Fraud 6 : Si Bespren

777 43 27
                                    

Naglakadlakad kami sa loob ng country club.

May nakikita rin akong mga estudyante, pagmamay-ari nga ng Stratford University diba?

Astig rin tong lugar na to ah.

Mai mga fountain, tapos yung damo trimmed talaga, tapos yung mga villa dito ang gagara, halos lahat--- este LAHAT sila de kotse. Pati nga si mokong eh, tska mukhang nangongolekta siya ng mga classics na kotse.

Etong mga mayayaman kung saan saan ginagastos ang pera. Pwede naman nila ito ibili ng pagkain, o kaya naman mga kagamitan na kailangan talaga, o kung walang panggagamitan edi itago sa bangko.

Habag naglalakad kami napagpasyahan kong ako na ang magsisimulang magsasalita, magiging kasama ko rin to sa dalawang buwan eh, kailangan talaga ng pakikisama at kung maari pwede ko to maging kaibigan para naman pag kulang ako sa pera lalapit lang ako dito.

Kaso iba nangyari eh, "...Gusto ko lang linawin sa yo na hindi tayo magkaibigan dahil trabahante kita at kahit kelan eh hindi tayo magiging magkaibigan.."

"Oho, mister masunget na mokong."

"Tska pwede ba?! Wag mo nga akong tawaging mokong! Caleb ang pangalan ko!"

"Alam ko noh, kaso di kasi bagay sayo, mas gusto ko mokong nalang," tapos inunahan ko siya sa paglalakad.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga at parang nagdadabog na parang bata, napatawa tuloy ako ng mahina.

Kung mag-iisip isip ako, siguro nga naman imposible na maging kaibigan ko to lalo na dahil sa ugali ng mokong na unggoy na to.

Hiling ko nalang eh sana matatagalan ko tong taong to at sana hindi ako sumabog sa galit o pagka ubos ng pasesnya.

Tska mukhang after 100 years ko pa makakamit ang pangarap ko na maging mayaman.. Hahay, buhay nga naman, parang life =__=

Naalala ko tuloy yung sabi ni Mike na, "Wag kang susuko, kaya mo yan! Fight!". Grabe sumuporta sa akin ang ulol na yun. Daig pa ang nanay ng limang taong gulang na bata.

Natandaan ko pa nga nung nagka school play kami tapos ang role ko nun ay isang prinsesa ( oo nakakadiri at tska mahaba pa kasi buhok ko nun ), si Mike nasa audience at grabe maka sigaw ng, "Gooo Johanna!! Wooh!" para siyang nasisiraan ng bait. Napagalitan pa nga siya noon eh, ang ingay ingay kasi. Pero nakakatunaw ng puso kasi nga diba? Bestfriend mo na todo ang suporta sayo :"> bihira ka lang makakahanap ng mga taong ganyan :")

Kaya nga kung may bestfriend ka? Alagaan mo yan tska wag mong papakawalan. Parang kapatid mo na rin kasi yan, tska kalinga mo na yan sa hirap man o ginhawa.

Teka, ang deep ah? XD

Pero, oo kahit makulit at sira ulo yun, mahal ko yun, isa na rin kasi siya sa mga kapamilya ko at mahalaga na siya sa akin. Kaya nga kung posible ayaw ko siyang masaktan ng kahit ano o ng kahit sino man.

Habang naglalakad kami at palibot-libot may namataan ako na parang isang mini bar na punong puno ng mga babae na pumapalibot sa mga lalaki na naka upo na akala mo kong sinong gwapo. Nakaka asar talaga ang mga ganyan, akala nila pwede lang pagluruan ang mga babae.

Hindi dahil bitter ako ah? Tska NBSB pa ako o No Boyfriend Since Birth. Nakaka inis lang talaga eh, parang laruan ang turing sa amin. Ansarap tuloy nilang sapukin isa-isa eh!

Hinila naman ako ni Caleb papalapit doon, "Hoy! Teka bitawan mo nga ako!" at nung papalapit na kami sa lugar ay nagtilian ang mga babae at kumaripas papalapit kay Caleb.

"Oh em geeee!! Caleb Valdez is here! My hero!!!" super Inggo lang ang peg?

"Uwaaaa! Caleb go out with me!!" andun yung exite gate ate, baka gusto mo itapon kita doon?

My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon