Fraud 60 : Kasi Baril

342 13 10
                                    

Epal Author's POV:

Gusto ko may pasabog :D BLOOD BLOOD BLOOD~ BUAHAHAHA >XD joooke hahaha (resulta ng naparami ng tsokolate)

==================================

Ipaglalaban ko 'tong nararamdaman ko.

"...Ma ayos lang po ba?" tinignan ko si mama ng seryosong seryoso.

Andito ako ngayon sa bahay namin mismo. Ipinaliwanag ko na sabuong pamilya ko ang mga nangyayari at mukhang gulat na gulat sila sa lahat ng pinagsasabi ko.

Napailing lang si mama.

Hindi ba niya ako sinosoportahan?

"Ano pa ba ang magagawa namin eh sa anak ka namin, tska hindi naman ako papayag na inaapi ka lang dahil sa katayuan mo sa buhay noh!" sabi naman ni mama habang nakangiting pandonya siya.

Napangiti naman ako at tumingin ako kay papa na tumango lang at nagthumbs up.

"Nak, ilampaso mo sa sahig yung matapobre na 'yun!" pagbibiro ni papa at sinapok naman siya ni mama.

Tapos tumayo si mama mula sa pinagkakaupuan niya at lumapit sa akin, "Proud na proud ako sa 'yo nak, natututo ka ng gumawa ng malalaking desisyon na sumusunod sa moralidad," inalok ako ni mama sa isang yakap.

Agad naman akong tumayo at niyakip siya, "Salamat ma," medyo naiiyak na yung boses ko, "...Kayo naman din po ang nagpalaki sa akin eh."

Lumapit si papa at tinapik ako sa ulo, "Nak, 'wag mong hahayaan na maliitin ka ng iba dahil lang sa mas may kaya sila."

"Oo nga bunsoy, astig ka kaya!" natatawang sabi ni kuya at kumindat sa akin.

"Eh anak ano ba ang sinabi sa iyo ni Caleb?" tanong naman ni mama habang kumalas siya sa yakap namin.

Napakurap ako, "...Pagkatiwalaan ko lang daw po siya..." tapos tumango ako, "Pero ma, gusto ko rin may magawa ako."

Ngumiti si mama, "Sige anak. 'Wag ka ng mag-aalala sa amin ng papa mo. Kaya na namin ang sarili namin."

Kumindat si papa, "May mga kaibigan naman kami na alam naming hindi kami pababayaan."

"...And don't worry Jo, your brother and I will also help your parents, you can rely on us," dagdag ni ate Carol.

Tapos bumuhos na ng dahan-dahan yung mga luha ko sa saya, "Anak ng fishball halos lagi-lagi nalang akong umiiyak."

Nakakataba ng puso dahil alam mong may mga taong sumusoporta sa iyo.

"At uhugin pa," dagdag ni kuya habang ngumisngisi siya.

"Bweset ka kuya, panira ng moment, haha," humihikbi kong sabi.

Tapos kinuha ko yung kwelyo ng daster ni mama at suminga doon. Binira naman ito ni mama kaagad.

"Hoy Johanna hindi ako trapo, susme 'tong batang 'to!" nandidiri niyang sabi at ipinunas yung kwelyo niya na puno ng sipon at kaunting kulangot kay papa.

Nanahimik nalang si papa habang nakasimangot kay mama.

"Pero Johanna, aamin ka na rin ban a babae ka?" nagatatakang tanong ni mama.

Naisip ko na rin 'yan at meron na rin akong maisasagot.

"Opo ma, kung mahal niya rin ako hindi ba dapat matutunan niya akong patawrin? Ayoko na rin kasing magsinungaling ma eh," mahina kong sabi habang nakangiti.

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon