung kabayo, kailangan niya pang kargahain si mokong at kailangan pa siyang palupaluin. Tsk tsk, wala talagang awa tong si mokong.

Maririnig ang pito ng referee at nagsimula na nga ang laro, nangunguna si Leb sa karera.

Ang itsura nga pala ng pinagkakarerahan nila ay isang track and field na pa-oval at puno ng obstacle courses.

Nalalampasan naman ni Caleb ang lahat ng mga ito at nangunguna naman siya.

Malapit na siya sa finish line ng----

"CALEB!!!" sumigaw ako dahil wala lang trip ko lang, siya naman din ang nanalo eh. SUpport support nalang.

Naghiyawan ang lahat lalo na ang mga babae nung pagkalampas ni mokong sa finish line.

Sumunod naman si Kiev at ngumiti sa akin pagkatapos niyang lampasan ang linya. Kumaway naman ako sa kanya habang nakangiti at nagthumbs up. Nagthumbs up din siya pabalik.

Aiieee! Naiihi ako sa kilig!

Dinumog si Leb ng mga tao at halos lahat sa kanila ay bumabati sa kanya.

Nakita ko naman siya na kinakaway niya ang kamay niya sa akin at parang pinapababa niya ako.

Syempre sumunod ako, parte ng trabaho eh, pagkababa ko hinila niya ako papalapit sa kanya.

"Congrats," bati ko sa kanya at tumango naman siya.

"Everyone, if you'll excuse us, I will be having a date with my girlfriend," tapos kinuha niya ang kamay ko at binira na niya ako paalis habang tumatakbo.

"Hoy!" naalala kong pagkasabi. Tama lang ba na iwan namin yung mga reporter duon?

"Tara na! Kailangan ko silang takasan! Nakaka inis na kasi eh," lumingon siya sa likod, "Ikaw na bahala Kiev!"

Nakita kong nagthumbs up si Kiev habang siya naman ang dinumog ng mga tao. Hay, buhay ng sikat nga naman.

"Eh asan ba tayo pupunta?" tumatakbo parin kami.

"Basta! Halika na!" at hinila na niya ako papunta kung saan man habang napansin ko ang mukha niya na may ngiting nakaguhit at naramdaman ko uli ang kiliti sa tiyan ko.

ANO BA TO?

Mai bulate ba ako sa tyan?

Mukhang kailangan ko na ngang kumain. EIto na nga ang sinasabi nilang epekto ng nalilipasan ng gutom!

******************************************************

A/N:

Hello!! :))

No trivias for now :o Im still thinking XD

Till the next update! :)

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon