CAPTURED 21

246 11 6
                                    

Captured 21


"Babes" napatigil ako sa pagtanggal sa seatbelt ko pero hindi ko sya tinitingnan. I kept on looking down.

Nasa tapat na kami ng condominium building ko. After he asked, I wanted to answer yes right away pero biglang may takot na dumaan kaya agad akong nag-ayang umuwi.

I heard him sigh. "I'm sorry it shocked you. I'm not pressuring you. Don't think too hard too. I'll accept whatever your answer is. If it's a no, then I would gladly accept it. Hindi ako magtatanim ng sama ng loob kahit ireject mo din ako"

Mabilis ko syang tiningnan. "I'm just kidding." He sighed again. "I'm sorry I ruined your mood."

Tumango ako at tinanggal na ang pagkakakabit ng seatbelt.

"And just so you know, I enjoyed this day. Good night, Bebs" nakangiti nyang sabi bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan.


"WHAT?!" napangiwi ako sa violent reaction ni Kim nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina, or kahapon since ala una na ng madaling araw.

Kaninang pagkauwi pa ko hindi makapagconcentrate sa assignment na dapat kong gawin. Nang umabot na ng alas dose at nakakalimang review pa lang ako, wala na sumuko na ko. Sinarado ko na ang laptop ko at napagdesisyunang dasalan na lang yung assignment at tsaka tinawagan si Kim.

I asked Kim if she could come over. Sinabi kong may problema ako at kailangan ko ng tulong. At dahil sa best friend talaga sya, pumayag naman sya agad. Nagulat na lang ako na bitbit nya na ang nakabusangot na si Deia. Tinawagan nya pala si Deia at sinabihang umiiyak na ko para mapapapayag.

"Teka nga. Hindi ko magets" naguguluhang tanong ni Deia.

"Ano bang di mo magets, Deia? Sinabihan ni Grey si Babes na mahal nya pa si Celine pero gusto nya itong kaibigan natin. Dalawa lang ang ibig sabihin hindi mo pa magets. Ibig sabihin, malandi si Grey at gagawin nyang panapal si Celine"

"Hinay hinay naman pwede" angal ko.

"Bakit? Nasasaktan ka? Because truth hurts! Don't tell me gusto mong pumayag sa kanya, pupukpukin talaga kita ng vase na yun!"

I looked at the vase she was pointing at guiltily, while biting my lower lip.

"You did?!"

"Hoy Kim, pwede ba? Sigaw ka ng sigaw dyan mas nahihilo pa ko sayo kesa sa thesis namin. Kumalma ka nga" pinanlakihan nya ng mata si Kim nang aakma pang magsalita, kaya natawa ako. "At ikaw!" napangiwi ako sa sigaw nya. May mga sayad 'tong mga kaibigan ko. "May gana ka pang tumawa dyan?!"

I sighed as I leaned my back in the sofa. "Pagod na kasi akong mag-isip"

That silenced both of them.

"Pagod na nga kong ianalyze yung mga lecheng paintings, no offense meant sa mga artist, pero sumasakit na talaga ulo ko sa pinapagawa ng prof namin tapos eto pa, pagod na din akong ianalyze yung sinabi ni Grey"

"Edi don't analyze it. Simple"

"Deia, it's not that simple!"

"Sabi ng hwag ka ng sumigaw, ang tinis ng boses mo! Ang gusto kong sabihin pakiramdaman mo, Babes"

"Hindi naman pwede yun. She needs to use her mind" inis pa rin pero medyo kalmado naman ng sabi ni Kim.

Deia sighed. "Alam mo kasi Babes, you have to use your heart when your mind is already exhausted. Ang dami kasing inhibitions kapag nag-iisip ka. You are torn. Yung isang bahagi ng isip mo, gusto kasi gusto mo si Grey. Ang tagal mo ng gustong mangyari 'to sa inyo diba? But the other side of your brain tells you no, masasaktan ka lang, magiging panakip butas ka lang Ang hirap diba? So, I suggest you listen to your heart the most"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon