Fraud 37 : Let's Play Dress Up!

395 12 1
                                    

[] JO'S POV[]

Naglakad-lakad ako sa buong barangay namin at hinanap si kuya.

Hindi kaya pumunta yun sa salon at nagpaganda?

Kaasar naman kasi, bigla nalang tumakbo yung kumag kung saan pwede naman dun nalang siya sa kwarto niya nagemote.

"ANG TANGA MO!" may narinig akong sigaw ng isang mala-gorilla na boses at sinundan ko to. Narinig ko yun malapit dun sa lumang palaruan.

Pagkarating ko nakita ko nalang si kuya Rens na nakahandusay sa lupa at bumangon siya kaagad. Tapos may nakita akong unggoy na nakatayo sa harap niya.

Nakatingin si mokong kay kuya habang nakahugis kamao yung isa niyang kamay, sinuntok niya siguro si kuya.

Teka si mokong?! Anong ginagawa niya rito?

Konsesnya: Yiee, baka hinahanap ka niya Jo, haha.

Yaks, baka naman papunta lang ng mall yang si mokong at nawala.

Makatago nga muna.

May nakita akong isang padulasan na parang tubo kaya pumasok ako duon at nagtago.

Bumangon si kuya at ngumiti kay mokong tapos may parang sinabi siya. Bigla namang kumunot yung kilay ni mokong at mas lalo pa ata siyang napikon.

Anebeyen, ni hindi ko marinig yung pinag-uusapan nila.

Hinila ni mokong si kuya sa mga kwelyo niya, kaya anlapit-lapit ng mga fes nila... Eww, mamaya magki-kiss yan sila eh!

Bakla siguro talaga tong si Caleb anoh?

Tapos parang may sinisigaw si mokong kay kuya, ano ba yan tumatalsik yung laway ni mokong kay kuya! Instant shower!

Tapos narinig ko nalang na sabi ni mokong, "Maswerte ka at mahal ka rin niya!" tapos lumaki yung mga mata ni kuya.

Ilang sandali binitawan na ni mokong yung pagkakahawak niya kay kuya at nagsimula silang tumawa na parang mga sira.

Hah? Anyare? Hashtag pakiexplain please.

"Maswerte si Jo sa 'yo," sabi ni kuya kay mokong na nakangiti.

Hah? Ako, maswerte? HINDI ANOH!

Parang ganito kasi yan, habang naglalakad ako suot-suot ang bago at branded kong sapatos nakatapak ako biglaan ng isang marumi at mabahong tae.

Ganoon ang sitwasyon ko kay mokong, siya yung nakakabadtrip na taeng natapakan ko.

Kaya nga HINDI AKO MASWERTE.

Tapos umalis na sina kuya at mokong. Mukhang narinig ko rin si kuya na sinasabing babalik na sila sa bahay.

"Okay, aalis na rin ako!" nakadapa kasi ang posisyon ko sa loob ng padulasan kaya ang hirap gumalaw.

May bigla nalang akong naramdaman na gumagapang sa paa ko, medyo nakakakilit, " ... UOD!!! AAAH!" napasigaw ako nung nakita kong mai isang matabang kulay brown na mai polka dots na uod ang masayang tumatambay sa paa ko.

Konsensya: Caterpillar po tawag diyan, ano ba naman yan, asan ba ang science mo?

Uod pa rin yan lintek! Yaaak!

Sa sobrang pandidiri ko agad-agad akong lumabas ng padulasan tapos nalaglag ako at ang sumalubong lang naman sa mukha ko ay isang malawak na sariwang putik.

"Argh, kaasar kang bulate ka!" sabi ko dun sa uod na parang ewan na gumugapang sa loob ng padulasan. Puno na ng putik yung mukha ko at damit ko! Puti pa naman yung t-shirt ko ngayon!

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon