CAPTURED 34

230 9 2
                                    

Captured 34


"Hoy! Babe in the City!"

"Ay panagutan mo!" sigaw ko sa gulat, at agad namula ang mukha ko sa nasabi.

"Anong papanagutan ko? Nabuntis ba kita? Hala, virgin pa ko!"

"Gag0!" natatawang sabi ko kay Stephen.

"Aba aba aba, kelan ka pa natututong magmura?"

"Since birth" pabalang kong sabi. Umupo ako at sumandal sa headboard ng maayos. Inilipat ko din sa kanang tenga ang cellphone ko. Kausap ko ngayon si Stephen na nasa kung saang lupalop na ng Pilipinas.

"Sabi na, e. Bastos na bunganga mo since birth" tumawa ako. "Pero anong pinagsasabi mong panagutan ko?"

"H-ha?" biglang bumalik ang utak ko sa nangyari kanina. At yung atribida kong puso, umatikabo na naman at hype na hype na naman sa pagtibok. "W-wala. Napanood ko lang sa ano, sa Ipaglaban Mo. Panagutan Mo kasi yung title." Napapapikit ako ng mariin.

"Ano yun?"

"Di mo alam yun."

"Tsss, nung nakaraan puro mga labanos na singkit pinapanood mo ngayon, malala na ata. Magpacheck up ka na kaya? Baka kailangan ka ng dalhin sa mental"

"Whatever!"

Kumunot ang noo ko nang makatanggap ng incoming call. Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Unknown number pero kilalang kilala ko kung kanino.

"Hoy, bye na nga. Pangit mo kausap, kasing pangit mo. Pinapasabi ni Mama, goodnight daw tsaka I love you"

"Ah, pakisabi din kay Ninang I love you din tsaka goodnight. Ingat kayo, bye!"

Namatay yung tawag kasabay ng kay Stephen. Pero wala pa atang isang segundo, tumunog na naman. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko.

Ano? Akala ko ba nagmmove on ka? Ano yan? May panagutan mo, panagutan mo lang na sinabi tapos na agad?

Pabalang kong hinagis sa kama ang phone ko at tinakpan ang mukha ko ng unan. Argh!

"Ano?!" inis kong sigaw pagkasagot. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko kayang pigilan.

"You haven't deleted my number?" rinig ko ang saya sa boses nya. Gusto kong sabihing binura ko pero mas dehado ako kasi mas malala pag nalaman nyang kabisado ko number nya.

"Nakalimutan ko" palusot ko.

"Really?" ngayon naman bakas na yung pang-aasar sa boses nya. I can almost hear Deia. Kainis!

"Bakit ka nga tumawag? Ibababa ko na 'to?"

"Your phone was busy earlier, may kausap ka?" maybe he's frowning?

"Meron. Si Stephen" sinadya kong sabihin. Nag-antay ako sa magiging reaksyon nya o kaya sa sasabihin nya. Magseselos ba sya?

Ilang segundo syang hindi nagsalita. Paghinga nya lang naririnig ko at paggalaw nya sa kama nya.

"Ah" yun na yun. "I just called to say good night. Dream of me, baby" Then the call ended.

And that night, I actually dreamed of him.

~

Kunot noo ako habang naglalakad. Iniisip kung saan uuwi na ba ko o maggagala muna. May meeting daw kasi lahat ng faculty kaya wala daw klase. Sana sinabi nila ng mas maaga para masarap pa yung tulog ko hanggang ngayon.

At ano? Natuloy mo yung panaginip mo kasama si Grey?

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na maalala masyado yung panaginip ko. Ang naalala ko lang, magkaharap kaming dalawa tapos nakangiti nya kong niyakap. Parang kakagaling lang ata namin sa away kasi nakasimangot ako dun.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon