CAPTURED 41

233 11 8
                                    


Captured 41

Dahil nga sa thesis, busy ako. Nagresign na din ako sa Click'et sa utos na din ni Mommy kasi daw baka mangayayat ako.Sweet ni Mommy. Pero kapag kung makaasar naman saking bilbilin na ko, naku! And on the brighter side, mas madalas na kaming magkita ni Grey. Tapos na ang OJT nya at nagtthesis na lang din sya at ilang subjects. Basta ggraduate na kami pareho.

"Hello?"Inipit ko ang phone sa tenga ko para makapagtype pa rin.

"What do you want for lunch?"

"Kahit ano na lang"

Bumuntong hininga sya sa kabilang linya sabay tawa. "Figures. Why did I even ask? Where are you?"

"Nasa lover's lane"

"Babes, kain tayo" tinanguan ko ang kagrupo at nakangiting itinuro ang phone ko.

"Okay. Be there in a few. Love you."

Lumawak ang ngiti ko at napakagat labi sa kilig. "Love you too"

"Naku" pumalatak si Anton, ang isang kagrupo ko, pagkababa ko ng cellphone ko. "Hindi pa kayo pero nag I I love you han na. Naku!"

Natawa ako at nagkibit balikat. "Eh bakit ba? Magiging boyfriend ko din naman yun"

"Ba't naman kasi di pa ngayon?"

Humalakhak na lang ako. Nakakatawa na sobrang affected ng mga tao sa paligid ko tungkol sa relasyon namin ni Grey. He's my boyfriend! Going to be! May inaantay lang ako.

Pero akin sya, kanya ako. Tapos.

We both know that but people around us don't. Hindi nagtatanong si Grey kung bakit di ko pa sya sinasagot. I told him to constantly ask me every Friday. Ginagawa naman nya and I constantly say no too.

Tatawa lang sya at hahalik sa pisngi ko sabay sabi ng "Okay. Next friday ulit"

He's being patient and understanding unlike everybody. Di ko alam kung nafigure out nya na ba na Friday ang birthday nya at alam nya ng sa araw na yun ko sya tatanungin.

Automatic na ang ngiti ko nang maramdaman ang kamay sa balikat ko. I looked up and saw Grey. He bent down and kissed my cheek bago sya umupo sa tabi ko.

"Pre" nagbatian silang mga lalaki.

"Kain ka na muna, Babes. Kami na muna bahala dyan" inagaw ng isa ang laptop sa harap ko kaya pinagtuunan ko na din ng pansin ang pagkain. Gutom na ko.

Inabot kami ng apat na oras sa ginagawa namin. Nagmamasid lang si Grey at minsan nagsasabi din sya ng suggestions nya.

"Sige Babes, una na kami. Grey"

Nagpaalam na din ako sa kanila.

"Can you tell them to just call you Leigh or Ann or Leigh Ann, whatever"

Natigil ako sa pagliligpit ng gamit sa sinabi nya. "Huh?" Natatawa kong tanong.

"It's irritating...how they call you Babes"

Hindi na naalis ang ngiti sa mukha ko. Kinalimutan ko na di paglikigpit ko at tinuon na lang ang atensyon ko sa kanya.

"E pangalan ko yun e"

"Your name is long. They can call you anything..."

"Sanay ako sa Babes tsaka sa Baby eh. Baka pag may tumawag saking Leigh di ko lingunin. It's not like they say it as an endearment"

He scoffed. "Tell that to that Marco"

"Hoy may girlfriend yun. Makabintang ka dyan"

"Really, huh? He looks at you like he doesn't have one"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon