No more drama dramas!!!! Sorry po. Hehe. Mwah! Thank you for reading! :*
Captured 40
"You cried a lot today.Why do we have such crazy friends?"
Natawa ako sa sinabi nya. "Ewan ko din. Pasok ka."
Hinatid nya ko pagkatapos. Nasa may pintuan na kami ng unit ko.
"Uh, hindi na"
"Huh"
He smiled sheepishly. Pinanliitan ko sya ng tingin.
"I'm courting you"
Napansin ko ngang mula noong unang panliligaw nya di na sya pumapasok. Nakapasok na lang ulit sya nung naglasing ako this week.
"And so? So, kahit sa bahay di ka papasok?"
"I'm actually just allowed to go inside your house. Pero sabi ng dad mo, bawal sa condo"
Natawa ulit ako. "Okay"
Hindi pa naman masyadong gabi kaya safe pa kahit papaano. "Mag ingat ka" nakangiti kong sabi.
"Baby"
Kumabog na naman ang puso ko. Nagkatitigan kaming dalawa. There goes his eyes again. Akala mo sinusuri ang buong pagkatao mo pero ang kanya mismo hindi mo maintindihan.
"I love you..."
AFTER SIX MONTHS
"Hindi pa rin kayo hanggang ngayon?"
Natawa ako sa eskandalosang boses ni Vina. Di na din ako nagtaka nang magtanong sya sakin kung kami na ba ni Grey at alam ko na din na ayan ang magiging reaksyon nya. Sa tuwing magkikita ba naman kaming apat, di sya makakalimot na magtanong.
Nagvibrate ang phone kong nasa lamesa at napangiti agad ako nang makita kung sino.
Future boyfie ❤
"Hi!" Sobrang lawak ng ngiti ko.
"Tingnan mo 'to. Di pa boyfriend pero kung makangiti..." Pabiro kong inirapan si Vina.
"Hey, baby. I'm outside. Tell me when you're done"
"Ha? Andyan ka na? Kanina ka pa?"
"Nope. Just arrived."
"Andyan na daw sya?" Tinanguan ko si Krista. "Papuntahin mo muna dito"
So I did. Buti na lang nakaharap ako sa pintuan ng cafe kaya makikita ko ang pagpasok nya. And in just a few minutes, my future boyfriend entered. Napairap pa ko saglit sa mga babaeng di maalis ang tingin sa boyfriend ko...in the future.
Tumingin tingin muna sya sa paligid. Di ako nagtaas ng kamay. I liked him looking for me and then finding me kasi ngingiti sya ng sobrang lapad habang nakatingin lang sakin. Sakin lang. Parang ganyan.
Para na naman akong sinilaban sa sobrang kilig. After six months, kinikilig pa rin ako. Nang makalapit sya, agad nya kong hinalikan sa pisngi.
"Ahem, hindi kayo"
Nagtawanan kaming lahat sa pasiring ni Vina. Ever since talaga napaka affected nya sa lovelife ko. Kumuha muna ng bakanteng upuan si Grey.
"Hi girls. How are you?" Bati nya pagkaupo.
"Eto naisstress kasi hindi pa rin kayo"
"Sorry Grey. Third party si Vina sa relationship nyo. She's always affected" Carmie said.