Captured 20
Kaya dapat hindi sinasabay ang landi sa pag-aaral eh!
Napasimangot ako nang maalala ko na naman ang mga failed quizzes at mga mababang outputs ko nitong linggo. Pumikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko. Huhu, hindi pwede 'to. Feeling ko nagiging pariwara na naman ako. I have to graduate with honors. I need to.
Nakakainis!
Ipinagpilitan kong kalimutan si Grey kaso every time na nakakapagfocus na ko biglang nagsusumiksik talaga ang tingin nya noong huli kaming nagkita. Nananadya masyado, eh. Papansin sa utak! Bakit ba kasi ganito? Masaya na ko sa mga happy crush lang, e.
"Hi, James!" napalingon ako nang kumaway sa may likuran ko si Deia. Magkakasama na naman silang magkakaibigan kaya automatic na hinanap ko si Grey but he's not with them. I sighed heavily. In relief or disappointment? That, I don't know.
That's exactly one week now. Hindi kami nakakapagkita at ni hindi nakakapag-usap maski sa chat. I chatted him the day after kasi nga sabi ni James magiging okay din siya kinabukasan pero hindi sya nagreply, ininboxzoned ako.
Nginitian at kinawayan ko din ang magttropa bago ibinalik ang atensyon ko sa kinakain. Tuwing break time lang ako nakakahinga pag may pasok, e. At ngayong araw ko lang ulit nakasama ang dalawang bruha dahil pare parehong salungat ang schedules namin.
"Gutom na gutom, ah" sabi ni James habang umuupo sa tabi ko. Nginitian ko sya.
"Stress eating"
Nagkanya kanyang upo na silang magkakaibigan. Umalis na din yung iba para bumili ng pagkain including James. Naiwanan yung iba, mostly girls, at nagdadaldalan. I continued eating.
"Babes"
"H-huh?" kunot noo akong tumingin kay Deia na nasa tapat ko na sobra din ang kunot sa noo.
"Tulala ka na naman. Natutulog ka pa ba? Look at your eyebags oh"
I rolled my eyes and snorted. "Sabihin mo yan sa mga prof ko." At kay Grey.
"Anyway, I can't come with you tomorrow." Napakagat labi nyang sabi.
"What?! E, akala ko ba-"
She pouted. "Nakakainis kasi yung mga kagroupmates ko sa thesis, e! We'll have an all nighter mamaya hanggang Thurs na."
"All nighter agad?" sabad naman ni Kim.
"Oo nga, e nakakaloka. Kaso, yung leader namin gusto ata magbest thesis. So, ayun. Tsaka sabi nya kung sino daw di sumama tatanggalin sa group"
I sighed heavily. "Sige, okay lang" wala naman akong magagawa.
"Paano ka bukas? Tutuloy ka"
"Yep, bahala na. Friday na pasahan, e"
"Sorry talaga, Babes" natawa ko sa itsura ni Deia. Mukha syang sobrang nakokonsensya. Dapat kasi nung Monday ang plano kong pumunta sa Pinto Art Museum, nagpproject kasi yung prof namin ng review ng tungkol sa lahat ng arts na nandon. Si Kim una palang nagdecline na, busy week daw nya, si Deia ang sabi pwede daw sya kaso Wednesday pa kaya minove ko and now she can't come with me. Sinubukan kong hindi matawa. Kapag alam nyang may kasalanan sya madali syang mauuto.
"De, okay lang. Ako na lang mag-isa. Kailangan kong tumuloy talaga bukas, e kasi Friday na pasahan. May pasok pa naman ako ng Thursday so gagahu-"
Napatigil ako at di ko na napigilang tumawa ng may kutsarang tumama sa pisngi ko.
"Nakakainis ka! Stop it! Fine, san mo gusto magpalibre?!!"
Nagtawanan at naghigh five kami ni Kim kahit na pinapatay na ko sa tingin ni Deia.