CAPTURED 13

236 10 4
                                    

Captured 13

I.CANNOT.TAKE.THIS. Pwede na kong kunin ni Lord. Huhuhu. Grabe, hindi ako makapaniwala. Nasa harapan ko na sya. Limang hakbang lang ang layo ko sa kanya. Nakikita ko ang makinis nyang balat. Nakikita ko ang asul nyang mga mata. Kitang kita ko ang mapuputing ngipin nya. Jusko po! Napakissable ng lips n- Aray!

Napatingin ako sa gilid ko at pinanlisikan ng mata si Grey.

"What?" panira ng moment e kainis. Makahampas sya dyan.

"Are you even listening?"

Umirap ako. "Oo. Shh, wag ka nga magulo. Nagcconcentrate eh"

Binalik ko na ang tingin ko sa harap para makapagconcentrate na ko – sa pagtitig sa bebe ko. Nakangiti lang sya habang patingin tingin sa paligid. Magka eye to eye ko lang sya, myghad! Nanlaki ang mata ko nang bigla syang tumayo. Tinawag na ata sya. Napairit ako ng magsalita sya.

"Good morning, everyone" I kennat, pati boses ang gwapo.

"Good morning!!" hyper kong sabi kasabay din ng mga kasamahan namin.

I heard the guy beside me (named Grey) snorted, nang tiningnan ko sya ay ngising ngisi habang umiiling.

"You look like a kid who just received a gift from Santa. By the way, Santa doesn't exist"

I rolled my eyes. "Deadma ko sa basher! Che"

Pigil na pigil syang tumawa pero ramdam na ramdam kong tawang tawa sya. Tss. Di mo moment ngayon. Di kita crush ngayon. Mas lamang si Bebe ko kesa sayo. Shut up ka muna dyan.

"We'll about to discuss today the importance of angle. That's a must. Not all our subjects are good looking so it's up to us, right?" He laughed, so I laughed too. Jusko, witty talaga nya.

"Kidding aside...." At bigla syang nagseryoso. Everyone became attentive. Kahit serious look bagay na bagay sa kanya. Professional na professional.

"Can I have one model?" bago pa ko makareact may isang babae ng umakyat sa stage.

Never in my lifetime na pinangarap kong maging model, ngayon lang talaga. Huhu. Nadudurog ang puso ko habang tinitingnan si Anton Vice at yung malantod na babaeng nagtatawanan at nag-eenjoy sa unahan. Nang matapos sila may free yakap pa si ate girl oh, huhu. Kainis!

"Yung nguso mo pwede ng sabitan ng kaldero, oh"

Ngumuso pa ko lalo nang hinarap si Grey. "Eh kasi naman e. Abot kamay ko na, e. Sa iba pa napunta"

He chuckled. "Drama mo. "

Ipinakita sa projector ang mga kuha ni Anton Vice and by that, nawala agad yung kagustuhan kong maging model. I want to capture photos like that. I want to be like him. I want him. Ehe, charot lang.

"There you go. We'll give you an hour to do this different kind of angles. See you later"

Malungkot akong kumaway sa kanya kahit ni hindi man lang nya ko tinapunan ng isang tingin huhu. Hurt me.

"Hoy"

"Aray!" hinawakan ko yung noo kong pinitik nya.

"Time to wake up, Princess. Umalis na frog prince mo"

Ngumiti ako ng malapad. "If he's the frog prince, dapat ko syang ikiss diba?"

"Unbelievable"

Hinawakan nya ang camera na nakasabit sa leeg ko at inuntog ng mahina sa mukha ko.

"Ano ba?!" inis kong iniwas yung mukha ko.

"Look around you. Everyone's starting for the task while you're still daydreaming. Hayz, did I make the right to decision to bring you here?"

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon