CAPTURED 43

203 12 8
                                    


Captured 43


Salampak akong umupo sa sofa dahil sa sobrang pagod. Grabe, never been this tired for so long since thesis (na yehey! Nalusutan na namin!! Ez)

It's the start of the Christmas vacation (another yehey!) kaya naisipan ko na munang mag general cleaning ng condo bago ako umuwi mamaya sa amin. Supposedly, eh may kasama akong maglinis ngayon na Grey ang pangalan, pero nagkaroon sya ng last minute photoshoot na hindi nya pwedeng matanggihan. Nagpakamacho tuloy akong magbuhat ng mabibigat. Hayz.

December na. Araw na lang ang bibilangin sasagutin ko na si Grey. Jusko, sobrang kinakabahan ako isipin ang mga ganap.

Bagong taon. Nagkataon pa na grand reunion pala ng Chivas Clan ang New Year which is ang birthday nya. Sasagutin ko sya sa harap ng buong angkan nila, myghad! Gusto ko nga sanang umurong kaso todo support naman ang mga girl friends ko. Sila ang mga kasama kong bumuo ng idea at mag asikaso ng ganap.

Tiningnan ko ng masama ang cellphone kong  napakalayo mula sa kinaroroonan ko. Sino ba yung tumatawag? Ayokong tumayo! Sobrang sakit pa ng kasu kasuan ko. Nawala yung tawag kaya hinayaan ko na, pero nang tumunog ulit wala na kong choice. Yamot na yamot akong tumayo para kunin sa ibabaw ng bookshelf.

"Kevin!" inis kong bungad sa kanya. "Pag hindi importante 'tong sasabihin mo!" I warned. Mahilig kasing mantrip 'tong mga loko lokong 'to.

"Ay, ang judgmental naman this girl. Importante 'to baka ikalaglag pa nga ng puso mo"

Napakunot noo ako nang may nagmura. "Si Grey ba yun?"

"Wag kang magulo, pre. Humiga ka dyan. Oo, yung manliligaw mo."

Higa? Bakit?

"Bakit? Anong meron?" Naguguluhan kong tanong. Tsaka bakit magkasama sila? Akala ko ba photoshoot?

"Tsk. Etong boyfriend boyfriendan mo, Babes nasa ospital"

"Ano?! Anong ginagawa nyo dyan? Anong nangyari?!"

"Chill lang. OA mo naman. Di naman malala." nagawa pang humalakhak ng bastos!

Kahit na sinabi ni Kevin na hindi malala ang lagay ni Grey, hindi pa rin ako mapakali. Taranta akong tumayo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong dadalhin ko. All I think about is Grey is in the hospital and I need to be with him now.

Walang pagdadalawang isip kong kinuha ang susi ni Brenda kasama ng mga wallet ko at mabilis na kong umalis. I was in haste. Wala pa kong ligo ligo. Amoy na amoy ko pa ang alikabok at pawis sa buong katawan ko. Pero wala akong pakealam.

Sa sobrang pag-aalala ko, I just found myself parking improperly at the hospital. Madali akong lumabas at pumasok sa loob. Kabadong kabado ako habang pinupuntahan ang room na itinuro ng nurse sa front desk.

Ayoko pang mabyuda. Di pa nga kami nagpapakasal. Di ko pa nga sya nagiging boyfriend huhu.

When I entered room 143, napagbuksan ko si Grey, Kevin at James na nagtatawanan. So, magkakasama pala 'tong tatlong 'to. Bigla silang natigil at natahimik pagkakita sakin. Agad namang tumayo yung dalawa at inasar ng lagot si Grey bago tumakbo palabas.

"Anong nangyari?" Humakbang ako palapit sa hinihigaan nya. Nakacast ang kanang kamay nya hanggang sa braso nya. "Wag mo kong mangiti ngitian dyan, Grey Andy Chivas"

Ang ngiti nya ay nauwi sa pagngiwi. Akala nya ba uubra sakin yang pagpapacute nya ngayon? Kinamot nya ang batok nya gamit ang kaliwang kamay.

"Nahulog ako sa hagdan. My right supported my weight kaya eto ang napuruhan" inangat nya ng bahagya ang kanan kaya napangiwi sya.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon