CAPTURED 28

214 10 9
                                    

Captured 28


Si Grey!

He was looking intently at me while smiling and singing along.

Nakalight red polo shirt lang sya at jeans pero sobrang lakas ng dating nya sakin. Ang linis at ang bango tingnan. Bigla kong naalala yung sarili ko. Mukha akong gusgusing nilalamig.

"Ate, ate! Make a wish and blow your candles na!"

I averted my gaze at him and looked at my smiling brother.

Pumikit ako. Lord, I just want to thank you dahil kumpleto kami. Thank you po dahil dumating sya.

Tumalon talon ang kapatid ko habang hawak hawak pa din ang cake. Lumapit naman sila Mommy at Dad sakin para halikan ako sa pisngi at yakapin.

"Dalaga na ang Baby girl ko"

"Dad!" angal ko.

"I love you, 'nak"

"Sali ako! Happy Birthday po, Ate. I love you"

"Grey, halika dito." Aya ni Mommy kay Grey. Nahihiyang lumapit naman si Grey. Nasa gilid lang sya ng kama. Nakangiti nyang inabot ang mga lobo at regalo sakin.

"Happy Birthday, Bebs"

Kahit ayoko, wala akong nagawa nang hatakin ako ni Mommy para magpicture. Ayoko na ngang tanggalin yung comforter sakin. Si Grey ang kumuha ng family picture namin. Umungot din si Mommy na kuhanan kami ni Grey. Sobra ko makatanggi, pero ano bang laban ko sa nanay ko.

Hiyang hiya ako habang pilit na pilit nakangiti. Napakajologs ng itsura ko! Nagmumukha akong basahan sa tabi nya. Jusko kahit madaling araw, fresh na fresh.

Nawala lahat ng tampo at inis ko sa kanya at napalitan ng saya at kilig. Kakasimula pa lang ng araw pero pakiramdam ko kumpleto na yung araw ko.

At mas lalo talagang sinagad na dahil nang iginaya ako palabas nila Mommy, tumambad sakin ang isang champagne red na sasakyan na may malaking ribbon sa harap. And it's not just a car. It's a BMW!! Feeling ko nagising ang buong village sa tili at ingay ko. I hugged Mommy and Dad tightly while kissing them non stop.

"Thank you, Mommy, Dad! OMG"

"Hindi mo makukuha ang susi hangga't hindi ka natututong magdrive, okay? Si Grey lang ang pwedeng magturo sayo."

Sunod sunod akong tumango sa sinabi ni Mommy at pinugpog uli sya ng halik.

Ano pa bang mahihiling ko?!

"You look so happy"

Binalingan ko si Grey na nakangiti habang nakatingin sa langit. Ito ang maganda sa probinsya, sobrang daming stars. Niyakap ko lalo ang sarili ko dahil sa lamig ng ihip ng hangin. Nasa garden kami pareho at nakaupo sa bench. Natulog na sila Mommy at pareho pa kaming hindi inaantok ni Grey kaya naisipan naming lumabas.

"I am"

Kahit ako, naririnig ko sa sarili kong boses ang kasiyahan.

"Pano mo nalaman na birthday ko?"

"I have my ways" he said smugly. Hinampas ko sya sa braso sabay tawa.

"Kelan pa? Ang sabi mo flight ng parents mo mamaya!"

He chuckled. "When I asked you before, I already knew. My parents already left last week"

"Wow! So may pasurprise ka talaga? Wag ka mag-alala. You earned 10 points!"

"What? 10 points lang? Can you give atleast 40? I planned this since last week"

Napangiti naman ako ng malawak nang maalala ang sinabi ni Mommy na si Grey daw ang nakaisip na isurprise sya. At wala na namang mapaglagyan ang kilig nya.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon