Fraud 13 : The Kiev Games!

496 23 8
                                    

"Ano mo siya?!" galit na patanong ni mokong.

"Girlfriend~ ^^" sagot ni Lime.

WAPAK! Hinampas ko siya sa ulo, "Anong gurlpren?!"

"Girlfriend, as in tayo, as in syota kita, as in mahal kita," tapos hinalikan niya ako sa pisngi at namula naman ako sa kahihiyan.

Si mokong naman nag evolve bilang kingkong at binira niya si Lime sa giliran ng damit niya, "Hindi mo siya pwede maging girlfriend!"

Tumawa naman siya, "Syempre pwede, lalo na kung na love at first sight ako sa kanya," tapos ngumiti naman siya.

Tapos ako natulala lang, si mokong naman tumingin sa akin, "Di ba sabi ko sayo wag ka lumabas ng villa?!"

Eeep! "Ah.. Eh.. Oo.. Haha..." nahihiya kong sabi sabay kamot sa batok. Patay na talaga ako nito..

Konsensya: huuuuy!! Hala kaaaa!!

Isa pa at ipapa rehab kita!

Konsensya: Game! Basta may gwapo ah ? Kita kits! *poof*

Parang sira lang noh? -.-

"Hah? Nagli-live in ka kasama ni Leb?" nagugulong tanong ni Lime.

Teka magkakilala sila?

"Oo Lime, tska girlfriend ko siya, siya yung kinukwento ko sa inyo," si mokong sumagot para sa akin.

Si Lime naman tumingin sa akin na parang tuta na naluluha, "Bakit Jo? Ansakit!"

Ginulong ni mokong mga mata niya at binitawan si Lime.

"Lime, sasabihin ko sana eh, kaso bigla mo aking hinila.." nginitian ko siya, si mokong naman nagtaas ng kilay.

"Hey! What's with all the commotion?" at lumabas si Kiev, na naka ala-referee na posisyon at pumagitna sa dalawang lalaki, ako naman nasa harapan niya.

"Si Lime kasi, sinasabi niya na girlfriend niya si Jo!"

"Oo! She can have two boyfriends naman eh!" sabi ni Lime.

"Hah?! Ano ako? Two timer?!" sabi ko naman.

Langya rin tong si Lime anoh? Tsk tsk.

"Hey, calm down, how bout this?" ngumti si Kiev na nakakaloko at nagagalak.

"WHAT?!" sabi naming sabi nina Lime at mokong.

"Lets have a game ^^"

"Huh?" ako lang ang naka sagot.

"A game where Jo would decide who will be her man," sagot ni Kiev.

"Hah?! Ayoko nga!" pagproprotesta ko. Syempre noh! Ayoko kaya!

"Im in!" natutuwang sagot ni Lime.

"Tch, sige.." sagot naman ni mokong.

"Well that settles it then," sabi ni Kiev na nakangiti at kumindat sa akin.

"Ep!" tumingin ako kay Lime, "Lime, bakla ako!! Lalaki!! Hindi ka ba nandidiri?"

Natulala si Lime, ayos -.- wala ng problema.. Mandidiri na siya.

"So?" taas kilay at inosente niyang tanong.

"Hah? Anong so? Sowsowan?! Leche naman Lime! Ano ka bakla?!"

Ngumiti siya ng matamis, "Love has no boundaries.."

At nakuha ko na ang sagot ko. Wala siyang pake kahit 'bakla' ako. Ano bang nakain nito?

Tapos lumapit siya sa akin at tumingin, napansin ko sa gilid ng mata ko na susugurin na ni mokong si Lime sa likod pero pinigilan siya ni Kiev, "Jo I love you just the way you are, and I hope you will too for me, soon," tapos hinalikan niya noo ko. Bakit ang hilig niyang humalik?! Yung laway niya lagi nalang dumidikit sa mukha ko!

"Ah---" bago pa man ako maka sagot hinablot na ako ni mokong pabalik sa villa.

Habang hinihila niya ako narinig kong sumigaw si Kiev, "Meet us here tomorrow at nine! If you wont show up, Lime wins by default!" At patuloy niya akong hinila papa alis.

Ansakit niyang humawak, parang madudurog na ata ang kamay ko.

Nung nakarating kami sa villa sinara niya yung pinto ng malakas at tumingin sa akin, "Hindi ba sabi ko sayo wag kang umalis?!" humigpit ang hawak niya.

"Eh nakakabagot kaya rito!" padabog ko namang sabi na para akong bata.

"Kahit na!! Marami ka namang pwedeng gawin dito!" tapos humigpit pa talaga ang hawak niya.

"A-Aray! L-Leb! Masakit na!" di ko na kasi kinaya, masyado ng mahigpit eh.

Natulala siya at nanigas bigla at binitawan ang kamay ko, tumingin siya sa gilid, "Pcha, pasensya na Jo,"

Tumango ako at tinignan ang kamay kong namumula na sa higpit ng hawak niya.

Tumingin siya sa akin pababa sa kamay ko at nagulat, "Sht, may first aid kit sa kusina-- gamitin mo nalang,"

"Di mo ba ako tutulungan?" nagmamakaawa king sabi, nakikipag biruan lang naman.

Tumingin siya na naka kunot ang ulo, "Hindi, baka mas masaktan lang kita," tapos pumunta siya sa hagdanan.

"Mokong! Ayos lang ako! Goodnight!" sigaw ko sa kanya.

Nakita ko siyang tumango pero naka simangot lang siya at pumasok sa kwarto niya.

OA naman ni moking O__O hayy nakuuuu...

Dumiretso nalang ako sa kusina para gamutin ang kamay ko.

Ang lakas pala ni mokong talaga, tsk tsk.

Andaming wirdo na nangyaro sa akin ngayong araw O.O

Naman, eto naman si Kiev akala ko tutulong kaso kabaliktaran eh. Hay asar naman!!

Nakita ko na yung first aid kit at kumuha ng ointment at pinahid ito sa namamagang parte.

Hiling ko nalang na maging maayos ang bukas.

******************************************************

A/N:

Yow dudes!! Short update again XD nagmamadali dahil super busy :o

But thank you sa mga nagababasa :")

And sa mga nag-add ng MBG sa reading list nila ^^ kahit begining palang~

Lab you guys!

Sensya na wala rin pong trivia ngayon XD

Till the next update!

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon