CAPTURED 23

228 11 0
                                    

Captured 23

"Ewan ko sa inyo!" inis kong sabi sabay walk-out. Rinig ko naman ang tawa ni Grey at hagikgik ng kapatid ko habang paakyat ako.

Kainis! Pakiramdam ko angg init init ng mukha ko. Malamang kulay kamatis na ko.

Alas kwatro nang kinatok ako ni Mommy para sabihang mag-ayos na para sa simba. Tinapos ko muna ang isang ineedit kong picture bago isara ang laptop at simulang mag-ayos. Saglit lang naman ako mag-ayos. Naghilamos lang ako at nagbihis ng blouse at jeans at tsaka bumaba.

Naabutan ko si Dad and Grey na nasa sala. Nanonood sila ng basketball. Napaangat sila pareho ng tingin nang pababa na 'ko. I kissed Dad's cheeks while I stuck my tounge out at Grey. Tumawa lang sya at umiling.

"Oh, di ka man lang nagpaganda. Andito manliligaw mo, oh"

Napangiwi ako sa sinabi ni Dad. "Di ko sya manliligaw, Dad"

"Hindi ba?" baling ni Dad kay Grey. "Di mo pa ba nasasabi sa unica iha namin?"

"I was just planning to, Tito"

Napanganga lang ako habang tinitingnan si Grey na nagkakamot sa batok nya. Napatingin sya sakin, giving me a sheepish smile.

My heart is beating fast. Hanggang sa magsimba kami, hanggang sa maghawak ang kamay namin sa Ama Namin at hanggang sa kumain kami ng early dinner sa labas. Gustong gusto ko ng matapos kaming kumain kaso napakadaldal ng nanay ko. Napakadami pang kwento.

"Sya nga pala, Grey anak. Pwede ka bang maging escort nitong si Bebang?"

"'mmy" angal ko. "Ayoko nga po mag escort"

Pero hindi nya ko narinig or mas tamang sabihin, hindi nya ko pinansin. I rolled my eyes.

"Napaka KJ kasi ng batang yan. Is it okay to you?"

"Si Buchoy na lang po kasi. Di'ba Baby Boy? Ikaw magiging prince ni Ate?" nakangiti kong pinisil ang matatabang pisngi ng kapatid ko.

"Ayaw ko, Ate. Si Kuya Grey na lang" nagtawanan ang mga nasa lamesa. Pati kapatid ko tinatraydor na ko. Sad life. Huhu.

I sighed. Wala na kong kakampi. Kahit si Dad din. Pinupush nila si Grey, eh ni hindi nga nya alam kung kelan birthday ko. Kunot noo kong kinain ang dessert na ice cream. Baka mamaya mag-abroad sila ng family nya. That's Christmas vacation after all.

"Of course, Tita. That would be my honor. Even if she likes it or not, I'll escort her" ngising ngisi pa sya habang nakatingin sakin.

That silly grin! Mas bumilis na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Don't worry. Wala syang choice, she should like it or like it lang. How about your family?"

Magalang na umiling si Grey. "I don't think they can attend po, Tita. We usually visit my sister in Paris during Christmas break"

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya. He smirked. Mukhang alam nyang nagulat ako sa sinabi nya. Not about Paris, of course.

"Eh, ikaw ba? Ayos lang ba sa parents mo na hindi ka sumama?"

"Yes po, Tita. Besides, I don't want to miss her birthday."

Napatungo na lang ako para itago ang kilig ko. Jusko! Sabihin ba naman yun ng crush mo sa harap ng mga magulang mo diba?! Oh, C'mon! Hihi.

"Mommy, ahm, una na po kayo. May pag-uusapan lang po kami ni Grey" sabi ko kila Mommy nang matapos kaming kumain. Wala si Grey at Buchoy dahil nagpasama ang kapatid ko mag-CR. Ganun na sila kaclose.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon