CAPTURED 12

299 15 4
                                    

Captured 12

Like what he said, he did fetch me. Sunday pa lang ng gabi nasa bahay na sya, mukhang dito pa ata makikitulog. Habang tuwang tuwa si Mommy na makita sya, pero pareho kaming nakaismid ni Buchoy at ang walanghiya nakangisi lang at walang pakialam.

Hindi ko sya pinapansin habang kumakain. Pagkatapos kumain nagpaalam na ko para umakyat. Syempre, kahit langaw mapapansin na magkaaway kami ni Grey, kaya mas lalong hindi nakaligtas sa nanay ko yun kaya sya nandito sa harapan ko ngayon habang nakapameywang.

"Inaway mo ba si Grey, anak?"

Ay wow, tinawag nya pa kong anak. Ako talaga pinanghihinalaan nyang nang-away? (Wait, ako naman ata talaga? Pero, di naman ako may kasalanan!)

"Tumawag sakin nung nakaraan yung bata nung gabi bago ka umuwi. Tinatanong kung andito ka na daw ba. Nung sinabi kong wala nagtanong kung uuwi ka daw ba, sabi ko hindi kasi byernes pa ang sabi mong uwi mo"

Nakakunot noo lang ako sa nanay ko kasi di ko alam bakit nya sinasabi to. But I noticed the fluttering of my heart which I tried to disregard.

"May problema ba kayo?"

As if it matters. I want to answer but I settled for "wala po"

Tamang hinala palagi ang nanay ko kaya sa itsura nyang naninigkit na mga mata sakin, alam kong di sya naniniwala and fortunatelyyyy, hindi na sya nang intriga.

Kinabukasan, pagkababa ko sa kusina prente nang nakaupo si Grey habang kumakain.

He smiled at me. As in smile smile. Umirap ako. Nagdalawang isip kung kakain na din. Kailangan ala sais makaalis na kami dahil dapat alas otso nasa airport na kami. Tsaka, bahay ko 'to bakit ako ang iiwas?

Dumiretso ako sa pagkuha ng pagkain. Wala si Mommy. Ewan ko kung nasan.

"Have you forgiven me?" Biglang tanong nya.

Umupo ako sa kabisera ng lamesa. Malayo sa kanya.

Hindi ko sya pinansin. I focused on the egg and hotdog on my plate.

"Silence means yes" sinamaan ko ng tingin ang nakangisi nyang itsura.

"Not all the time"

"Ah, so no?" Umirap ako. Tumango tango ito habang kumakagat sa hotdog. "Sayang. I'm the only one who can meet Anton Vice"

Di ko na napigilan ang inis ko. Wag na wag nyang ipinantatakot sakin si Anton Vice baby ko!

"Wala kang magagawa! Ako yung nakaregister dun!"

At ang magaling na lalaki, nagkibit balikat lang. Nakakagigil!

"Pwede namang si Tita ang pumigil sayo, diba?" He gave me a saccharine smile.

I hate him! Nakakainis! Kahit gwapo sya nakakainis sya!

"You won't dare"

He shrugged, continued eating. "Try me"

Inilapag ko ang kutsara't tinidor ko sa plato. Nawalan na ko ng gana kumain. Bibili na lang siguro ako mamaya.

Tumayo ako sa upuan bitbit ang pinagkainan ko.

"Where are you going?"

I sighed, my back on him. "Alam mo, a simple and proper sorry will do"

~*~

Airplane

"LQ kayo?"

Napalingon ako kay Vina. Model sya na nakilala ko kanina habang nag aantay magboard. Sobrang ganda nya, nananampal ang ganda. Medyo nakakainsecure, pero nung balahura din pala.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon