Captured 15
Let's fast forward to the 5th day. Wala din naman kasing masyadong nangyari bukod sa tinutunaw ko pa din sa tingin si Anton Vice and he touched my hand yesterday. Yes! He did! Well, inaayos nya lang yung pagkakahawak ko sa camera but the moment he touched my hand at tipong 5 inches na lang pagitan namin, I kennat. Hindi ko rin naayos yung pagkakahawak ko nun dahil sobra akong nanginig.
Good news din na okay na sina Vina and Geoff, and sila naaaa!! Ayaw pang ishare ni Vina ang ganap. Masaya na lang kami para sa kanila. Nung 3rd day pa actually, kaya kahapon nanlibre sila samin. Kaya may hang over pa yung tyan ko ngayon sa sobrang busog mula kagabi.
"Don't forget your treat"
"Good morning ha" I said sarcastically sabay irap. Umagang umaga palibre ibubungad. Ngumisi lang sya.
Nung nakaraang araw pa sya nagpapalibre kasi nga nakauno ako kay Sir Abueva. Ang kulit kulit buti sana kung magpapalibre dun sa mumurahin lang, eh mga 5 stars ang gustong kainan. Bigyan ko na lang sya ng kwek kwek tas budburan ko ng stars.
Nawala ang badtrip ko dahil sa sobrang bloated ng tyan ko at dahil kay Grey, nang sabihin na kami ang bahala sa lugar at theme na gagawin namin dahil bukas magkakaroon ng mini exhibit ang bawat isa tapos ijjudge ng mga professional photographers and 25% daw ang mangggaling sa audience.
Bigla akong naexcite at kinabahan at the same time dahil pangarap ko ring mag exhibit and this is an opportunity to showcase my talent, na hopefully enough to meet the judges expectations.
Napalingon ako kay Grey nang tumawa sya. "Bakit? Parang baliw 'to, bigla bigla na lang tatawa"
"Nothing, it's just your face"
Hinampas ko sya sa braso, kaasar eh. "Napaka mo! Bully!"
"Aw, stop punching me" sabi nya habang tumatawa at sinasalag mga hampas ko.
Paalis n asana kami nang makaramdam ako ng sakit ng tyan. Kaya nagpaalam muna kong babalik sa room. Ang masaklap lang iniLBM na ko. 30 minutes na kong pabalik balik sa CR at tuwing napagdedesisyunan ko ng umalis, sumasakit na naman tyan ko.
I sighed. Pagod na pagod na ko. Sakit sakit na ng pwet ko huhu.
Papasok na ko ulit sa CR (for the nth time) nang magring ang cellphone ko and it's none other than Grey!
"What happened to you? Nilamon ka na ba ng toilet bowl?" iritado nyang tanong.
"Grey" naiiyak at pagod na pagod kong sabi. Dehydrated na ko.
Bigla namang nagbago yung boses nya. Mula sa annoyed Grey to concerned Grey.
"Why? What happened? Are you okay?"
Syempre, no choice akong sabihin ang lagay ko.
~
"Ayan kasi, ang takaw takaw mo"
I rolled my eyes and continued walking. Ang sarap sa feeling. Okay na ko ngayon. Binilhan ako kanina ni Grey ng gamot.
"Kung kakain kasi yung tama lang. You don't eat everything on the table. That's gluttony!"
And, kanina pa sya sermon ng sermon. Sus, samantalang kanina yung mukha nya mas maputla pa ata sakin. Kaya hinahayaan ko na lang din syang manermon bukod sa sya lang din naman ang mapapagod, give ko na kasi nga mukhang sobrang kabado nya kanina. Kinilig eke eh!
"Do you even listen?"
Tiningnan ko sya sabay ngiti ng sobrang lapad.
"Don't smile at me like that!"
