Special Chapter 1: The One Where Buchoy Started Having a Crush

21 1 0
                                    

Special Chapter 1:

"Lovey!!" mahinang tawag ko kay Grey na may kasama pang mahinang kurot.

"What?" kunot noo niyang sagot. Grabe! Ang busy masyado sa pagkain ng kakanin.

Nginuso ko 'yung kapatid ko na may kausap na babae sa labas ng gate. Anak ata nung kapitbahay naming bagong lipat. Sabi ng tsismosa kong nanay, e galing daw Manila.

Nasa balkonahe kami pareho ni Grey. As usual, hinatid niya 'ko pauwi. Though, mas tama ata sabihin na sabay kaming umuwi kasi dito naman siya nagsstay ng weekends talaga. Tapos sabay rin kaming babalik ng Manila.

"What?" ulit na tanong netong katabi ko.

Nanlaki 'yung mata ko nang ngumiti 'yung kapatid ko tapos kakamot kamot sa ulo. Mahina ko uling kinurot si Grey.

"Nakikita mo ba 'yan?"

"I have eyes, love. I can see"

Inirapan ko siya kasi ang pilosopo niya pero tinawanan lang niya 'ko. Pinatong niya 'yung platito niya sa coffee table tapos inakbayan ako.

"But what is it, really? Pinagdidiskatahan mo na naman kapatid mo"

"Crush niya 'yung kausap niya!" pabulong kong sabi.

He frowned. "And so?"

"Anong and so? 10 yrs old pa lang 'yang kapatid ko!"

He chuckled, "And so? As if you didn't have a crush when you're 10"

"Hindi kaya. Nagtatatakbo pa 'ko sa kalsada non" tinaasan ko siya ng kilay. "Palibhasa baby ka pa lang, crush mo na ata si Celine."

"Yeah, what can I do? The girl I'm gonna be with is nagtatatakbo pa sa kalsada"

Tawang tawa ako sa sinabi niya pero kilig na kilig rin naman ako. Grabe talaga 'tong lalaking 'to! We've been together for 3 years now but pinapakilig pa rin niya ako palagi.

"Patay na patay ka talaga sa'kin" asar ko.

Ngumisi lang siya at hinalikan 'yung gilid ng ulo ko.

Natigil lang kami sa paglalandian nang pumasok na 'yung kapatid ko. Mabilis akong tumayo tapos sinalubong siya.

"Sino 'yung kausap mo, Choy?"

At biglang naging kamatis 'yung kapatid ko sa sobrang pula! Hala siya?! Napangisi ako at nilapitan siya para kilitiin. "Bakit kinikilig ang baby boy ko na 'yan ha? Crush mo 'yun no?"

"Ate!" nagpumiglas siya tapos lumayo sa'kin. Pulang pula pa rin.

Tawang tawa ako habang pinapanood ko 'yung kapatid ko na tumakbo papasok ng bahay.

Tinigilan ko na 'yung pang-aasar kay Buchoy kasi pinagalitan na 'ko ni Grey. Take note, pinagalitan ako ng boyfriend ko. Nagsumbong pa ang magaling kong kapatid.

Nung magdinner, si Buchoy ang nag-urong ng pinagkainan. Niyakap ko siya. "Sorry baby choy. 'Di na mang-aasar si Ate"

"Ate, it's okay but can you let me go? I'm doing something"

Ayan, kakadikit niya sa Kuya Grey niya, Englishero na siya! Pinanggigilan ko muna siya bago bitawan. Pagkatapos niya mag-urong, naglaro sila ni Grey ng PS4. Dati mga helicopter nilalaro ng kapatid ko, ngayon video games na

Nung tiningnan ko siya, bigla kong narealize na ang tangkad niya na. Medyo chubby pa rin siya pero malapit na mawala 'yung baby fats niya.

Sooner or later, hindi na siya magpapatawag ng Buchoy. My brother Beau Carlisle is growing up so fast.

"What's the matter, love?" tanong ni Grey pagkatapos nilang magligpit ni Choychoy. Umakyat na sa taas 'yung kapatid ko.

"Huh?"

Hinatak niya ako sa may veranda. Hinawakan niya 'yung magkabilang pisngi ko.

"What's making my baby sad?"

Ngumuso ako. Kilalang kilala niya talaga bawat hininga't utot ko.

Umiling ako at yumakap sa bewang niya. Nilanghap ko 'yung amoy niya. Ang bango bango talaga ng lalaking 'to.

"Babyleigh..." he called. Napangiti ako. Hay.

"Wala nga" medyo nawala na 'yung bigat ng pakiramdam ko.

"Hmm...really?"

I chuckled, lumayo ako sa kaniya pero nakakapit pa rin sa bewang niya. "Wala talaga. Bigla ko lang narealize ang laki na ni Buchoy." nakanguso kong sabi. "Dati kinakarga ko lang siya, tapos lagi pang nakabuntot sa'kin. Tapos ngayon, nagccrush na siya..."

"Are you gonna cry when he introduce his girlfriend?", asar niya.

"Ang epal mo, no?" Mahina ko siyang kinurot. "Pero baka.... feeling ko. Baka mapa throwback ulit ako tapos marealize ko na malaki na 'yung baby boy ko"

"We should make your new baby boy then", he said giving me that boyish grin. Para na namang may party 'yung mga paro-paro sa tiyan ko.

Pero dapat patas kami. Pinatong ko 'yung kamay ko sa dibdib niya and in my very soft voice, I asked.

"Kwarto ko or kwarto mo?"

Tawang tawa ako nung napabitaw siya bigla sa'kin at nanlalaki 'yung mata.

"Tsk tsk. All talk Mr. Chivas"

Hanggang ngayon talaga takot pa rin siya pag nilalandi ko siya dito sa bahay. Isang beses nga, kinisd ko siya sa harap ni Daddy, feeling ko gusto niya na akong ibato. Core memory ko 'yun.

I gave him a quick peck on the lips. "Good night, lovey." nakangisi kong sabi.

I was about to run away when he held my wrist and pulled me in for a hug.

"I'll get back to you on this" sabi niya na ikinatawa ko. Ramdam ko 'yung paghinga niya ng malalim. "God, I can't wait to marry you. I love you so much"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon