[ A/N: Oh sheeyt mga limang chapter nalang HAHA whoo! Tska mga bru, prepare yourselves! ]
"Mahal kita," pabulong na sabi ni mokong.
Konsensya: Sa totoo, oo umamin na si Caleb, kaso nga...
"Mall kita," narinig kong sabi ni mokong sa akin na pabulong.
Mall niya ako? Ano 'yun? Mukha ba akong lalagyan ng mga department store o kaya grocery?
"O tapos?" pabalang kong sabi habang nakasimangot.
Napaatras naman si mokong at kumurap sa gulat, "Ganon lang?" napasimangot siya.
"Eh anong gusto mo tumalon ako sa tuwa sa sinabi mo?" tinaasan ko naman siya ng kilay.
Lumaki yung mga mata niya at parang nasaktan siya sa sinabi ko. Hah, bakit naman?
"Ah, ganon bah? Sige," napaduko nalang siya at tumingin sa kabilang direksyon.
Ay ang OA ni koya, eh bakit ba naman kasi ako matutuwa kung sasabihin niyang mall niya ako? Ano ako, abnoi?
At tska sa lahat pa ng pwedeng ihalintulad niya sa kin, isang mall pa talaga!
"Huy, LQ yung dalawa oh," pabirong bulong ni Lime kay Mike.
"Hoy Lime, sa susunod, kung bubulong ka pwede hinaan mo?" taas kilay kong sabi at sabay simangot.
Tumawa naman si Mike, "Break na 'yan! Bilis, para akin na si Jo!"
Tinapunan ko ng unggoy tsinelas (monkey slippers) si Mike at agad akong lumingon pabalik kay mokong. Sinundot-sundot ko ang tagiliran ni mokong.
"Hoy mokong, bakit ka nagdra-drama, para 'yun lang naman---" agad siyang lumingon sa akin na parang tumitingin siya sa isang walang puso na tao.
Sinimangutan niya ako at ibubukas na sana niya yung bibig niya ng nagring yung cellphone niya.
"Teka lang, sasagutin ko 'to," tumayo siya at nung kinuha niya yung cellphone niya at nakita yung caller sa screen mas lalo pa siyang sumimangot at kumunot yung mga kilay niya.
Pumunta siya sa loob ng kusina para sagutin yung tawag. Bakit ayaw niya iparinig, sino kaya 'yun?
Konsensya: Oi, echosera daw siya, haha!
Bakit bawal ba macurious kung sino yung tumatawag sa boypren ko? Este, pekeng boypren?
"Huy Jo, labas tayo maya. Ipasyal mo 'ko dito," nakangising sabi sa akin ni Mike.
Inirapan ko siya at tumawa ako, "O siya,siya, basta bilhan mo ako ng icecream ah?"
"My labs, bibilhan nalang kita ng icecream, walang kapalit," singit ni Lime at kumindat sa akin.
Tinapunan ko ng unan si Lime, "Kadiri mo, haha. Gusto ko ring gumala eh, kaya 'wag ka ng soy sauce diyan!"
Tinaas naman ni Lime yung kilay niya sa pagkakalito. Ang hirap talagang patawanin 'tong mga foreigner na 'to, anliit ng sense of humor!
"Ang ibig sabihin ni Jo pare, 'wag kang sawsaw," tinapik naman ni Mike ang balikat ni Lime at ngumiti na naawa.
Napatawa naman ako, "Haha, tska diba lumabas na tayo nung bertday mo? Pwede ngayon, kasama ko naman bestfriend ko?"
Ngumuso naman si Lime, "Shige na nga, but I'm only allowing this because I trust Mike!" sabi niya at itinapat niya yung kamao niya sa dibdib niya.
Agad namang sumulpot si mokong na naka business attire at mukhang nag-aalala, ambilis niyang magpalit, "I'm coming back this evening, urgent matters came up. Kailangan kong pumunta sa opisina ni papa."
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...