CAPTURED 32

226 11 4
                                    

Last update for today/this week. Hehe. Every Friday or Saturday or Sunday na lang ako makakapag update huhu. Start na kasi ng review ko for board exam :)) Malapit na din namang matapos ang story. Thank you for alllll your support.  Thank you for continuously reading. Mwah :*


Captured 32


"Cause baby you look happier, you do

My friends told me one day I'll feel it too

And until then I'll smile to hide the truth

But I know I was happier with you"


"Kung makakanta ka dyan, boses palaka ka naman" Binato ko pabalik yung unan na binato niya. Ayun! Sapul sa mukha.

"Buti nga sa'yo, epal ka kasi"

"Magmature ka na nga. Kaya ka iniwanan nung lalaking yun" hinampas ko sya ng malakas. Alam kong malakas kasi bumakat yung kamay ko sa braso nya, na namumula na.

"Lumayas ka na nga bakit ka nandito?!"

"Gusto ko, eh. May angal ka? Ha, ha ha" sinimulan nya kong kilitiin sa tagiliran at sa leeg ko kaya di ko mapigilang tumawa ng tumawa habang hinahampas at kinukurot ko sya.

"Teptep!!" saway ko sa pagitan ng tawa.

Napatigil kami pareho nang makarinig kami nang malakas na tunog na parang bumagsak. Nakita ko si Buchoy na dinadampot ang laruang robot nya na wasak wasak na. Tumingin sya sakin, nakasimangot tapos pinanlisikan nya naman ng mata si Stephen pagkatapos padabog na lumabas.

Sinundan lang namin sya ng tingin hanggang sa makalabas ng pintuan. Hanggang sa hindi ko napigilang tumawa ng malakas.

"Wag ka ngang tumawa dyan?! Mas nakakatakot pa sayo kapatid mo"

Hanggang ngayon kasi galit pa din si Buchoy kay Stephen. Ilang beses ng sinubukang amuin ni Stephen yung bata pero wala pa ring epekto. Biruin ba naman na mas marami pa syang pinamili para kay Buchoy kesa sakin, na hindi naman pinansin ng kapatid ko. But on the other side, sobrang close naman kasi talaga nila dati. Parang nakababatang kapatid na talaga ang turing ni Stephen kay Buchoy. Wala kasi syang kapatid kaya kay Buchoy nya ibinuhos lahat.

"Stop laughing! Di ka din naman kinakausap nung kapatid mo"

"E, kapatid ko naman yun. Palalamigin ko lang ulo nyan tas bibilhan ko ng cake o ice cream, okay na kami"

"Idamay mo naman ako. Namimiss ko na si Choychoy"

Nang sinabi ko kasi sa kanya kaninang umaga na magkaayos na kami ni Stephen at dapat hindi na sya magalit kay Stephen, hindi sya pumayag. Ayaw nya. I sighed. Pinagpapalit ko na daw kasi si Kuya Grey nya.

"Sabihin ko kayang ipinagpalit ka nung abo na yun?"

Hinampas ko sya sa braso. "Subukan mo!"

"Ayan! Ang daya mo, eh. Pinagtatanggol mo yung Grey na yun, samantalang di mo man lang ako magawang depensahan. Hurt si ako" nagpout pa ang loko.

Pero feeling ko totoong nasasaktan 'to. He really loves my brother.

"Sinabi ko naman na kay Buchoy yung reason kung bakit ka umalis. Pinaliwanag ko naman na, kaso nga sarado pa yung isip nung bata. Alam mo namang natrauma-"

"Sorry na, kasalanan ko na"

"Alam mo ang arte mo"

"Tingnan mo? Di mo ba alam ako'y lubusang nasasaktan" Tumawa ako nang may paeffect pa syang paglagay ng kamay sa dibdib. Di man lang nabawasan kabaliwan ng isang 'to.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon