MALIGAYANG PAKSIW!-- Este PASKO! [ Part 1 ]

337 12 4
                                    

Mensahe ng baliw na awtor: Helloooo~ Heto na talaga eeehh, haha Christmas break na rin naming kaya heto isang munting regalo ko sa inyo ay ito, muli niyo namang makukulitan sina Jo and friends. Huehuehue > v<

PS. Basahin ng maigi lalo na ang CAST..huehue

#Part 1!

[] JO’s POV []

“Hoy papa paki pasa naman nung itlog mo!” boses ata ni mama. Ano ba ‘yan ang aga-aga sumisigaw nanaman. Tsaka ano daw yung hinihingi niya kay papa?

Hmmm... teka bakit ambango naman?

“Mameh, gatasssss!!!” boses ata yun ni junior, teka gatas nanaman?

Amoy hamon na pinalugan ng pineapple sauce ah…

Pero imposible naman ‘yun, hindi naman pista ngayon sa amin ah?

“Mama, yung hita mo! Nasusunog!” Si papa naman yung sumisigaw

Mukhang may piniprito rin, naririnig ko ang malutong na pagputok ng mantika…

Amoy hita ng baboy ah, teka asan nakakuha ng pera si mama pambili? Hindi kaya bumenta nanaman siya ng pirated dvd sa Dibisorya?

At nagpatuloy ang ingay sa loob n gaming payak na pamamahay…

“ANAK NG TOKWA BAKIT BA ANG INGAY-INGAY?!” napabangon ako sa irita at mas ginulo pa ang buhok ko na inayos ng aking unan.

Konsesnya: Aba’y mas nagiging corny ata ang mga joke mo ngayon?

Ikaw nanaman? Wala ka bang day off ah? Tska totoo naman na pwede na maging hair dresser ang unan ko eh. Iba’t-ibang hairstyles ang binibigay niya sa akin sa bawat pagising ko.

Konsesnya: Hay nako… moving on, bakit ka pa nagtataka na parang may pista? Nakalimutan mo na ba kung ano ang araw na to?

Ha? Ano ba ang ibig mong sabihin?

JUSKO! HOY JOHANNA MARIE R. DELA CRUZ BUMANGON KA NA DIYAN!” bumukas ng pabigla ang kawawa kong pinto at bumulantag sa akin ang morning face ni mama na pinapalibutan na ng pawis.

Ew.

Kalmado akong tumayo sa aking higaan at dahan-dahan kong inayos ang higaan ko. Yung paeffect na walang nairnig? Hahahaha

“Aba’t nakuha mo pang mag emote? Wala kang letson mamaya!” nakakalokong sabi ni mama at sabay hair flip tapos palakad ng palayo.

Agad ko naman siyang hinabol at binira siya sa paa, “Ma! Huwaaag puu! Huhu, jowk lang naman yun iiih. Ma parang awa niyo na pakainin niyo ako~” nalukuha kong sabi.

Grabe naman kasi eh! Yung paborito ko na yun tapos ilalayo pa sa akin?

Pero teka… anong petsa na ba ngayon?

“Magandang umaga nak,” tinapik ako ni papa sa balikat.

Lumingon ako sa kanya, “Pa ano po nakain niyo at parang mas… bumait po kayo?” nagtataka kong tanong.

“Anak ganyan talaga ang papa mo basta ika-24 na ng Disyembre, nagiging anghel, palibhasa makikipag inuman nanaman,” napabuntong hininga si mama.

Ano daw?

Ika-24 ng Disyembre…

Ika-24 ng Disyembre…

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon