Captured 42
We're here. I love you.
Napangiti ako sa nabasang message galing kay Grey. Sinundo nya kanina si Buchoy sa Bulacan dahil sa date nila bukas. Buti pa yung kapatid ko kadate future boyfriend ko, samantalang ako I'm stuck. Kinain na ko ng thesis.
Okay. Just text me if you need something.
I need you.
Natawa ko ng malakas kaya napatingin mga kagrupo ko sakin. Sinamaan ako ng tingin at nginisihan.
Harot. Hahahaha.
Inggit ako. 😩 Buti pa si Buchoy iddate mo.
You can come with us.
Wag na. Masira ko pa bonding time nyo. Hahaha
Not done with thesis pa.
Where are you?
Nagselfie ako habang hawak hawak ang baso ng Starbuck at sinend sa kanya.
Di pa kayo tapos? How are you going to sleep?
Huhu. Di na siguro. I'm so sleepy na nga. Sakit pa ng likod ko.
Why don't you guys stay here anyways? Andito naman ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. He's right! Dun nga pala sya matutulog sa condo ngayon since may overnight nga ako at walang kasama si Buchoy. Di ko din naisip.
I'll call Tita
O diba? Sya talaga yung anak ni Mommy. Sya pa 'tong nagpapaalam. Habang hinihintay ko sasabihin ni Grey kinausap ko muna mga groupmates ko tungkol sa ganap.
Para naman silang nakarinig na bibigyan sila ng isang milyon dahil sa sinabi ko.
"Sumasakit na sikmura ko sa amoy dito. Nahhigh na ko sa kape"
"Finally! Mababanat ko na buto ko"
Naghiyawan pa sila nang tinawagan ako ni Grey para sabihing okay na daw, kaso hanggang alas otso lang ng umaga sila dun. Kasi nga aalis na din sila Grey nang ganoong oras. Pinagpilitan pa ni Grey na sunduin ako. Kung hindi ko pa sabihing walang maiiwan kay Buchoy, di pa sya papayag na makisabay ako sa mga groupmates ko.
"Just don't ride with that Marco" he said before the call ended.
I laughed. Wala namang dalang sasakyan si Marco, parang baliw. Possessive Grey.
Dumaan muna kami sa convenience store para bumili ng makakakain. Madaming makakakain. Bumili din sila ng pizza. Jusko, pag mga lalaki talaga may mga alagang Anaconda, eh.
Nanonood sa sala sina Buchoy at Grey nang makarating kami sa condo. Kunot na kunot na naman ang noo ng kapatid ko pagkakita sa mga kasama ko. Chill, Buchoy di ko ipagpapalit si Kuya Grey mo. Gusto kong sabihin.
Binati ni Grey ang mga kasama ko. Ipinakilala ko naman sa kapatid ko at simpleng hello lang ang sinabi nya.
"Choy, dun ka na muna sa kwarto ko manood"Tiningnan ko si Grey para yayain si Buchoy. Tinaasan lang ako ng kilay ng loko.
"Dito na lang po"
"Di pwede, Choy. May gagawin kami ng mga Kuya mo"
"Di po ako mag-iingay"
Sinamaan ko na ng tingin si Grey. Tinaasan nya pa rin ako ng kilay pero maya maya'y bumuntong hininga din at may binulong kay Buchoy and tada tumayo na ang magaling kong kapatid kasabay ni Grey papunta sa kwarto ko.