[] JO'S POV []
"Kain na!" sinipa ko pabukas ang pinto ni mokong ng nakita kong nakatayo na siya at bago lang nagpalit ng t-shirt. May dala-dala akong tray ng pagkain.
Lumingon siya kaagad sa akin, "Baka may lason 'yan," ngumisi siya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay kasi ayokong itapon yung pagkain, sayang eh.
"Ah ganon ba? Sayang naman 'tong luto ko," ngumisi rin ako, "Ako nalang kakain nito, tutal halos buong umaga akong nagluto."
Kumurap naman siya ng ilang beses saka hinablot yung tray mula sa akin, "Sino ba nagsabing hindi ko 'to kakainin? Para nagtatanong lang kung may lason eh!" umupo siya sa kama niya.
Tinabihan ko naman siya, at sumubo siya nung ginawa kong mushroom na sopas, "Aba ansarap nito! Nakakaluto rin pala ang mga bakla?"
Sinapok ko siya sa ulo, "Bastos ka! Kahit papaano kaya kong mabuhay ng sa sarili ko lang!"
Tumawa naman siya at kinuha yung toasted bread na may bacon sa taas at inilahad ito sa bunganga ko, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Sabi mo hindi ka pa kumakain diba? Sige na," sumimangot lang siya at kumagat nalang ako.
"Arnong muron? Bukut urng baet mu?" sabi ko habang sabay nguya at talsik ng pagkain sa harap ni mokong.
Sumimangot naman siya, "Turuan kaya kita ng manners?" tapos sumubo siya ng salad.
Ngumuso lang ako, "O nga pala, piyansey mo raw yung linta?"
"Linta?" sumubo siya at tinaasan ako ng kilay.
"Yung Nicole Chuvalers o kung anu man," napakibit balikat ako at nagkunwaring nababagot.
Tumawa naman si mokong, "Jo 'wag kang mag-aalala. May topak lang 'yun, kahit kalian hindi ako papayag na mapakasal sa kanya. Kahit kunin pa nila lahat ng pera ko."
Natuwa naman ako sa narinig ko, at least sigurado akong hindi interesado si mokong kay Nicole.
"Bakit naman?" bigla kong tanong.
Medyo namula siya at sumubo muli, "May nakita na kasi akong espesyal na tao."
Sayang akala ko pa naman kapwa niyang hayop.
Pero medyo bumigat yung puso ko ng sinabi niya 'yun. Ay ang chaka ko talaga!
Konsensya: Malay mo ikaw? Ui sign na 'yan oh!
'Di kaya obvious sign!
Konsensya: Choosy!
Syempre ako pa?
Tatanungin ko pa sana kung sino tapos biglang bumukas yung pinto.
Ang bruhang linta nanaman. Napabuntong hininga nalang ako habang nakangiti naman yung linta, yung plastic na ngiti.
"Hey Caleb, I'd like to talk business with you. Dad says he wants a new project," medyo malaswa yung pagkkaasabi niya. Isubo ko kaya yung dictionary sa kanya?
Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan, tapos lumingon ako kay mokong na parang natalo sa lotto ng isang daang beses, yung bugnutin.
"Fine, but it's just business," napabuntong hininga siya at tumayo, tinignan ko lamang siya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Salamat sa pagkain, ansarap pramis," tapos ginulo niya yung buhok ko, "I'll be back in a while."
Napatango lang ako at pinanuod silang umalis ng kwarto.
Nagbuntong hininga ako at humiga sa kama. Nakakabagot naman 'tong walang kaaway.
Makatapos ang ilang minuto biglang nagring ang cellphone ko, pagtingin ko sa screen, "Mike?" sinagot ko yung tawag niya.
"Jo! Pare kamusta na?" ansaya niyang pakinggan sa kabilang linya.
"Wow, ansaya ni kuya ah, haha. Nanalo ka ba ng lotto?" sumbat ko naman.
Tumawa siya, "Haha, lumabas ka diyan sa villa at para malaman mo!"
Tinaas ko ang kilay ako at agad agad na lumabas ako ng villa. Napanganga ako sa gulat at tinaasan ko ng kilay yung taong nakatayo at nakangiti sa harap ko.
"Mike! Huy ulol kamusta na!" tumakbo ako at niyakap siya.
Tumawa rin siya at niyakap ako, "O kamusta na ang trabaho mo boss?"
Kumawala ako at sinuntok siya sa ng mahina sa braso, "Teka nga bakit ang porma mo ngayon ah? At paano ka nakapunta dito?" tinignan ko siya paa hanggang ulo.
Tumawa naman siya at namewang, "Boss may aaminin ako sa 'yo. Pero bago yun, pwede ba tayo umupo?"
Tumango ako habang tinaas ang kilay ko, "Sige, pasok."
[ Pagkatapos ng dalawang oras ng pagkwekwento... ]
Napakamot ako sa batok ko, "Akala ko nanalo ka ng lotto. Eh anak mayaman ka pala, Mike Anderson." Nung nasa eskwelahan kasi kami yung apelyedo ng mama niya pala ang ginamit niya.
Tumawa siya at uminom ng juice tapos ibinaba niya uli yung baso sa lamesa, "Haha, 'wag mong idiin. Parang hindi naman tayo magkaibigan eh!"
Inirapan ko siya, "Eh sana sinabi mo na nuon sa akin na anak mayaman kang ulol ka!" binatukan ko siya.
"Aray!" hinimas niya yung ulo niya, "Wala ka naman nagtanong diba? Haha."
At nakuha pang magbiro ng sira. Muntik ko ng hindi makilala tong ulol na 'to kung hindi siya ngumiti ng ganuon sa akin. Pormang porma eh, akalin mo ba naman naka-GAP ang sira?
"So patapos ka na diba? Sa pagiging gay girlpren mo nung Caleb na manyak na yun?" tanong niya.
Tumango ako, medyo nakaramdam ako ng lungkot "Oo, patapos na nga," at napabuntong hininga ako.
Ambilis ng panahon. Parang kahapon lang eh nagaasaran lang kami ni mokong.
"Eh naguguluhan ako, bakit nagtratrabaho ka pa sa auto shop eh parang yung kita mo duon ng isang buwan kinikita mo ng isang oras lang?" napakamot ako sa batok ko.
Napakamot rin siya sa batok niya, "Paano ko ba 'to ipapaliwanag?" lumingon siya sa kung saan-saan.
"Nawala lang ako ng ilang oras may iba ka ng kasama?" lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang nakasimangot na mokong.
Tumindig naman kaagad si Mike at inabot ang kamay niya, "Mike nga pala, close friend ni Jo," ngumit siya.
Pero tinignan lang ni mokong yung kamay niya at sumimangot, "Hoy baket mo 'to pinapasok?" tumingin siya sa akin.
Napatawa naman ako, "Ganito kasi 'yun... Nawala daw siya bigla, tapos sabi niya nauuhaw raw siya kaya pinapasok ko siya. Tapos bigla niya akong inofferan ng Apple na iPad... hehe."
Tinaasan ako ni mokong ng kilay, "Ano 'to? Modern version ng Snow White?" lumapit siya sa akin.
"Eeeh, sige na bisita ko naman siya eh," ngumuso ako.
Umirap naman si mokong at hinawakan ako sa braso ko, "Ikaw bakla ka!"
"Aray naman! Mokong bitawan mo ako!" ngumuso ako.
"Pare nasasaktan mo yung tao," tinapik ni Mike si mokong sa balikat niya at tinignan siya ng masama ni mokong.
"Ano ba sa 'yo si Jo at parang sobrang concerned ka sa kanya? Diba close friends kayo?" malamig na sabi ni mokong.
Tumawa naman si Mike, "O nga pala Jo, may isa pa sana akong sasabihin sa 'yo kung hindi lang tayo ginulo ng 'boyfriend' mo."
Tinaasan ko siya ng kilay. Parang kinakabahan ako sa sasabihin niya ah? "Ano?"
"Mahal kita."
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...