[] JO'S POV []
Anak ng bruhang linta, ayaw kumawala ni Nicole kay mokong. Akala mo naman rin na ang gwapo nung tao eh ubod naman ng kapangitan.
Tapos kung makalagay ng make up itong babaeng 'to akala mo inubos ng payaso sa kanya yung buong kit!
At tignan mo nga yung damit niya! Konting galaw nalang eh maeexpose na yung harapan niya dahil sa tube niya at yung shorts niya parang panty sa sobrang iksi!
At higit sa lahat, MUKHANG INEENJOY PA NI MOKONG YUNG SITWASYON!
Konsensya: Por shyort, nagseselos ka?
Ako? Magseselos? HAHA! 'Wag ka ngang magpatawa diyan!
Konsensya: Nagseselos nga -.- Haays. Aminin mo nalang kaya kay Caleb na babae ka talaga? Baka may chance ka pang kalabanin yang Nicole na yan.
Ano ako tungaw? Pag ginawa ko yun baka ipakulong pa ako nun at higit sa lahat hindi ko makukuha yung bayad ko!
Andami ko na rin kayang pinagdaanan ano. Tapos ano? Mapupunta lang sa wala dahil sa akala mo nagseselos ako sa mukhang linta na babaeng 'yan? NO DEAL!
Konsensya: Daming satsat nito eh halata na at alam na ng buong Pilipinas na nagseselos ka at gusto mo si Caleb!
Anak ng puto sabing hindi eh!
Konsensya: Hala sige bahal ka diyan. 'Wag mo akong sisisihin kapag umiiyak ka na diyan ah?
"Jo!" lumingon ako sa likod ko at nakita kong masayang kumakaway mula sa bintana si Lime.
Ano nanaman kailangan nito sa akin? Piso?
Tumayo ako sa sofa at dumiretso papunta kay Lime, lumingon ako panandalian kay mokong pero mukhang masyado siyang abala para mapansin ako.
Nagbuntong hininga ako at tumingin uli kay Lime, "Ay Takte!" pagtingin ko sa kanya halos didikit na yung laway niya sa bintana sa kakasubsob niya dito.
Tumawa ako kasi para siyang ulol tignan. Dahil nga sa nakadikit ng sobra yung mukha niya lumaki yung butas ng ilong niya at nilakihan niya rin ang mga mata niya. Para siyang baboy!
Tapos napatingin ako uli kay mokong pero sadyang 'busy' lang talaga siya. Medyo sumikip yung dibdib ko, ay ang OA hah?
"O bakit?" binuksan ko yung pinto at tumalon papunta si Lime sa akin. Ng walang pagbabala hinila niya ako agad paalis at sinakay sa isang kotse.
Teka, pwede pala ipasok ang kotse sa lugar na 'to?!
"Huy lemon saan mo nanaman ako dadalhin ngayon?" napatingin ako sa bintana ng kotse at nakitang papalabas na kami ng country club.
Naku, baka magalit sa akin si mokong. Ay teka, abala pala siya.
"Birthday ko ngayon!" sagot niya habang nakangiti na parang bata.
"ANO?!" hinila ko siya sa may kwelyo niya at inalog-alog siya , "Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Akak! Jo hindi ako makahinga!" hinawakan niya yung mga kamay ko dahil parang nasasakal na siya.
Tumawa naman ako at binitawan siya, "Hehe, pasensya na~" ngumiti lang siya at tumawa na parang kinikilig.
Alugin ko na lang kaya yung utak nito?
Sige ayos, magiging abala rin ako ngayon dito at hinding hindi ko iisipin yang mokong na yan kahit ni isang beses!
[] LIME'S POV []
Ang pinakacute na crush ng bayan ay may Point Of View na rin! Yeah!
Konsensya: Yay! Palakpakan! Bespren may POV ka na rin! Hihi~
"ANO?!" hinila ako ni Jo my labs sa kwelyo at inalog-alog ako, "Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Akak! Jo hindi ako makahinga!" hinawakan ko ang mga kamay niya dahil nasasakal na ni ako ni my labs sa kanyang pag-ibig para sa akin!
Tumawa naman siya at binitawan ako, "Hehe, pasensya na~"
Ay ang kyut talaga ni Jo my labs! Ansarap niyang i-kiss!
Nginitian ko siya at tumawa ako sa kilig.
Konsensya: O nga pala bespren, ano ba ang plano mo ngayon at nasolo mo na si Jo?
Hmm, ano nga ba? Ah total wala naman yung masamang salamangkero na si Caleb, iimbitahan ko na kaya si Jo na maglive-in kasama ako?
Konsensya: Pero paano kung umayaw ang my labs mo?
Edi bahala na si batman!
"Uy lemon ano nananamn yang iniisip mo at nakangiti ka ng ganyan?" tanong ni my labs habang nakataas yung kilay niya.
Ay enebyen, nahuli ako ni my labs, "Wala lang naman. Jo gusto mo tumira na tayo sa iisang bubong?"
Bigla namanag nasira yung mukha niya, "Bakit ko naman gustong tumira sa isang bubong? Hindi kaya amagin ako dun?" simple niyang tanong.
Anak ng tokwa si my labs talaga! Napatawa ako at ngumiti, "Hinde what I meant was, do you wanna live with me?"
Lumaki naman yung mga mata niya tapos tumawa siya, "'Wag ka ngang mang-good time diyan haha! Ulol, kung ano-ano nalang pumapasok sa utak mo!" pinisil niya yung pisnge ko
Kinikilig ako pramis! Hihi! Ngumiti naman ako habang pinipisil niya yung pisnge ko, "Eh bakit hindi? Mahal naman kita eh, tapos pwede mo naman akong matutunang mahalin diba?"
Bumitaw siya tapos napatingin siya sa baba, "Ganoon lang ba talaga kadali magmahal ng isang tao?"
Tumingin ako sa kanya mula sa baba, "Oo naman. Basta maging totoo ka lang sa nararamdaman mo!" Masaya kong sabi.
Lumingon siya sa akin at napatawa siya bigla, "Haha! Sheyt Lime ang wirdo mo tignan bumalik ka nga sa pagkakaupo mo!" tumawa si Jo my labs ng sobrang lakas.
Tumawa rin ako at umupos ng maayos. Kaya ko nagustuhan si Jo kasi simple lang siya. Hindi ko kasi type yung mga babaeng sobrang 'OA' at peke.
At tska espesyal si Jo eh. Pero siguro hindi niya lang talaga natatandaan pa.
"Tska Lime, baka nakakalimutan mo, bakla ako. Hindi kaya magkakasala ka niyan?" tinaasan niya ako ng kilay habang ngumiti ng nkakaloko.
Tumawa naman ako at tinaas ko yung dalawang kilay ko, "Eh bakit si Caleb?"
Muhkang nagulat ata siya kasi lumaki yung mga mata niya at parang namula pa ata siya.
Di kaya gusto ni my labs si monster Caleb?
Lumingon siya kung saan-saan at tumawa na medyo ninenerbyos tapos hinablot niya mula sa akin yung cellphone ko.
"O nga pala, asan mo ba talaga planong pumunta hah?" tanong naman niya habang nagsimula siyang maglaro ng Flappy Beard sa cellphone ko.
Hmm, change topic kaagad si my labs.
Ngumiti nalang ako, "Chikolet! HAHA!"
Sumimangot naman siya at umirap lang tapos bumalik siya muli sa paglalaro.
Ang kyut niyang tignan hehe. Kinuha ko yung tablet ko tapos, "Jo!" nung saktong pagkalingon niya kinunan ko siya ng letrato.
"Uy! Idelete mo yan!" hinampas naman niya ako sa braso at tinawanan ko lang siya.
"No way! HAHA! Ipapadevelop ko 'to!" patuloy parin ako sa pagtawa at patuloy parin siya sa paghahampas sa akin.
"Sir Piddle, andito na po tayo," sumingit bigla si manong driver at huminto yung kotse.
Napatingin naman si my labs sa bintana at lumaki yung mga mata niya at napanganga siya sa gulat.
Lumingon siya kaagad sa akin at ngumiti ako habang tumango, "Welcome back Johanna."
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...