Pagkatapos nung kasal lumipas ang tatlong araw ng parang ang bilis-bilis, mag-iisang buwan nalang rin at matatapos na ang trabaho ko.
"Ano ba yan, bakit nalulungkot ako? 'Di ba dapat masaya ako kasi matatapos na rin 'to?" gumulong gulong ako sa malambot na kama habang naka-on yung airconditioner.
Bumalik na kasi ako kaagad sa villa kasama sina mokong at Kiev pagkatapos nung reception. Tska bumalik nanaman ang 'the Kiev Olympic games.'
Walang kapaguran talaga tong si Kiev!
Ngayon na rin na araw aalis si papa Charles kaya mission success ako! BWAHAHA! Pero mamayang gabi pa raw siya aalis eh, gusto niya raw sulitin yung araw.
Biyernes rin ngayon kaya merong mga naglilinis ng bahay, housekeeping ata yung tawag dun ni mokong, pasosyal pa kasi tong pachotero na to.
May kumatok, "Sige pasok lang, bukas yan," umupo ako kaagad. Baka yung kwarto ko na yung lilinisin.
"Ay teka pala!" natataranta kong sabi at tumakbo ako kaagad sa banyo at tumingin kung may sinabit ba ako na bra o panty. Nagbuntong hininga naman ako dahil wala naman pala.
"Sige pasok na, hehe," sabi ko dun sa kumatok tapos bumukas yung pinto at may parang katulong na pumasok.
"Ma'am henahanap po kayo ne ser Charles," sabi niya at tumango lang ako tapos umalis na siya.
Ano naman kaya ang kailangan sa akin ni papa Charles?
Nagayos-ayos ako kaunti at nagsuklay, baka kasi binahayan na ng ibon yung buhok ko. Syempre kailangan kaaya-aya akong tignan sa harap ng tatay ng boyfriend ko diba?
Este, pekeng boyfriend pala.
Parang mai tumusok sa tiyan ko, ansakit naman. Ano ba naman tong problema ng katawan ko ngayon?
Lumabas ako ng kwarto at narinig ko yung malakas na hunghong ng vacuum cleaner at mas pumasok yung sinag ng araw kasi pinapalitan nila yung mga kurtina.
Ang laki siguro ng gastos sa paglilinis dito ano?
Naglakad ako at bigla kong naisip, "Teka, walang sinabi yung ate kanina na kung saan si papa Chealres," napakamot ako sa batok ko, "Ano ba naman yan."
Nagbuntong hininga ako at napagpasyahan na dumiretso sa study room kung saan kadalasan anduon si papa Charles. Nung papalapit na ako may nakita akong lalaki na naka itim lahat ng suot niya na nagmamadaling lumabas sa study room.
"Hoy!" sa sobrang pagmamadali niya eh nabangga niya ako at ni hindi lang man siya tumingin uli sa akin at kara-karaka siyang umalis.
Kahina-hinala yung tao ah! Teka! Hindi kaya andun si papa Charles?! HOMAYGULAY!
Tumakbo ako papasok ng study room at hinanap si papa Charles pero hindi ko siya nakita, may mga kung anong papeles lang ang nakapatong sa lamesa niya.
Masama ang kutob ko dito! "Papa Charles?" medyo natataranta kong sabi. Shet asan na ba kasi yung matandang yun?
"Huli ka!" mai biglang tumusok na mga daliri sa giliran ko kaya naman napalundag ako sa gulat.
Lumingon ako at nakita kong nakangiting aso si papa Charles na para bang may naloko siyang bata.
=__= Upakan ko na kaya to?
"Akala ko po kung ano na ang nangyari sa inyo! 'Wag naman po kayong manggulat!" nahihingal kong sabi sa kanya.
Tumawa siya na parang nagwagi, "Bakit naman?"
"May nakita po kasi akong kahina-hinalang lalaki na lumabas mula po rito," sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...