CAPTURED 9

340 13 5
                                    

Captured 9

Nag-unat unat ako habang pababa sa sala. Knock out na si Buchoy. Wala ba namang paawat makipaglaro sakin kahit gabi na. Pagkatapos nilang mag-usap ni Grey nag-aya na syang maglaro sa sala lang nung una pero maya maya nag-ayang sa kwarto na lang. Nung tinanong ko kung bakit, tingin daw kasi ng tingin si Grey. Naalibadbaran ata.

Tinanong ko si Buchoy kung ano pinag-usapan nila pero binasta lang ako ng kapatid ko.

Nasa kwarto na sila Mommy, alas diyes na din naman. E, dito sa probinsya alas otso pa lang katumbas na ng ala una sa Manila. Matutulog na din ako, aayusin ko lang gamit ko kasi nasa baba pa.

"Oh, nandito ka pa?"

Tumingala si Grey mula sa TV.

"Sabi ni Tita wag na daw ako umuwi" Oh, diba beshies na sila? Ansabe ng Tita?

"Baliw, hindi yun. Bat wala ka pa sa kwarto?"

Alam ko namang di sya papauwiin ng nanay ko. Gabi na din kasi. Ang tinatanong ko, e bat di pa sya natutulog sa guest room.

"Ikaw daw maghahatid sakin"

Ay jusko, nanay ko.

Tumabi ako sa kanya tapos sumandal. Ibinaling baling ko yubg leeg ko, nangalay e. Ilang oras ba naman kaming nagpanggap na Voltes five ng kapatid ko habang nakapatong sya sa balikat ko.

Buti na lang alas kwatro pa pasok ko bukas. May time pa kong magrecharge at ayusin mga buto buto ko.

"May bait ka pala sa katawan no?"

Simaan ko sya ng tingin na ikinatawa nya lang.

"Wow, coming from you"

"Di bagay sayo"

Inirapan ko lang sya. Napagod din ako no. Wala pa kong energy makipagbalyahan sa kanya tsaka di ko muna sya aawayin. Utang na loob ko na sumama sya dito para payagan ako. Pero, di ko sasabihin sa kanya neknek nya.

"Your brother really loves you. Kinulam mo kapatid mo no?"

"Nyenye."

O, diba? Di ko nga sya papatulan.

Tiningnan ko syang tumatawa pa din. Ito na lang kaya tanungin ko?

"Ano napag-usapan nyo?"

"Di sinabi sayo?"

"Malamang! Tatanong ko ba kung sinabi sakin?" Irap ko pa.

"Taray." He said. "Sabi nya alagaan daw kita, wag daw kita papaiyakin. E, sa maldita at tapang mong yan, iiyak ka pa ba?"

Ay, Lord. Give me patience. Baka di na ko makapagpigil dito at makalimutan ko ang utang na loob na sinasabi ko kanina.

"Really, it was like, I was being scolded by my father. Nakapamewang pa sya habang nagsasalita"

Di ko rin napigilang tumawa. Mas nanermon pa bunso namin kesa sa tatay ko. E, yung nanay ko naman halatang ibinebenta na ko.

"But he cried."

Napatingin ako kay Grey. He's also looking at me, nakunot ang noo nya. Parang may bagay syang inaanalisa at hindi nya maintindihan. And of course, I looked away.

"Wag na wag ko daw papaiyakin Ate nya. He said I shouldn't let you alone, that I shouldn't leave or else he'll be Voltes Five and punch me hard"

Nag-iwas ako ng tingin at pilit na tumawa. Biglang uminit kainis.

"Wag ko daw gayahin si Stephen pangit?"

Napangiti ako ng kunti. Buchoy talaga. Di ako nagsalita. Ano namang sasabihin ko? Sus.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon