Fraud 49 ( Caleb's SMALL Confession!)

371 14 6
                                    

Bumalik na kami ni Lin sa taas pagkatapos ng ilang minuto.

“Andito na kame—“ binuksan ko yung pinto sa kwarto ni mokong at lumaki yung mga mata ko sa gulat, “ANONG GINAGAWA NIYONG DALAWA?!”

Agad namang lumingon si Kiev at binitawan si mokong, “I can explain!”

“Huh? What’s up?” sisilip sana si Lin pero tinakpan ko ang mga mata niya.

“Lin ‘wag kang tumingin! SPG ‘tong mga ‘to!” sabi ko naman at tinaasan ko ng kilay yung dalawang lalaki.

Nakita ko kasing tinatanggalan ni Kiev ng t-shirt si mokong. Ano kaya trip nila?

“Hoy bakla! ‘Wag mo kaming itulad sa ‘yo! Akala mo ba nakalimutan ko na yung nangyari sa inyo ni Lin?!” pagsusumbat ni mokong at sumuot siya ng bagong t-shirt.

Napanganga naman sa akin si Kiev.

Namula naman ako sa kahihiyan, “’Wag ka ngang assuming dyan! Sabing si Lin yung nagpumilit eh! Tska hindi ‘yun katulad ng iniisip mo!”

Tinawanan niya ako, “Eh bakit halos kasing pula ka na ng kamatis? Hoy Jo lalaki ka parin at aminin mong naattract ka parin kahit kaunti sa mga babae!”

“Wait what’s happening?” sumuksok si Lin at tuluyang nakapasok sa kwarto.

Lumapit si Kiev sa kanya at hinawakan siya sa mga balikat niya, “Lin why? Why of all people did it have to be Jo?” madrama niyang sabi.

Napafacepalm ako, “Hoy sabing hindi ganoon ‘yun eh!”

“Ah?” inosenteng ngumiti ang walang kamalay-malay na si Caitlin Hernandez habang sumabog ng kakatawa ang isang masamang gorilla sa kwarto.

Tinapunan ko siya ng tsinelas, “Bawiin mo nga ‘yun! Panggulo ka eh!”

Bumangon naman siya at nakailag, tapos bumalik uli siya sa pagakakahiga, “Bakit ko naman babawiin ang katotohanan?” ngmumisi siya.

“Walang hiya ka talaga mokong ka!” tinapon ko sa kanya yung isang pares ng tsinelas.

Habang abala kaming nag-aaway ni mokong dito. Abala naman si Kiev sa pagdradrama sa harapan ni Lin.

Nakakatuwa nga naman.

‘Jo you love Caleb.’

Biglang sumingit sa isipan ko yung sinabi ni Lime sa akin nun. Teka nga, asan na ba kasi yung abnormal na yun?

Pero mahal ko na nga ba talaga ‘tong si Caleb?

‘Jo you have to be honest about your feelings.’

Natandaan ko rin ang sinabi sa akin ni Lin.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon