CAPTURED 3

346 17 0
                                    

CAPTURED 3

Eto na nga ba ang sinasabi ko, e. Napapikit ako ng mariin bago ko sya nilingon.

"Excuse me?"maang kong tanong. Arte lang, Babes.

Nagtataka ko syang tiningnan. Hindi ko pinansin ang mga balahibo sa batok kong hanggang ngayon nakataas pa din.

"Stop with the act. I know you. I saw you."

"What are you talking about?" nag-iwas na ako ng tingin. Paninindigan ko 'to kahit anong mangyari. Ganito ba ang pakiramdam ng mga criminal na nahuli na sa akto, tumatanggi pa din?

"Do you like me that much that you even found out about this? Stop this or I'll file a case-"

"Aba't" nanlaki ang mata at nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya. Hinatak ko sya sa may gilid na walang makakakita at makakarinig. "Napaka OA mo naman!"

"I'm not overacting, Miss. I am being cautious. You may be a threat-"

"Hep" Tinaas ko ang dalawang kamay ko para pigilan sya. Biglang nawala ang kaba ko at nerbyos ko sa kanya. Pagkairita na lang ang natitira. "For your information, Mr. Who You Are, hindi mo ako stalker..."

He smirked. "Really? Then why were you taking pictures of me? Don't tell me you'll sell them?"

I sighed. Sorry, Deia. "My friend likes you and her birthday's coming. Isa sa regalong gusto nya ang picture mo."

He looked at me. Pinag-iisipan siguro nya kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

"You know what. Kung hindi ka man maniwala, I don't care. I need to go out there. I'm working as of this moment. And sorry, okay. Sorry for taking your picture without notice"

Napatingin na naman ako sa mata nya. Kaya bago pa ako malunod, nilagpasan ko na sya at bumalik sa ginagawa ko.

Napakafeeling na lalaking yun! Akala mo naman kung sinong gwa – well, gwapo naman pala talaga sya. Basta! Akala mo naman kung sino sya. So those eyes define his arrogant attitude. Ay ewan.

Mabilis nang natapos ang gabi. Lagaring lagari ako nang matapos ang event. Gusto ko na lang umuwi at humilata. Sa condo na ko uuwi mamaya. May pasok pa ko bukas, di kaya ako basag nito? Grabe, anim na oras lang ibang klase na pagod ko?

Kakagaling ko lang sa washroom nang may marinig akong boses.

"She looks nice..." ani ng babaeng boses. Si Celine ba 'to?

"Yeah?"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na yung. Ilang beses ko pa lang naririnig pero sigurado akong kay Grey ang boses na yun.

"Don't be such a grump, Andy. Find a girl –"

"I already found you. Aren't you a girl?"

Biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya.

I heard Celine sigh. Idinikit ko pa ang sarili ko sa pader para marinig sila ng maayos. "I'm leaving, Andy. You know that..."

"New York isn't that far, Celine. I can even go there whenever I want to" he sounded so frustrated and devastated.

"I don't want long distance relationship, Andy. I dreamed to have someone whom I'll be able to call at night to buy me something, whom I can talk to personally and not separated by screens, I want to eat with someone while holding his hand, I want all of them and more. We can't be that, Andy"

"I can live there!"

"Your life is here"

"No, you're wrong. My life is wherever you are. Please, Celine I don't know how to live without you"

Wow. Kung linya sa pelikula 'to siguradong maiiyak ako sa sobrang kilig at lungkot. Pero dahil reality 'to, naiiyak ako sa sakit. Sobrang sakit.

I don't even know him for long to feel like this.

Hindi ko na inantay ang sasagutin ni Celine. Kung magbabago ba ang isip nya o hindi but one thing is for sure, I changed my mind. Hindi ko na gugustuhin ang isang Grey Andy Chivas. I don't want to get attach with someone who has someone else. Ito na ang una at huling sakit na manggagaling sa kanya. No more, no less.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon