CAPTURED 6

325 17 5
                                    

CAPTURED 6

Pinapasok ko sya sa loob ng studio at inakay papunta sa sofa sa receiving area.

"Anong nangyari?"

"Umalis na sya" yumuko sya habang inaalalayan ng kamay nya ang noo nya.

"N-nagkita ba kayo?"

He nodded.

"T-tapos?"

"I tried... I tried to talk to her, to make her stay ... pero ayaw nya. Andun daw ang buhay nya. Her life is there and it's without me." He cussed and started punching the cushion beside him. "How could she say that this is what's good for me?!"

Hinayaan ko lang syang umiyak. Wala naman akong sasabihin sa kanya. I don't know Celine nor him so I know nothing about them. Kaya shut up na lang ako.

Nang nafeel kong medyo kumalma na sya, inabot ko sa kanya ang panyo ko.

"I don't need that, thanks"

Umingos ako. "Ngayon ka pa nag-inarte, e nakita na kitang umiyak"

Sinamaan nya ako ng tingin tsaka padarag na kinuha ang panyo sa kamay. Tingnan mo talaga 'tong isang 'to. Bibigwasan ko na 'to e.

Ang nakakaloka, umalis na lang sya bigla. Ni hindi man lang nag-thank you, kahit goodbye wala! Hayst. Ewan, buti na lang hindi ko na sya crush.

Maaga akong pumunta sa studio kinabukasan para sa resched ng shoot. Maaga as in alas kwatro pa ng umaga. Tumakas lang kasi ako sa bahay namin dahil paniguradong hindi ako papayagang umalis ni Mommy kasi nga linggo ngayon. Kung nadala ni Sir Melki sa charms nya si Mommy, ako walang panglaban. Nag-iwan na lang ako ng note sa bahay na ang nakasulat:

Mommy, sorry po. Maghahanda po ako para sa pag-uwi ko mamayang gabi.*insert scared face*

Nakaset up na ang studio, kung paano ko sya ginawa kahapon dahil hindi ko naman tinanggal. Ayoko ng ibalik ulit, nakakatamad. Kaya ang ginawa ko? Natulog na lang ako sa sofa.

May kumakatok ng paulit ulit. Itinakip ko ang braso ko sa tenga ko para hindi ko marinig kaso hindi pa rin nagpapaawat.

"Mommy! Mamaya na po inaantok pa ko!" sigaw ko. Antok na Antok pa-

"Babes?"

Teka, boses lalaki? Idinilat ko ang mata ko at isang black round table ang nakita ko. Wala akong ganto sa kwarto – Ohshi – napabangon agad ako nang naalala ko kung nasaan ako. Patay, patay, patay.

Madali kong sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Keri na 'to, di naman siguro ako mukhang binagyo. Naku, baka nandyan na yung Manager masamplean na naman ako. Tinakbo ko na ang pintuan at napabuga ako ng hininga nang makitang si Grey pa lang ang nasa pintuan.

"You look trashed..."

Wow, kahit kailan sa buhay ko hindi pa ko nasabihang mukha akong basura. Ngayon pa lang.

"Hiyang hiya ako sa napakaperpekto mong mukha" iniwan ko sya sa may pintuan. Inamoy ko ang hininga ko kasi baka malait na naman ako nitong si Mr. Perfect, tsss. Buti na lang good breath pa ko. Di pa ata napanis laway ko.

Sumalampak ulit ako sa sofa at sumandal. Wala pa sa ayos ang ulirat ko. Nayanig ata brain cells ko sa pagtayo ko kanina.

"Nasan si Mr. Enero?" tanong ko habang nakapikit.

Naramdaman kong lumundo yung tabi ko. I heard him chuckle. "You know it's Genero, right?"

Umiling ako. Genero, Enero malay ko. Basta sya yung dahilan ng stress ko kahapon.

"You look sleepy. Wait, don't tell me you slept here?"

"Di ko sasabihin"

"Seriously, you slept here?

Umayos ako ng upo para tingnan sya ng maayos.

"What are you looking at?"

"Bat ang daldal mo ngayon? Parang kagabi lang –ommph" napaatras ako sa lakas ng pagkakasalag nya sa bunganga ko. Hinampas ko yung kamay nyang nakatakip sa bunganga ko kasi nga masakit tsaka kadiri, nalawayan ko yung kamay nya.

Nilayo nya naman at kita mo 'tong kaartehan ng taong 'to. Ngiwing ngiwi sya habang nakatingin sa kamay nya, at ang malala pinahid nya sa pantalon ko yung kamay nya. Oo na, laway ko nga yun pero manners naman, di'ba?

Balasubas din 'tong lokong 'to e. Hinampas ko nga uli yung kamay kaso ngayon mas malakas na. Napa aray sya sa lakas. Buti nga sayo!

Sumandal ulit ako. Anong oras na kaya? Nagugutom na ko. Siguro masarap ang almusal sa bahay. Sana pala nagtiis na lang akong masermunan ng maagang maaga, wag lang magutom kaso kasi baka hindi ako payagan.

Nagugutom na talaga ko.

"Thank you for last night" nagulat ako nang magsalita sya bigla. Pero nang marealize ko yung sinabi nya, napangiwi ako ng bongga.

"Ang pangit namang pakinggan!"

He chuckled. "Green minded"

Hinarap ko uli sya. Nakakapanibago naman 'tong lalaking 'to. Parang nung mga nakaraan lang ni hindi mo aakalaing ngumingiti tapos ngayon, tumatawa.

"Ah, okay ka lang ba?"

His brows creased. "Yeah, why?"

"Ewan. Parang ang bait mo e. Oh, tingnan mo? Tumatawa ka?!"

"Of course. I'm human..."

Nagseryoso ako. "Pero di nga, okay ka na ba? Yung tungkol kay..."

He shrugged. "Trying to be. Kumain ka na ba? There's Mcdonalds nearby, my treat since you've been good to me"

Halata namang iniiwas nya yung topic kaya sino ba ko para ipilit yung bagay na ayaw nyang pag-usapan? (At hindi kayang tumanggi ng isang gutom na katulad ko sa breakfast na sinasabi nya.

Thank you po sa pagkain, Lord. Huhu.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon