CAPTURED 33

239 11 4
                                    

Captured 33


Sabi ng isang post na nabasa ko sa fb, para makapag move on ka, kailangan mong alisin o iwasan lahat ng bagay na nakakapagpaalala sa kanya. Dalawang buong araw ko pang pinag isipan kung gagawin ko ba yung nabasa ko or kung kakayanin ko until napagdesisyunan kong walang mangyayari sakin kung di ako kikilos.

Ayokong maging isang magandang nilalang ni hindi nakapag move on forever. Kaya itinago ko lahat ng binigay ni Grey sakin (kasama na yung instant camera na kahit hindi ko tinanggap, nakarating pa rin sa kwarto ko). Kahit na hindi ko pa nababasa lahat yung libro ni Anton Vice na bigay nya, pikit mata kong itinago sa drawer kasama ng lahat ng regalo nya from small things to big things.

No, I cannot throw them away....yet(?). Nanghihinayang ako. Iniisip ko nga kung sakaling nakamove on na ko, matatapon ko na kaya lahat yun or ibebenta ko na lang siguro kasi jusko kung susumahin lahat ng presyo ng bigay nya sakin pwede ng pambayad ng tuition ko sa isang school year. I told myself, pag nakapag move on ako, itatapon ko din lahat, ibibigay, o ibebenta.

Inalis ko lahat ng pictures namin sa phone ko. Nope, di ko din dinelete. Bumili pa ko ng 62 gb na flash drive para pagsama samahin lahat ng pictures and videos naming dalawa. I told myself once more, matatapon ko din 'to kapag nakapag move on na ko.

Messages....I spent five hours thinking on deleting our messages. Kasi sa messages sya makulit madalas. Sobrang nakakatuwa yung mga stickers and emojis nya. Ang dami ko ding kilig sa mga texts nya, lalo na yung mga texts nya nung party. Pero I had to. After reading our conversation from the very first text, (sya pala unang nagtext updating me kung pumayag na daw ba si Mommy na sumama ako sa seminar sa Boracay), pikit mata kong cinonfirm ang delete conversation.

Ang pinakahuli kong ginawa ay mag uninstall ng social networking sites – twitter, facebook, instagram and even messenger. Hindi ako pwedeng magdeactivate dahil ayokong kwestyunin ng sangkatauhan kung anong dahilan. Binalak ko na ding i-unfollow sya o iblock but I can't.  Baka magmukha akong bitter masyado.

Kaya ko namang hindi magbukas ng mga yan. Ang problema lang e, pigilan ko yung sarili kong umalam ng balita sa kanya.

So, there. Nagawa ko ang "Moving-on starter pack" sa loob ng isang linggo. And now, it's almost two weeks since January 1st. Almost two weeks ko na ding hindi nakikita maski anino nya. It helped actually, kasi mas lalo kong napatunayan na okay lang sa kanya kasi kahit papano nagexpect ako na hindi nya ko susukuan. Na kahit papano totoo yung mga sinabi nya.

Pero, ganun ata talaga. Shhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Self, stop.

So, to assess my moving on drama, so far so good naman. Well, except kapag nakakasama ko ang mga bruhilda kong bestfriends na syang dahilan kung bakit naiisip ko na naman si Grey!!!

"Pero ano nga? Two weeks na ba?" ulit ni Deia sa tanong nya na hindi ko pinansin kanina.

Di ko pa rin sya pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang paglasap sa anghang ng ramen. Saturday night kaya nagkayayaan kami dito sa Manila kumain ng Korean foods. Pareho kaming tag-adik ni Deia sa Kdrama eh. (Lol, kasama sa moving-on kit ko: Watch Kdrama and love many oppas!!)

"Namimiss mo ba?" tudyo pa ni Deia na may kasamang sundot sa tagiliran ko.

Tiningnan ko sya ng masama. Pagbuhulin ko 'to pati si Buchoy eh. Kita ng nagmmove on. Tiningnan ko si Kim to ask for some help kasi sya naman talaga ang number one contra-Grey warrior ko. Pero sad life, busy syang kumain ng Kimchi.

"Deai!" saway ko pero nginisihan nya lang ako.

Hanggang sa magkayayang umuwi pigil na pigil akong sapakin si Deia. Napakakulit.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon