Captured 16
Nagising ako sa ingay ng kung anong tumutugtog. I want to sleep more. Pakiramdam ko kakahiga ko lang. Ala sais na kami umalis ng Isla Lipana kaya ala syete na kami nakabalik sa hotel ni Grey. Dito na lang ako nakatulog dahil hindi na kami natulog kagabi. Kagabi. Napangiti ako nang maalala yung nangyari kagabi sa dalampasigan. Sa ilalim ng mga bitwin at buwan. Kiss na lang ang kulang.
Naiimagine ko na si Grey na yumuko para halikan ako nang tumunog na naman ang cellphone ko. I grumpily reached for my phone. Asar ko pang kinapa kapa sa kama ko, nasa tabi ko lang pala.
Deia!
Isang malakas na tili ang binungad sakin kaya agad kong inilayo sa tenga ko ang cellphone. Nang wala na kong naririnig na iba, tsaka ko binalik.
"Deia, ano ba?!" I asked irritably. Wala ako sa mood, kulang na kulang pa ko sa tulog.
"Ay, bad mood"
I sighed. I looked at time. 10:12. "Deia, can you call later? Please. Three hours pa lang tulog ko"
"Talagang kinareer mo! Magkwento ka! Anong nagyayari? Anong nangyari? OMG!"
I'm starting to be really really annoyed. "Ano ba yun? Kakauwi lang namin kaninang ala syete, kulang na kulang pa ko sa tulog. Deia, I need energy for later's exhibit"
"Palibhasa naubos na energy mo kahapon! Magkasama kayo ni Grey mo hanggang madaling araw-"
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Medyo nawala ang antok ko sa sinabi nya. "How did you know?"
"How did you know, I needed someone like you in my life" kanta nyang sagot.
"Deai!" biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.
She huffed. "Init ng ulo! Check Grey's instagram account, dali"
Before I could even click the insta app, sunod sunod na katok at pagtawag na ni Grey ang narinig ko.
"What?!" I shouted back.
"We have to prepare for the exhibit, just so you know"
And the next few hours became stressful. Kanya kanyang printers at papers ang ibinigay kada team, nagpunta na din kami sa designated tent namin and started printing pictures. Ang dami pa naming pinagtalunan ni Grey kung alin ang dapat iprint ng malaki tapos kung saan ilalagay at kung ano pang gagawin. Kaya nang matapos, pasalampak akong umupo sa monobloc.
"I want to sleep" pagod na pagod kong sabi.
He chuckled as he pat my right shoulder. "Later. We just have to pull this off"
KAHIT pagod na pagod ako sa apat na oras na exhibit, mas nangingibabaw pa din ang saya sa sistema ko. Sobrang overwhelmed kami ni Grey dahil maraming pumuri at humanga saming judges, audience at kahit mga co-contestants namin sa gawa namin. Sabi nga nila nasa amin na daw lahat. Nature, people and the true sense of being a Filipino.
Kinilig talaga ko lalo na nung si Anton Vice na ang pumasok sa area namin. Nagtagpo an gaming mga mata, ngumiti sya sakin, nagthumbs up at "Job well done"
"Nakakapagod" umunat ako pagkaupo.
"But you're happy" nakangiting sabi ni Grey. Nakatayo sya sa tabi ng isang malaking picture. Kuha nya iyon kasama sila Manong Apo at iba pang kalalakihan na tumulong mag-alsa ng mga batyang may lamang isda, habang papalubog na ang araw.
"You did great" dagdag nya pa ko, habang nakangiting malapad at nakathumbs up sakin.
Umiling ako. "Nope. We did great" sasabog ang puso ko sa sobrang saya. "I am still overwhelmed, Grey" pag-amin ko sa kanya. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina, at ayoko pang matapos ang araw na 'to.