Hiiiiii!!! I just want to take this opportunity to thank YOU for reaching this point. Thank YOU sa walang sawang pagsubaysabay at paghihintay ng napakatagal na updates. Alam kong sobra kong napabayaan 'tong si Babes at Grey kasi kasagsagan talaga ng review at mabibigat na exam ang kalaban nila sa oras ko, and sorry if I didn't meet your expectation (I didn't reach mine huhu)
Pero sobrang happy ako dahil sa wakas tapos na ang kadramahan nila sa buhay HAHA. Eto na yon! Another completed story. Iba yung satisfaction kapag nakakatapos ng story and alam mong may mga nagbabasa.
Gusto ko lang din talaga ipromote (HAHA) yung new story ko - His Girl #2: His Break-up Girl and I'll try (!) to make it much better. Dun ko din ibubuhos muna oras ko since depressed ako ngayon HAHAHA.
Mahal ko kayo! Love love loveeeee!!!
~*~
Epilogue
I'm flying!!! OMG!! So excited!! Hindi na talaga magawang makabawi ng heart ko. Pagkatapos ng super overwhelming na ganap kagabi (plus ang kissing session huhu), ngayon naman walang mapaglagyan yung excitement ko. Disneyland here we come!
Tiningnan ko ang natutulog na anyo ng boyfriend ko (Lol. Boyfriend!! Kinikilig pa din ako) sa tabi ko. Uminom inom pa kasi 'to kagabi, e alam naman nyang flight namin ng 2am.
Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi at pilyang bumulong sa tenga nya. "I love you, love"
~*~
Bago ang lahat (pag-aayos ng mga gamit), inilabas ko na ang laptop ko at binuksan. Kabilin bilinan ng lola, ay joke, ng aking ina na tumawag daw kami sa Skype pagkadating na pagkadating. Kaso, sila naman ang hindi online. Kaya imbes na sina Mommy, e sila Deia ang tumawag.
Tumambad sakin ang nakadapang si Deia, habang nasa likod nya sila Kim, Celine, Czech, Kevin at James. Nasa villa pa silang lahat. Sila Deia at Kim bukas na ata uuwi, ewan ko lang sa iba. 7pm na sa orasan ko, Philippine time pa 'to. Grabe, sobrang nakakapagod ang halos 16 hours na byahe.
"Hoy!!!!" bungad ng bunganga ni Deia.
"Ang ingay, Deia"
"Papansin ka na naman sakin, James. Umamin ka na kasing crush mo ko"
"Luh, ayoko sa bungangera. Mga katulad ni Babes gusto ko noh"
"Di masamang umamin pero sorry ka na lang, wala kang pag-asa sakin"
Nagtawanan kami sa asaran ng dalawa at inasar asar din sila. Kagabi pa sila asaran ng asaran. Feeling namin nila Kim, may gusto si James dito kay Deia e.
"Hi Tita Baby, where's Tito Grey?"
"Hi Baby Z! Nasa room nya si Tito Grey mo"
Sabay sabay naman na nag "Weh" ang mga epal kong friends.
"Ilabas mo na si Grey. Okay lang yan, di kami magsusumbong kila Tita" naghagalpakan at nagsipagsang-ayon sila.
"Wala nga, dito." Inikot ko pa yung laptop sa buong kwarto bilang pruweba. Sakto namang pagharap ko nang laptop sa pinto ay ang pagbukas ng pintuan at iniluwa si Grey. Nagsigawan na naman ang mga epal naming friends.
"Yun oh! Hi Fafa Grey!"
"Hiwa hiwalay pa ng kwarto, kasi!"
"Hoy, don't make babies yet!"
"Proteksyon bago umaksyon!"
"Hoy may bata!"
"Mom, they'll make babies?"
