CAPTURED 11

291 12 8
                                    

Captured 11

And now what to do? Awkward kami parehong nakatayo sa sala ko. Para kaming timang actually, pero ano namang sasabihin ko? Besides naiinis pa din ako sa kanya kasi mukha syang Celine.

Tsss, nagtaka ka pa, Babes. Give him some credit. Di nya kasalanang in love sya kay Celine at di nya kasalanang in love ka- ah no, too early, di nya kasalanang may crush ka pa rin sa kanya.

Sighing, I decided to forget my irritation at him. Di nya naman talaga kasalanan.

Bago kami lamunin ng lupa at ng katahimikan nagsalita na ko.

"Anong gusto mong kainin?"

Naglakad ako papuntang kusina. Naramdaman ko naman syang nakasunod sakin. Binuksan ko ang cupboard at agad namula nang makitang ang dalawang pirasong Lucky Me, beef noodles. Lakas kong mag-alok!

"What do you have?"

"Let's see, hmmm" inilabas ko ang dalawang Lucky Me at tsaka ipinakita sa kanya. "Lucky Me beef o beef Lucky Me?"

May tumalong daga sa puso ko nang ngumiti sya. "I guess we're both lucky you still have those"

Umingos ako sa kanya at nagsimula nang magpakulo ng tubig. Ako na magluluto para samin total nilibre naman nya ko tsaka hinatid. Tiningnan ko kung may kanin pa.

"Kumakain ka naman siguro ng bahaw no? Yung tiran-"

"I know what that is. Ano namang palagay mo sakin?"

Hinarap ko sya at pabalik balik na tiningnan mula ulo hanggang paa.

"What?!" he snapped.

Tumawa lang ako at bumalik sa ginagawa ko. "Asar talo" I teased.

Pagkatapos naming kumain (sinong di gugutumin sa halos tatlong oras na byahe?!), sabi nya uuwi na daw sya. Parang timang din, e sobrang lakas pa ng ulan, kitang kita sa bintana ang bigat ng ulan. As we watched the news baha pa din ang ilang kalsada at yung mga dadaanan nya pa.

He encouraged me to sleep or to study in my room. As much as I want to, di naman ako masyadong bastos para iwan sya kaya sala na lang ako nag-aral, not until he started rummaging my DVD collection and played Star Wars.

Ayun, and ending ng pagrereview ko – Star Wars marathon.

~*~

I woke up the next morning in my bed. Last time I checked sa sofa ako nakahiga. I felt myself blush when I realized he probably put me to bed.

Ay jusq, Babes! Pinag-iisip mo.

Naagaw nang isang papel na mukhang pinunit galing sa notebook ang atensyon ko. There's note with a neat handwriting on it. Wow, infairness naman sobrang ganda at linis ng sulat nya.

Hey,

Good morning, I guess? I left already, didn't wake you up since you're swimming with your drool. Oh, yung kilay mo magkadikit na! >:D

This guy!

Anyway, you owe me the 4th part. Let's watch it some other time.

PS. Break a leg on your exam J Good luck!

Namalayan ko lang na nakangiti na ko nang sumakit na yung panga ko. Di mo talaga aakalaing yung mukhang masungit na yun may ganto palang tinatago. He even wished me luck on my ex-

Oh my! Anong oras na?!

I literally jumped off my bed when I saw the bright light forming 9:45! Alas diez ang final exam ko!

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon