CAPTURED 38

227 9 6
                                    

Captured 38

Umiiyak ako habang nasa byahe. Walang nagawa si Kevin nang hatakin ko sya at apurahin na ihatid ako sa bahay nila Grey. Wala akong pakialam kung nakikita ako ngayon ni Kevin na ganito o kung may uhog pa ko. Wala na din akong pakialam na may dapat sabihin sa kanila si Celine. Ang naiiisip ko lang ngayon, dapat ko syang pigilan.

Maybe, they're right.

I'm selfish.

Ni hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa subdivision nila Grey. Nalaman ko lang nang makita ko syang palabas ng gate. Nanlaki ang mga mata ko. Dali dali kong binuksan ang pintuan ng sasakyan kahit hindi pa humihinto.

"What the f-"

Biglaan ang paghinto ni Kevin dahil sa ginawa ko. Hindi ko na ininda ang sakit nang tumama ako sa dashboard. I ran out.

"Grey!" I screamed at the top of my lungs.

Nagulat sya pagkakita sakin, maya maya'y napalitan ng pag aalala. He was about to speak but I ran towards him and hugged him tight.

"Grey, sorry. I'm really really sorry" I sobbed. "Wag kang umalis please. I'm sorry. Please"

"Babes..."

Sinubukan nyang alisin ang pagkakayakap ko kaya mas lalo ko pang hinigpitan. Sunod sunod akong umiling.

"Wag please. I know I told you to leave pero I didn't mean that. Wag kang umalis"

"I'm not going anywhere, baby."

Kumalas ako sa kanya para makita ang mukha nya. He looks confused and worried. Tutok na tutok ang mga mata nya sakin.

"Hindi ka aalis?"I'm confused too but hopeful. "E, san ka pupunta?" tanong ko sa basag na boses. Basang basa ang mukha ko.

He chuckled. "School?"

Biglang sumeryoso ulit ang mukha nya. Pinunasan nya ang mukha ko na pinaghalo ng pawis at luha. Nagmukha na naman akong dugyot sa harapan nya.

"Who told you about this?" malumanay nya ng tanong. Naiiyak na naman ako. "Shhh, stop crying"

"Hoy kayong dalawa"

Si Kevin! Nakangisi syang kumaway samin. Si Kevin! He told me.... Sinamaan ko sya ng tingin when I realized what just happened. Nagpeace sign sya pero bigla ding sumeryoso.

"Ayusin nyo na yan. Para sa inyo at para na rin sa barkada. Bye!"

Hindi pa kami nakakabawi, pumasok na sya ng sasakyan at umalis.

"So?" Nakataas ang kilay ni Grey nang tingnan ko. May bahid nang ngiti sa mga labi nya. Agad akong yumuko sa hiya.

I cleared my throat. Kinagat ko ang labi ko nang hawakan nya ang magkabilang braso ko.

"Let's get inside"

"May pasok ka diba?"

"Pero mas kailangan kong makapasok ulit sa puso mo" nagpipigil ang ngiti nya habang tila nananantya pa din.

I bit my lip to hide my smile. Ramdam ko ang pag iinit, hindi lang ng pisngi ko pati na rin ng puso ko.

Binilin nya muna sa guard na ipasok ang sasakyan nyang nasa labas. Kanina pa daw dapat sya nakaalis. Nakalimutan nya lang daw yung pinapadala ng Mommy nya.

Sa garden kami dumiretso. It's huge and well maintained. Iba't ibang klase, kulay at laki ng mga bulaklak. Papasa ng mini flower farm.Magugustuhan siguro ni Mommy 'to.

"Sir, Ma'am snacks po"

Naabala ang pagtingin ko sa paligid nang may hindi katandaang kasambahay na lumapit bitbit ang dalawang platitong chocolate cake at juice.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon