CAPTURED 24

199 10 4
                                    

Captured 24

Kasalukuyan akong nasa Lover's lane at kumakain mag-isa. Masyadong madaming tao sa Canteen at malamang mainit sa North Park. Napangiwi ako habang tinitingnan ang mga pictures na sinend ni Mommy sa messenger. Backless lahat. Backless na tipong kahit side boobs makikita na tapos mababa lang ng kunti makikita na yung pwet. Ano ba naman 'tong nanay ko? Sobrang desperado na atang makapili na ko ng gown, kahit ano na lang.

Settled na kasi halos lahat sa debut ko, thanks to our organizers. Ang venue ay sa resort ng Ninang Rose ko sa Bulacan din. 2 days nirentahan ang buong lugar para sa after party (aka inuman ng mga matatanda at well, bata na din) at kung sino pa yung mga gustong magstay lalo na sa mga Manila friends ko kasi malayo nga. With discount ang venue syempre, sa kakuriputan ng nanay ko ba naman e, tsaka gift na din daw ni Ninang Rose sakin. Huhu. Sabi ko nga kung pwedeng cash na lang. Binatukan lang ako ni Mommy. We invited 300 guests. 150 dun mga friends ko, yung kalahati kay Mommy. Sya ata ang magddebut at hindi ako. Basta, 150 lang ang binigay ko sa kanyang list.

Nakaformat na din ang invitation at nakapili na din kami ng souvenir na syempre parehong related sa passion ko, which is photography. May isa pa nga lang problema kaya hindi pa natatapos at feeling ko ihahagis na ko ng nanay ko. Hindi pa kami nagppre debut photoshoot. Lagi ko kasing sinasabing busy ako sa lahat ng suggested dates. Pero nakahalata na ata si Mommy, kaya sya na mismo ang nagset sa Friday. It's now or never na din. Binantaan pa kong isasarado lahat ng cards ko, papalayasin ako sa condo at iccut ang allowance ko. Hay. So, no choice ako.

E, ayoko lang talagang kinukuhanan. Mas sanay akong kumukuha ng litrato and not the other way around.

Tiningnan ko uli ang mga pictures na sinend ni Mommy at napailing na lang ako habang nagrreply.

Me: Ano ba yan 'Mmy? Di lang backless yan, e! Sideless din! Ayaw ko po.

Mommy kong Pretty: Anong gusto mo? Backless at Sideless o dressless!!!

                                           Wag ka na magdamit!!

                                           Anng petsa na wala ka pa ding napipli!!!?

                                             Sinasabi ko sayo Bebang ha, kapag wala kang napiling damit hanggang  sabado sinasabi ko sayo, garabage bag ang abg sysyoting mo!!!!

Natawa ako sa mga reply nya. Naiimagine ko syang gigil na gigil habang nagttype. Ang daming mali, eh. Nakakaloka. Lahat naman kasi ng mga gusto kong gown sya naman ang may ayaw. Pang-manang daw masyado huhu.

Me: May word bang dressless?

Mommy kong Pretty: PS. Ito ang isusuot mo sa pre debut shoot mo na gown.

Mommy kong Pretty: Tsaka ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mommy kong Pretty: Tsaka ito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon