Fraud 57 (DAW)

346 13 4
                                    

[ A/N: Heto na, the biggest revelation and plot twist ng MBG!!! 'WAG KAYONG KUKURAP! At 'wag niyo po akong sasapakin = w = ]

[ LIME'S POV ]

Nakatanggap ako ng text bago lang, mula kay Kiev na nagsasabing naaksidente daw si Caleb. Kinabahan naman ako, alam na kaya 'to ni Jo?

Baka umiiyak na si Jo my labs! Nako! Sabi ko po naman na kapag pinaiyak ng Caleb si my labs eh aagawin ko si Jo mula sa kanya!

Pero, siguro dapat maging masaya ako kasi nawala na ang karibal ko. Pwede naman kunwari kinocomfort ko si Jo tapos pagnakalipas ang ilang buwan magtatapat ako uli na mahal ko si my labs!

Konsensya: Friend 'wag! Bad yan, dapat suportahan mo si Jo! Dapat for better or for worse andyan ka!

Hehe, tama ka nga. Sige na nga, ako na ang martyr na prinsipe sa buhay ni my labs.

Dahil sa nasagap kong balita, agad naman akong nataranta at tumakbo papunta sa pintuan. 

Nung binuksan ko yung pinto napatalon ako sa gulat kasi may tao pala sa labas. Mukhang kakatok na sana siya kasi nakataas 'yong isang kamay niya na nakakamao ang porma.

Pero teka, napakurap ako sa nakikita ko, "Caleb?!" nagtataka kong tanong.

Akala ko imahinasyon ko lang pero si Caleb talaga 'tong nakikita ko eh! Pero parang may kakaiba sa taong 'to ngayon.

Ngumiti naman si Caleb at tumawa.

Teka hindi ngumingiti si Caleb ng basta't-basta at mas lalong hindi siya tumatawa maliban nalang kung nangiinsulto siya...

"Kakambal ako ni Caleb," mahinahon niyang sabi at nakangiti parin siya.

"ANO?! MAY KAKAMBAL SI CALEB?!" gulat na gulat kong tanong.

Ano 'to, bakit ngayon ko lang 'to narinig? Hindi kaya gino-good time lang ako nina Kiev?

Oo nga! Alam kasi nilang lalabas ako pagkatapos nung text ni Kiev tapos magkukunwari si Caleb na siya yung kambal niya! Sigurado rin akong may camera silang ginagamit ngayon.

Tumawa naman ako ng malakas, "Hindi mo ako maloloko Caleb! Sigurado akong nagtatago lang sa paligid sina Kiev!" sinundot-sundot ko siya sa dibdib niya.

Tinaasan naman ako ni Caleb ng kilay, "Hah? Eh kambal talaga ako ni Caleb," nagtataka niyang tanong.

Tinaasan ko naman rin siya ng kilay at nagcross arms ako, "Talaga? Eh ano pangalan mo? At bakit kahit ni isang beses hindi ka ikinuwento sa akin ni Caleb?"

Napakamot siya sa batok niya, "Nagkaamnesia si Caleb ten years ago at nag-aaral ako nun sa England."

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon