CAPTURED 17

250 15 12
                                    

Captured 17


Bumawi ako ng isang linggong tulog pagkagaling sa Boracay. Buhay baboy ang ginawa ko sa bahay. Literal na kain at tulog lang talaga ko. Magbubukas ng fb, instagram, or twitter, manood tapos kakain o matutulog ulit.

Hindi din ako umalis ng bahay, ni hindi nga ata ako nasikatan ng araw. Nagpapaputi kasi ako. Huhu sobrang nangitim daw ako sabi ng nanay ko. Hindi din naman ako nawawala sa sibilisasyon, nakakausap ko pa din naman ang mga bestfriends ko, sila Kevin din, sila Vina (may sarili kaming gc) and of course, si Grey.

Nagsimula kaming magchat ni Grey pagkabalik sa Boracay. He's the one who added me on facebook. Kilig na kilig naman ako. Kaso nainis din ako kasi may pinamukha na naman si facebook sakin.

Grey Andi Chivas sent you a friend request.

Wala bang love request? Accept ko agad. Hihi.

Kakagising ko lang ulit. Pagtingin ko sa cellphone ko, alas tres na ng hapon. Natulog ako kaninang ala una, nagugutom na naman ako. Bumaba ako sa dining bitbit ang cellphone ko. Mamaya ko na titingnan mga messages habang kumakain.

Naabutan ko si Mommy na nasa sala, nagbabasa ng magazine. Si Butchoy malamang naglalaro na sa may park sa loob ng village kasama mga kaibigan nya.

"Mommy, ano po merienda?"

Sa tingin ng nanay ko, malamang manenermon na naman sya. And, I've never been wrong.

"Pagkakain mo ng tanghalian natulog ka, pagkagising mo naman kakain ka. Kain, tulog na lang ginawa mo dito sa bahay ah."

Eh, alangan namang kumain ako habang natutulog? Mas mahirap yun.

Lumapit ako kay Mommy para yumakap at maglambing. Hindi nya inalis ang yakap ko sa kanya.

"May binake akong cookies doon, magtimpla ka na lang ng gatas mo" malumanay na nyang sabi.

Ngumiti ako ng malapad. "Thank you, 'mmy. Love you"

"Love you too. Bebang, look at this..." sinilip ko ang magazine na pinapakita ni Mommy. "Maganda itong gown na ito. Do you like this?"

Napakunot noo ako. "Sa debut ko ba yan, Mmy?"

"Hindi. Para sa kasal mo"

Lord, thank you for giving me a mom like her.

"Naghahanap na ko ng design ng gown na maganda. I already contacted an organizer. Sa first week ng November ang sinet kong meeting. I'm still waiting for your class schedule, para kung kelan mo vacant we can meet them"

"MWF po ako walang klase, mmy"

"Okay."

Okayzoned.

Umayos ako ng upo para i-scan ang magazine na tiningnan nya. Nagccomment din sya kung ano yung mga gusto nya, di naman ako umaangal kasi maganda ang taste ni Mommy. Mas magaganda pa nga mga damit nya sakin. At sya lagi pumipili ng mga damit ko.

"This looks nice too. Magdyeta dyeta ka na, Bebang. Baka naman mukha kang balyena sa debut mo."

I pouted. "Mommy naman, e"

"Sinasabi ko lang. Puro ka kain at tulog. Tingnan mo yang tyan mo"

I looked at my tummy consciously. Sabi ni Grey last time, may bilbil daw ako. "Mmy, may bilbil na po ba ko?" itinaas ko ang shirt ko para makita ang tyan ko.

"Wala pa naman. Pero, malapit na"

Natigil kami sa pag-uusap nang tumawag sa kanya ang isa sa mga zumbamates nya. Kumain na lang daw muna ako.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon