CAPTURED 1

670 16 0
                                    

CAPTURED 1

Tumawa ng tumawa ang mga kaibigan ko nang kinwento ko sa kanila ang katangahan ko kanina. Sobrang halakhak si Deia habang hinahampas ng paulit ulit sa braso si Kim. Wow, makatawa 'tong babaeng 'to, e sya nga dahilan ng lahat ng 'to.

"Ang benta mo friend!"

"Really? Masaya akong napasaya kayo" I said sarcastically. Mga walanghiyang 'to. Mga tunay na kaibigan talaga e.

Bumuntong hininga akong sumubsob sa lamesa. Dito ako sa condo dumiretso matapos ang karumal dumal na insidente. Gusto ko ng maglaslas pagdating ko kanina kaso sayang ang buhay, sayang ang kagandahan at sayang ang mga awards na makukuha ko in the future. Magpapakalunod na lang muna ako sa kahihiyan ngayon.

Rinig ko pa din ang patigil tigil na tawa ng dalawa kong kaibigan. Yung tipong titigil na, tapos naaalala ulit nila kaya hahagalpak na naman sila.

I would have laugh at myself too but I can't. Naaalala ko yung mga matang yun. Those mysterious eyes.

Wala akong ideal type sa lalaki. Wala akong pakialam sa physical appearance, kung gwapo ba o pangit, kung maputi ba o maitim, kung mataba ba, masukalado o payat. Isa lang ang pinapakialaman ko. Mata. I always look at the guy's eyes.

Para kasi sakin, malalaman mo ang pagkatao ng isang tao sa mata nya. But him? I can't read it. His eyes are confusing, mysterious, para bang ayaw nyang ipaalam sa iba kung sino sya, kung anong pagkatao nya.

Argh, I'm going crazy.

"Hoy, anong nangyayari sayo?" tumatawa pa ding tanong ni Deia.

"Nabaliw na ata. Sinasabunutan na sarili, e. Kung sakin nangyari yun, laslas na" sabi ni Kim sa pagitan ng tawa.

"Di'ba kayo mauubusan ng tawa?" umiling sila pareho habang tumatawa. "Maubusan sana kayo ng oxygen, mga walanghiya kayo"

Sumubsob uli ako habang sila, syempre tumatawa pa din. Sinabunutan ko ng bonggang bongga ang sarili ko at umangat ulit.

Hindi ko na kaya.

"Friends, I think I like him" I blurted out.

Edi, natahimik silang dalawa ngayon.

"Sino?!" sabay na tanong/sigaw nila habang nanlalaki ang mata.

Nginuso ko ang laminated 3R picture ni Grey Andy Chivas na nasa harapan ni Deia. Nakangangang nagpabalik balik ang tingin nila sa akin at dun sa picture.

"Ang daya mo naman, e!" maktol ni Deia. Napabuntong hininga ako. Alam ko. "Nagpakita naman na ko ng picture nya sayo, ah! Wala ka namang paki, bakit ngayon crush mo na?!"

Inalala ko yung mga pictures na sinasabing pinakita ni Deia. Sa lahat ng pictures na yun, hindi visible ang mata nya dahil kung hindi nakaside view dahil stolen, nakashades naman.

"His eyes..."

"Fine! Iyo na, kainis 'to. Sabagay, mas hunky naman si Kevin. Approachable pa" at nagsimula na si Deia sa narrative report nya tungkol sa "new discovered gem" nya.

Tumayo na ko. "Umalis na kayo, uuwi ako"

"Bakit?"

E, kasi baka sinusumpa na ko ng nanay ko sa di ko pag-uwi kaya minamalas ako. Di na ko sumagot kay Kim.

"Akin na lang 'tong picture, ha? Remembrance ko sa kanya"

~

Isang linggo na ang nakalipas mula nang nangyari 'yon. Isang linggo na ding nagiging stalker si Deia dun sa Kevin na bago nyang kinahuhumalingan. At sa isang linggong yun, hindi ko din nakita si Grey. Hindi ko naman sya ini-stalk or what. Kay Deia ang koronang yun at hindi akin.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon