Captured 27
"Hi there Rosy, Flora, Daisy, Santan. Napagod ba kayo mga babies? Don't ya worry, we're homeeee!"
Bati ko sa mga flower pots na maayos na nakahilera sa baba ng backseat. Buti na lang hindi sila natumba. Una kong binitbit si Rosy at Flora, kasi hindi ko sila kayang apat, papasok ng bahay nang mahagip ng mata ko si Grey na nakangisi at iiling iling habang kinukuha ang mga gamit ko sa trunk.
"What?!" mataray kong tanong habang akap aka pang dalawang paso sa dibdib ko.
"You're crazy" walang preno nyang sabi.
Bastos na 'to!
Inaasar nya ko dahil pinangalanan ko yung mga flower pots na binigay nya sakin. With nametag pa. Paano ko naman kasi sila maddifferentiate e, maski kulay ng paso pare pareho sila. Dinilaan ko lang sya at tsaka dumiretso na papasok ng bahay.
"Kuya Grey, Kuya Grey, Kuya Grey" bibong sigaw ng kapatid ko habang umuuntol na tumatabok palabas. Nilagpasan nya ko at dumiretso kay Grey sabay yakap.
"Mommy, dinedma ko ni Buchoy"
Nakangusong kunwaring sumbong ko kay Mommy pagkalapit nya. Sya kasi ang nagbukas ng gate para samin. Tinawanan lang naman ako ng nanay ko.
"Hayaan mo na at alam mo namang namiss lang nya yang manliligaw mo" sabi nya bago pumasok na ng tuluyan sa bahay.
Binalingan ko uli yung 'manliligaw' ko at ang kapatid ko na nagkukulitan pa din sa may sasakyan. Napangiti na lang din ako nang makita yung kapatid kong tuwang tuwa. Parang last month lang nagtatanong pa kapatid ko kung bakit ko kasama pauwi si Grey pero pagkatapos nung nagpaalam manligaw si Grey sa kanila, tuwing uuwi ako, tinatanong ni Buchoy kung nasan si Grey.
Hindi ko na kasi pinapayagan si Grey na ihatid ako hanggang Bulacan. Nakakaawa naman kasi yung manliligaw ko. Nakakapagod kaya magmaneho pabalik balik tapos yung traffic pa. Oha! Isa na talaga kong huwarang nililigawan. Ang tagal pa kasi akong mahalin nitong manliligaw ko. Tsk. Tsk. Tsk.
Kaso, minsan talaga nasasalisihan nya ko. Nagugulat na lang ako nasa pintuan ko na kahit di ko sinasabi na uuwi ako. Kilig c aqoe. Hehe.
Sa garden muna ako dumiretso para ilapag ang mga babies ko. Isa sa dalawang dahilan kung bakit ako pumayag na magpahatid kay Grey.
Bakasyon na kasi! Yipee! Start na ng dalawang Christmas break namin. Syempre, Team Bulacan ulit ako kasi bakasyon. Kapag bakasyon din naman kasi bakasyon din ako sa Click'et kaya umuuwi talaga akong Bulacan. At dahil two weeks din akong mawawala, hindi ko pwedeng iwan ang mga halaman sa condo dahil walang mag-aalaga, kaya no choice akong iuwi dito sa bahay. Alangan namang bitbitin ko yung mga paso pati ibang gamit ko hanggang bus terminal. I kennot.
Tsaka ihahatid naman daw ako ni Grey whether I like it or not. Kinonsensya nya kasi ako huhu. Each and everyday talaga nadidiscover ko mga kalandiang sa buto buto ng lalaking yun.
"Natuluyan ka na ba?"
"Ay palaka ka!"
Buti na lang nailapag ko na si Rosy at Flora. Sinamaan ko ng tingin ang gwapong gwapong lalaking papalapit sakin, habang bitbit bitbit sina Daisy at Santan. Umupo sya sa tabi ko para ilapag din ang mga pasong hawak hawak nya. Pareho kaming nakasquat ngayon habang nakaharap sa mga paso namin.
"Why were you smiling by yourself?" amazed at nang-aasar na namang tanong ng magaling na lalaki. Inirapan ko lang sya.
"Sulputero ka talaga kahit kelan noh?"
Tinawanan nya lang ako.
"Himala at nilubayan ka ni Buchoy." I pouted. "Parang ikaw na yung kapatid"