"Waaaaaaaaah~ ansarap~ hihihihi!!" naliligo ako ngayon at ansarap ng tubig!
Bumalik na kasi kami sa villa ni boss mokong at syempre dahil napagod ako sa lahat ng ginawa namin kanina lang.
Pinagpapawisan nga ako at hinahapo pagkatapos naming gawin yun eh.
Konsesya: Ewww!! Kadiri!! Nag toot na kayo?!
Hah? -.- anong 'toot' ang sinasabi mo?
Konsensya: kasi pinagpawisan ka at hinahapo PAGKATAPOS niyo gawin 'YUN' -----so ibig sabihin lang nun..
O______O
Walangya ka rin ano? Diba dapat good thoughts ka?! Kasi konsensya kita?! Anong toot ka dyan! Virgin pa ako!
Ang ibig kong sabihin....
[ KANINA ... ]
Pagkatapos naming tatlo magusap, napagdesisyunan ni mokong na ilibot libot nalang ako sa country club, syempre naman pumayag ako, malay mo may mapulot ako na piso!
Nakapunta kami sa golf course ( na sobrang HINDI tahimik dahil sa mga fangirls ng mga naglalaro ), tennis field (na walang gumagamit ), swimming pool (na puno ng mga MALALASWANG babae na naka swim suit na halos puro tali nalang ang suot O.o ), ang garden ( na may maze at muntik na akong nawala buti nalang nakita ako ni mokong ) at ang dagat na kung saan kami papunta.
Akalain mo? Pati dito may dagat? Laki siguro ng pera na ginastos dito O.O
Tsk tsk, siguro mas malaki naman ang nakukuha nilang ganansya, masubukan nga ang ganitong klase ng trabaho, magsisimula ako bilang janitress dito hanggang sa maka ipon ako at makagawa ng akin.
"Buwahahahahahahahaha!!!"
"Jo? Ayos ka lang? Bakit ka biglang nag evil laugh?" tanong ni Caleb na nakangiting unggoy.
Ay O.O napalakas ata ang tawa ko, mehehe, "Wala lang.."
Ginulong ni mokong ang mga mata niya ( ano daw? XD ), "Masama daw ang tumatawa ng walang dahilan,"
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya (nauna kasi ako) at nilagay ang kamay ko sa bewang ko at tinaas ang kilay ko, "At sino naman ang may sabi?"
Napansin ko rin na nakatapak kami na sa buhangin, nakarating na rin sa wakas.
Tumawa siya, "Alam mo, minsan napapaisip ako na hindi ka bakla, para ka kasing babae talaga,"
Tumawa ako ng medyo nininerbyos, "Ano ka ba! Abno lang?! ----teka hindi mo pa ako sinasagot!"
Ngumiti siya ng nakakaloko, "Nanligaw ka ba?"
Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko, "HOY WAG KANG MAHANGIN!! Kahit kelan hindi kita liligawan!!"
Tumawa naman ang sira, "Ang cute mo naman pag nahihiya,"
Okay, ikaw nagsimula, ngayon humanda ka sa akin Caleb Valdez, lumuhod ako sa buhangin at tumingin ako sa baba, kaya parang nakatago ang mukha ko. Yung posisyon na parang umiiyak?
Medyo narinig ko ang mga yapak ng lakad niya, "Jo? Uy, grabe nagbibiro lang naman ako--- huy!" umupo siya at tinignan ako, hahawakan na sana niya ang balikat ko ng,
"Huwaaaa!" tinapunan ko siya ng isang kamay ng buhangin at nakain niya ang iba neto.
"Pwe! Langya ka Jo!!!" umubo ubo siya at pinunasan ang mukha habang medyo naiiyak dahil sa lasa ata XD wawa naman.
"Salamat," tumawa ako ng malakas at napaupo dahil dun.
"Bweset!" nilabas niya ang dila niya at dinudura ang mga buhangin na nakain niya habang patuloy parin ako sa pagtawa.
Tinignan niya ako ng masama, "Humanda ka ngayon----" kumuha siya ng isang kamay rin ng buhangin at bago niya pa ako matapunan eh kumaripas na ako ng takbo.
"Habulin mo muna ako!! Bleeeeeh!!!"
"Joooooo!!!" tumayo na rin siya at hinabol ako, para tuloy kaming mga bata na naghahabulan.
"Ang huli makarating sa villa panget!!!" sigaw ko sa galit na galit na mokong na humahabol sa akin.
*****
At ayun, yun ang nangyari kung bakit ako pawis na pawis at hinahapo pagkatapos naming naghabulan. Hindi dahil sa may ginawa kaming kababalaghan!
Konsesnya: Aaah, hehe, ---- UUUYYYYY!!! Naghabulan daw sila!!!
Tapos? Anong meron?
Konsensya: Mihihihi!! *poof*
Bigla nalang nawala ang konsensya ko O.O
Teka, konsensya pa ba ang tawag sa ganung bagay na parang sira na ewan?
Hahays, mapagpatuloy nalang nga ang pagliligo dito.
Hm? Ano kaya magandang gawin pagkatapos kong maligo?
Pinatay ko na ang gripo at binalot ang sarili ko sa towel at lumabas ng banyo.
Nakalimutan ko nga palang sabihin na ang banyo ay nasa kwarto ko ngayon, sosyal noh?
Bumukas bigla ang pinto, "Jo maghahapunan pa tayo ah?"
Paglingon ko, napatahimik ako. Oo nga si mokong lang yan na naka topless na may six pack abs, ang problema ko eh AKO.
Bakit? Aba, una, bagong ligo ako at basa. Pangalawa, duh! Nakapulopot lang ako sa towel kaya kung malalaglag to eh buking nah! Pangatlo, yung posisyon ng towel ko, syempre nakapulupot sa akin na parang tube, hindi naman ako pwede magtopless diba?
"Jo? Bakit?--" tinignan niya ako.
Waaaaag!! Ayoko pa mabuking!
"Grabe ka naman, pwede bang itago mo ang pagnanasa mo sa akin?" napatawa siya.
"Hah?" natutulala parin ako.
"Grabe ka kasi makatingin sa abs ko,"
At yun na, oo nga pala nakatingin pala ako sa kanya.
Pero nagpapasalamat ako dahil likas na TANGA at MANHID tong mokong ko na boss Q vQ
Pero syempre namula parin ako, "Che!! Oo na sige na!! Shupeeeee!! Wala pa ako nakabihis!"
Ngaumiti siya na medyo masama, "So am I, wanna do a few rounds before we eat? Dont worry Im fresh,"
"BASTOS!!!" sinipa ko siya sa gitna niya at tinulak siya papalabas ng kwarto niya.
Bastos ang mokong na yun ah!!!!
Anong akala niya sa akin? Laruan niya na pwede niyang hawak hawakan kung kelan niya gusto?! Sheeeet! Nakaka-Bad Vibes talaga!
Akala nung mokong na yun pwede niya gawin sa akin yun?! Pwes hindi!!!!
Pumunta ako sa kama at sinuntok suntok ang unan habang sumisigaw ng mahina.
"Ghaaaa! Kukulamin kitang mokong ka!"
Eto na talaga, KINAMUMUHIAN KO SI CALEB VALDEZ AT GUSTONG GUSTO KO NA MATAPOS ANG TRABAHONG TO!!!!
******************************************************
A/N:
HELLO!!!
P.S Sorry po, wala po akong trivia ngayon~
Till the next update!! ;))
BINABASA MO ANG
My Boy GIRLFRIEND~ [] COMPLETED []
Teen Fiction"Ang bakla kong jowa..." Isang taong mukhang pera ang biglang tinanong ng isang taong saksakan ng yaman na maging syota niya para sa dalawang rason,isa na doon ang para lubayan daw siya ng mga stalker niya kasi nga ubod ng gwapo yung tao eh. At dahi...