CAPTURED 5
"May icocover tayong event on September, next week –"
Inunahan ko na si Sir Melki. "Ay nako, Sir Melki ayoko na ng debut at wedding, ha? Masyadong mabenta kagandahan ko"
Nagtawanan na naman silang lahat. Kumpleto kami ngayong Saturday dahil last Saturday of the month ang general meeting kuno ng studio. Ang totoo kasi kainan lang talaga namin 'to.
"Oo nga, Sir Melks. Di makaalis yan nung nakaraan,e" pagsang-ayon ni Greg. Tinukso tuloy kami ng mga kasamahan namin. Di ko na lang sila pinansin at tinuloy ko na lang pagkain ng pizza ko.
"Opo, mam. Sa'yo ko ibibigay yung isang modeling stint. Sa sports magazine yun..."
"Big time yun, Sir ah. Payag bang ako?"
Tumango si Sir Melki. "I showed them your portfolio and they liked it." Napangiti naman ako ng malapad. "Oh, lumaki na naman yang ulo mo"
"Tenga muna, Sir. Ulo agad?"
Nagtawanan kaming lahat. "Kalokohan mo talaga. First Saturday of September din yun."
Kaya first Saturday ng September ay maaga akong pumasok para iset-up ang studio. Dito lang naman daw nila gusto. I-edit na lang daw ang background. Inayos ko ang mga ilaw. Narinig kong tumunog ang doorbell kaya lumabas agad ako at nalaglag ang panga kung sino ang nasa pintuan.
May kasalanan ba talaga kong dapat pagbayaran?
"I can see you're here" he smirked.
Inirapan ko sya. "Wow, nice. May mata ka pala. Should I clap?"
Kita ko naman ang pag-igting ng panga nya. Huh, good you're pissed. Galit pa din ako sa kanya dahil sigurado na kong singko ang nakuha ko dun. Sa lahat sa block namin, akin lang ang project na hindi bumalik. Sa tuwing naaalala ko yun, kumukulo talaga ang dugo ko. May exam kami next week! Imbes na matutulog na lang ako...Argh!
Pumasok ang isang matandang lalaki kaya umayos ako. He must be the person in-charge for this. Pumasok na kami sa studio. Nai-brief naman na sakin ang concept at ang gusto nilang output. Lumabas ang lalaki. Ipapakuha ata ang damit at mga props nila.
"Can you stand there? Checheck ko lang ang lighting" utos ko sa kanya.
Tamad na tamad syang tumayo sa gitna. I looked through the camera at agad nagtama ang mga mata namin. Okay, alam kong sa camera sya nakatingin pero my goodness!
One and only plan to make this successful: Avoid his eyes.
I was fixing the light when his phone rang. Hindi akin yung kasi nakavibrate lang phone ko, dala dala naman nung lalaki yung isa, alin ang natira? Edi kanya.
"Hindi mo sasagutin phone mo?" iritado kong tanong. Ilang beses na kasing nagriring. Tinaasan nya lang ako ng kilay. Ibang klase. Kung takore lang ako, sumisirit na ko sa sobrang kulo.
"Kung ayaw mong sagutin, pwedeng pakipatay? Nakakaabala ka kasi!"
Kinuha nya ang cellphone nya at sinagot. Sus, sasagutin din pala aarte pa, e.
"What?!"
Napatingin ako sa pagsigaw nya. Kunot na kunot ang noo nya, nagtatagis ang mga bagang at apoy na lang ang kulang.
"Why the hell didn't you tell me?"
Anong problema nito?
"When's her flight?"
Flight? Teka, si Celine? Narinig ko ang malutong nyang mura sabay suntok sa dingding.
"What do you mean now?"
Ibinaba nya ang cellphone nya at kitang kita ko kung gaano kahigpit ang pagkakahawak nya. Celine's leaving without telling him? That's the most selfish thing she could do. Why do people keep on deciding for others life?
"Leave" I said.
Nilingon nya ko. Nagtama ang paningin namin. Now, I can read those eyes – hurt, sadness, betrayal.
"Umalis ka na para maabutan mo sya"
Nag-igting ang mga bagang nya habang tinitingnan ako ng madilim. "Why do you care?"
"Kasi naranasanan ko ng maiwan ng walang paalam and it's hard"
Nag-iwas sya ng tingin. "She doesn't want to see me. Desidido na syang umalis"
"Then make her stay. Go to her. Look for her. See her for the last time, or see her for something new"
Kita kong nagliwanag kahit papano ang mukha nya. "What about the shoot?"
Winagayway ko sa kanya ang kamay ko. "Ako bahala dun."
Sakto namang pagpasok ng lalaki. Agad kong hinablot ang maliit na dish at inilagay sa likod.
"Sir, I'm sorry but can we cancel the shoot?" ngumiwi ako ng sobra. "Sir, I got my period at sobrang sakit po ng puson ko. May dysmenorrhea po ako"
Namilipit pa ako kunwari sa sakit. "I'm really really sorry, Sir"
Kita sa itsura nya na yamot na sya. "Wala bang pwedeng pumalit sayo? Unbelievable!"
"I'm sorry, Sir pero wala po."
Tiningnan ko si Grey na nakatanga pa din sa gitna. Aba, wag nyang sinasayang ang effort ko no. Pinanlakihan ko sya ng mata at pasimpleng nginuso ang pintuan. Nagets naman nya agad kaya tumikhim sya.
"Since, she's incapable, I gotta go. I don't wanna waste my time here"
Aba't kahit kelan talaga napaka antipatiko nito.
"We're already behind schedule!"
Isang oras din halos ang tinagal ko bago ko makumbinsi si Sir na bukas namin itutuloy ang shoot. Pinagalitan nya pa ko ng bongga dahil daw may lakad sya bukas. Nangako naman akong wala na ang sakit ng puson ko bukas kaya tuloy na tuloy na kami.
Tinawagan ko din si Sir Melki para ipaalam yung nangyari at syempre nasermunan din ako. Sa bawat sabi nya na nga lang ng "Babes" ako nakikinig e. Ang dami ko daw nadelay, dapat kasi nagsinungaling na lang din ako kay Sir Melki e. Kaso hindi kaya ng konsensya ko dalhin ang madaming kasinungalingan. Isa isa lang.
Hayst. Ngayon lang ako totoong napagalitan. Nagstay ako sa studio para tapusin na ang dapat kong tapusin dahil magiging busy ako sa pag-eedit, na si Ate Jaja ang dapat na gagawa. Bukas kasi ang dapat na editing ni Ate Jaja nung pictures na makukuha ko e palpak nga ako. Nakabakasyon pa naman sya mula Monday.
Ay nako, ano bang nangyayari sa buhay ko.
Ala singko na ko lumabas ng studio at nagulat pa ko sa taong nakaupo sa gilid ng pintuan.
"Anong ginagawa mo dyan?"
He looked up at me and my heart flinched when I saw his wet face. He's crying.
"She left. She left me..."