Captured 8
Masakit mareject.Lalo na kung nanay mo pa ang nangrreject sayo mismo. Napanghihinaan na talaga ko ng loob. Lagpas sampung beses ko na syang kinakausap kaso rejected lahat.
Isa lang daw ang makakapagpapayag sa kanya. "Iuwi mo sa bahay ang makakasama mo." Oo, iuwi talaga ang word na sinabi nya.
Isang kamay ang pumigil sa noo ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Aba'y bas-
"Problema mo?!"
Etong taong 'to, di dapat naglalalapit sakin lalo na ngayong desperada na ko. Baka bigla ko na lang syang hatakin pa-Bulacan.
"Lutang ka na naman"
"Tss, bakit ba?"
Sinabayan na nya ko sa paglalakad. "How's your Mom? We have to register until Sunday. Did she approve already?"
Nalaglag ang balikat ko sa sinabi nya. Malabong malabo na talaga. Sabihin ko na lang kaya sa kanya na maghanap na lang sya ng iba.
Yung ibang makakita kay Anton Vice. Yung iba na pwedeng magpapicture kay Anton Vice. Yung iba na pwedeng mayakap si Anton Vice. Yung iba na magkakaroon ng pagkakataon na maging mentor si Anton Vice na dapat ako ang makakaranas.
Tiningnan ko si Grey. Diretso ang tingin nya sa dinadaanan.
Isang araw lang naman, Babes e. Ano bang inaalala mo? First and last naman na nyang makakapunta sa inyo.
"What? Are you checking me out?"nakangisi nyang tanong nang mapansing nakatingin ako.
I sighed heavily. Para kay Anton Vice!
"Can you meet my Mom?"
Ni hindi man lang nagdalawang isip si Grey na sumagot ng oo. Sabagay, sinabi nya naman na nung una pa lang na willing syang ipaalam ako kay Mommy. E, ako lang naman 'tong may ayaw.
Umalis kami ng hapon. May pasok kasi kami pareho kinabukasan ng ala una. Kaya kahit gusto kong magbus kami kesa gamitin ang sasakyan nya, wala na kong magawa. Alangan naman ding magbus ako tas magsasakyan sya. Nakakahiya naman yun.
Nag drive thru kami sa Mcdo. Apat na burgers, isang BFF fries at dalawang coke float ang binili nya dahil paniguradong traffic.
Which is right. Isang oras na kaming nakatengga sa Edsa.
"Gusto mo?" Alok ko sa kanya sa burger na kinakain ko.
Umiling sya. "I'm not yet hungry" tsaka kunot noo uling binalik ang tingin sa unahang sasakyan na hindi umuusad.
Teka, badtrip ba 'to? Nako, pumayag payag syang pumunta samin tas aartehan nya ko.
"Galit ka ba?""What?" nagtataka nyang tanong.
"Nagdidikit na yang kilay mo, oh. Kung nagsisisi ka na, wag na tayong tumuloy"
Tumawa ito ng malakas. "You're so dramatic!"
"So, kapag traffic talagang ganyan mukha mo"
"Ihing ihi na ko, kanina pa and this traffic isn't helping"
It was then my turn to laugh. Sinundot ko pa sya sa tagilirin kaya binigyan nya ko ng nakamamatay na tingin.
Umiwas din naman ako kaagad kasi nga..ahm allergic ako sa mata nya! Nakakapaso masyado!
Pagdating namin sa bahay, parang si Grey ang anak at hindi ako. Gustong gusto ko nang magpalamon sa lupa nung hinalikan ni Mommy si Grey sa magkabilang pisngi tapos niyakap pa ng mahigpit.