Fraud 11 : 'Yun oh!

636 27 20
                                    

"Huy mokong---"

Tinignan niya ako ng masama, napakamot naman ako sa batok ko, "Ah, hehe, este Caleb pala--"

Naging maamo ang mukha niya bigla, "Leb nalang," nahihiya niyang sabi at tumingin uli sa harapan.

Ay nahihiya? Baka nakalanghap to ng makahiya na halaman! HAHAHA! Hashtag ubod ng corny.

Pero ang wirdo naman nitong si mokong, mood swings ata ang peg ngayon. Tsk tsk, baka mai nakaing wild mushroom.

"Ah, Leb, ano ba ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Andito kasi kami ngayon sa tabing dagat, naglatag siya ng isang kumot at nagdala ng makain ---- mga prutas, juice at bisquit. Syempre pagabi na rin, ang nangyari kasi pagkatapos naming tumakbo papalayo sa mga nagkakaguluhang photographers eh dumiretso kami sa villa.

Nagpahinga sandali at pinabihis niya ako ng komportable. Kaya ayun nagshorts ako, nagulat nga siya bakit daw ang kinis kinis eh, tapos sabi niya palitan ko daw kasi baka bastusin ako. Kaya nakipag away nanaman ako sa kanya, pero sa bandang huli nasuot ko parin yung shorts, hehe ^^V

Tinignan niya ako na parang nagulat siya.

"Bakit?" inosente kong tanong.

"Di ba sabi ko mag da-date tayo?" at ngumuso siya sa panghihinayan.

"Hah?! Akala ko nagpalusot ka lang para maka alis tayo!" syempre akala ko talaga noh! Diba? Yun rin inakala niyo?

"Hindi naman ako nagsisinungaling basta sa mga ganitong bagay," tumingin naman siya ngayon sa mga bituin.

Napakamot nalang ako sa batok, "Pero bakit?"

"Gusto ko maranasan makipag date eh.."

"Hah? Wala ka pang nadate? Ano ka? Parang gago lang? Una, virgin ka pa, pangalawa, NGSB ka pa, tapos ngayon wala ka pang na da-date?!" gulat kong sabi. Hindi mo naman kasi aakalaing ang isang tulad ni Caleb Valdez ay magiging ganito ka 'matino'.

Namumula naman siya, "Eh bakit ba? Bakit nakipag date ka na ba? Tska hindi ko dine-date ang isang tao kapag hindi kami!"

Tinaas ko ang isang kamay ko sa mukha niya, "Hinde pa---- Ep! Ep! Peke lang po ang 'tayo'"

"Alam ko naman eh, pero might as well experience it right now," mahina nanaman niyang sabi at patuloy siyang tumitingin sa kalangitan.

"Ah, pero pwede naman iba ah? Yung pagkatapos natin---"

"Eh gusto ko ikaw," ngumiti siya sa akin at bumalik sa pagtingin sa taas.

Konsensya: Uuuuuyyy~ dahil daw sayo~ mehehehehe!! :3

Suntok you want? -_-

Konsensya: try mo :p *poof*

Leche na 'konsensya' -.- daig pa ang aso ng kapitbahay ko, ubod ng kulit!!

Ngumiti naman ako, "Ah, sige na nga, gusto ko rin matry, o ano ba ang gusto mong gawin natin?"

"Star gazing, maghanap ka ng constellations, paramihan tayo ah?" nagagalak niyang sabi.

"Sige ba! Game! Ako magsisimula ah?" at tumango naman siya, tinuro ko yung parang hugis trapezoid na may antenna, "Cancer the crab,"

"Ah, tama," tinuro naman niya yung hugis tatsulok na may mahabang buntot o linya, "Serpens Caput"

"Hah? Hindi ko alam yan eh.." nahihiya kong sabi.

Akala ko pagtatawanan niya ako kaso ang ginawa niya eh tinapik niya ng mahina ang ulo ko, "Ano lang ba ang alam mo?" at ngumiti siya.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon