CAPTURED 39

218 10 4
                                    

Captured 39


I'm home. What are you doing?

Ngumiti ako ng sobrang lapad. Parang kong uod na inasinan sa sobrang kilig. Dahil lang sa text?! Kagat labi akong nagtype ng irereply ko.

Ang bilis naman. Nagpatakbo ka ba ng mabilis?

Nakahiga na ko. Ikaw?

Nope. Walang traffic.

I'm heading to my room. And texting you.

I'll take a short shower. Be back. Don't miss me too much.

But I miss you already ;)

Malandi! I replied.

Napatitig ako sa ceiling. Grabe! Sobrang gaan ng pakiramdam ko. I'm totally in cloud nine. Bakit ko pa pinatagal ng ganito? Bakit pinili kong pahirapin lahat? I am to blame for all of these I admit but I somehow don't regret everything that happened.

Gaya ng napag usapan namin kanina ni Grey. This is part of our story. And at least we both had the closure we needed. We also healed in the process.

Napag usapan na namin lahat ng issues kanina. Sa bahay nila ko maghapon. Nasa living room lang kaming dalawa. Talking about what happened before. Nagpakwento sya sa nangyari noong debut ko at sa pag uusap namin ni Stephen. Nagpakwento naman ako tungkol sa nangyari sa New York at sa anak ni Celine. I also told him that Celine visited me.

"Even after Celine told you, hindi mo pa rin ako kakausapin?" Tanong nya nung sinabi kong dumiretso ako sa school at hindi sa kanya.

"Syempre hindi pa nagssync in sakin lahat, diba?"

Nakabusangot pa din sya. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng malapad.

"Pero alam mo, nung sinabi ni Kevin na aalis ka huminto yung mundo ko. That's when I realized, hindi ko kaya pag wala ka"

Pulang pula ko pagkatapos sabihin yun but looking at his wide smile made it worth it. Kahit na puro asar na sya pagkatapos. He needs assurance too, hindi lang ako.

Ako na ang nag ayang umuwi nang sabihin ni Nang Sonya na pauwi na daw ang parents ni Grey. Niyaya nila akong doon na maghapunan. Pinilit pa ko ni Grey pero ayoko. Di pa ko prepared. Ayokong mukha akong koala na haharap sa kanila.

How can I stop thinking of you?

Natawa ako ng malakas sa text nya, habang kinikilig syempre. Goodness, I missed this!

Napakalandi po ni Grey Andy Chivas hahahaha

Kinikilig po si Babyleigh Ann Correa soon to be Chivas

Di pa kita sinasagot baka nakakalimutan mo?

Sus. Pakasalan na kita agad.

I love you. Please always remember that.

"Grey, kinakabahan ako" pinigilan ko sa paghakbang si Grey.

He laughed and held my hand. "Don't be. They won't eat us. Let's go."

Napagdesisyunan namin ni Grey na kausapin ang barkada para sabihin ang nangyari at para na rin pasalamatan sila. They deserve it. Di ko makakalimutan ang pagsuporta nila samin at hindi nila kami sinukuan pareho.

Nagulat ako sa pinagdalhan ni Grey sakin. "Mukhang mahal dito"

Halata sa itsura ng restaurant na mamahalin ito. Kaya pala formal dress ang binili nya sakin at pormal na pormal ang suot nya. He's wearing a baby blue long sleeves, na nakabukas ang unang dalawang butones at nakarolyo hanggang siko ang sleevesand black slacks.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon