CAPTURED 36

227 10 0
                                    

Captured 36

Blink. Blink. Blink. Pinikit ko ang mga mata ko ng sobrang diin.... Hoping,wishing, praying and begging to God that last night didn't happen. Hindi ako naglasing, hindi ako binuhat ni Grey, hindi ko sinabi lahat ng gusto kong sabihin, hindi...hindi. HINDI!!!

Ano ba, Babes!? Anong kabobohan yung ginawa mo? Tumili ako at ginulo gulo ang buhok ko sabay ng mabilis na pag-upo ko sa kama. Ouch. Napangiwi ako ng mariin sa biglaang sakit na naramdaman ko sa ulo ko.

"What is it?"

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang kakapasok lang sa kwarto ko. Alalang alala yung mukha nya. At... ang suot nya ngayon ay kapareho ng suot nya sa panaginip ko.

"Masakit ulo mo? Nasusuka ka pa rin ba? I bought meds and I also cooked a soup."

At nang marinig ko ang salitang 'suka', agad parang may kung anong umangat mula tyan ko kaya napatakbo ako sa banyo. Habang sumusuka, naramdaman ko ang mainit na palad ni Grey na lumapat sa likod ko. He patted my back gently. Nakakahiya! Pilit ko syang hinahawi para paalisin but he stood firmly.

Nakabuntot sya sakin hanggang paglabas ng CR. Kinagat ko ang labi ko ng mariin. Gusto ko ng magpalamon sa lupa! Nilakasan ko ang loob ko at hinarap sya. I tried to look at him in the eye pero bes, di ko pa rin kaya, kaya sa pisngi nya ko tumingin.

"Ah, okay na ko. Salamat, pwede ka ng umuwi"

He crossed his arms on his chest kaya napatingin ako sa kanya. Kunot na kunot ang noo nya habang nakatingin sakin. Bigla akong kinabahan sa sobrang seryoso ng mukha nya.

Maya maya'y marahan syang umiling. "No. I'm not going anywhere. I believe you have things to tell me?"

"A-ako?" tumikhim ako at tinalukaran sya para iwasan. "Wala akong sasabihin sayo. Pwede ka ng umalis. Tsaka, may pasok ako." Sabi ko habang tuloy tuloy pabalik sa kwarto.

"You missed your class already. And no one's leaving until we talk" he said firmly.

Inis ko syang hinarap para maitago ang hiya,kaba at takot na nararamdama ko."Wala nga kasi sabi tayong dapat pag usapan! Ano ba yung malabo dun?"

"Lahat!"sabi nya sa mariin na tono. Madilim na ang mukha nya at halata na ang inis sakin. "Tell me all your thoughts. Tell me all you want to say when you're sober and not when you're drunk"

I sighed heavily. "Hindi ka pa ba napapagod? Umuwi ka na!"

Nagtiim ang mga bagang nya. "Believe me. I'm tired of your games, Babyleigh"

Nag-iwas ako ng tingin. "Eh, bakit ka pa nandito?Tigilan mo na. Umalis ka na"

"I said I'm tired of your games but I'll never get tired of you. Not now and I guess not ever" biglang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi nya, sabay ng pagtibok at pagsikip ng dibdib mo.

Pagod na din ako. Ang sakit pa ng ulo ko. Bumuntong hininga ako sa pagod. "Fine. Let's talk"

"Not until you eat your breakfast"

Hindi na ko nakipagtalo nang dalhin nya ko sa kusina. Pinagsilbihan nya ko habang pinapanood ko syang kumuha ng mga gamit. He moves like he owns my condo. Seryoso at sigurado lahat ng galaw nya. Maingat ang pagkuha nya mula sa plato hanggang sa kutsara maski sa paglapag sa harapan ko.

"Be careful. It's hot" tukoy nya sa soup na inabot nya. May mixed vegetables, bacon, bread at rice pang nakahain.

Tahimik kaming kumain. Akala ko magsisimula na kaming mag usap but we ate in silence. Mag- uusap lang kami kapag nagtatanong sya kung gusto ko pa ba. He cooks well din naman pala. Bakit gustong gusto nya pang nakikikain dito?

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon