Captured 7
Bangag. One word that best describes me today. Nakakaloka! Parang gusto ko na lang humilata dito sa hallway sa sobrang antok ko.
Nginarag ko ba naman lahat ng edits ko kagabi, e (kasama na yung kay Grey, argh!) Alas tres ng madaling araw na ko natapos. Gusto ko na lang umuwi at matulog. Ang sarap pa namang matulog lalo na ngayong umuulan. Kung hindi ko lang talaga major 'tong mga subjects ko ngayong araw.
Pinilit kong ibukas ang pumipikit na talagang beautiful eyes ko nang may tumapik sakin. Halatang halata na ata akong natutulog habang naglalakad huhu.
"Huy"
Ilang segundo muna kong nagbuffer bago ko narealize na si Grey pala ang tumapik sakin.
"Oy"
"Looks like you need a bed"
"Sobra" Kasalanan mo kasi e. Gusto ko sanang idagdag kaso biglang sumingit sakin yung mukha nyang umiiyak kaya, fine!
Napaigtad ako ng kaunti nang hawakan nya ko sa braso. Inakay nya ko sa paglalakad. Kinunutan ko lang sya to ask him about what he's doing.
"Ihahatid na kita. Mukhang tutumba ka na" then he suddenly flashed a smile. A smile different from his smile on-cam.
O-kay. Wala akong katiting na kilig na naramdaman dun.
Hinayaan ko na lang sya sa ginagawa nya. Hindi na ko nagsalita kasi feeling ko, I'm just mumbling gibberish. Parang ayaw na talagang magfunction ng kahit anong parte ng katawan ko.
"Sigurado ka bang may matutunan ka? Mukhang matutulog ka lang sa klase, e" he chuckled. I must be really sleepy because I find it sexy.
"Sayang attendance" I mumbled, eyes half-closed.
Tumawa na naman sya. Bahala nga sya dyan. I just wave my right hand at him. Pumasok na ko sa classroom pagkatapos kasi naman gustong gusto ko na talagang umub-ob. Kaya pagkaupong pagkaupo ko, umub-ob na kaagad ako, wala na kong pakialam sa paligid ko.
Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang araw na 'to. Basta natuwa na lang ako na uwian na. Buti na lang din maagang nagdismiss last subject namin. Uwing uwi na talaga ko. Ginawa ko na lang motivation ang kama kong naghihintay sa bahay para lang mairaos ang pag-uwi kahit na tempt na tempt na kong bumulagta sa kalsada.
Pagdating sa building, tango at ngiti na lang ang nagawa ko kay Manong Ted, security guard, na madalas kachikahan ko pa bago umakyat kaso ngayon wala, off na off talaga ang buong katawan ko. Para lang akong zombie buong araw.
Pagpasok ko sa condo, kama lang talaga ang iniisip ko. Pagkalapat na pagkalapat ng likod ko sa kama, everything went black.
Ang ingay. Tinakip ko ang unan sa mukha ko dahil sa ingay ng boses na nagsasalita.
"She's, uhhh, sleeping"
Alam naman palang may natutulog.
"I just came to ret- no, of course not. Well, I..."
Tone it down!
"Wait, I think she's awake"
Sino bang hindi magigising sa ingay na yan?! Natutul-wait.
I frowned. Kung natutulog ako, ibig sabihin nasa condo ako. Kung nasa condo ako mag-isa lang ako. This is probably a dream depende na lang kung di ko na nakayanan at lumapiga na lang ako sa kalsada. But nah, I remember myself entering my room.
So, this must be a dream. I can't go back to sleep since I'm still asleep. Napakaweird namang managinip na nagisi- oh my god! The bed moved.
I froze when I realized everything.