CAPTURED 45

209 11 14
                                    

Chapter 45


"Deia, ayusin mo na muna yung nasa table!"

"Naayos na ba yung lights?"

"Natawagan na ba yung mga musician?"

"Wait, what? Akala ko ba sila Tita na bahala dun?"

"Hala! Edi tawagan si Tita"

Breathe in, breathe out. Whoo! Nappressure ako habang pinapanood silang maaligaga. It's definitely "The Day". December 31 na ngayon kaya naghahanda na kami para sa Media Noche mamaya, ang birthday salubong ni Grey. Si Kim, Vina at Trixie ang pinaka punong abala kaya silang tatlo din ang pinaka aligaga. Kahapon nga muntik na silang mag away away, jusko po.

Ayaw nila kong patulungin. Ang pinakaginawa ko lang ay ang idea at concept dahil sakin daw talaga dapat manggaling yun. Sila na daw bahala sa execution.

My phone rang again for the nth time. Kanina pa ko tinatawagan ni Grey at kanina ko pa hindi sinasagot. Jusko po! 6 am kasi tumatawag! Papanindigan kong tulog pa ko kaya di ko sinasagot mga tawag nya. Besides, nasabihan ko naman na sila Mommy at sila Tita na itago muna ako.

"Babyleigh! Naku, naiirita na ko sa kakatunog nyang cellphone mo! Umalis ka na lang. Puntahan mo na yang si Grey!" nanggigigil ng sabi ni Vina

"Hindi mapakaling hindi ka nakikita!"

"So sweet!" Celine laughed softly. Kararating lang nila kaninang umaga kasama si Czech at ang buong pamilya nila.

"Para hindi na rin magduda. Aliwin mo na muna" nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Deia. I didn't. Kinakabahan kaya ako!

And so, pinagtulakan ako ng mga mababait kong kaibigan.

"Hey" sinagot ko ang tawag using my bedroom voice (eew), para kunwaring bagong gising lang ako.

"Good morning, baby. Did I wake you up?"

Kagat labi akong umungol at humikab kunwari. Napatingin pa nga sakin yung nakasalubong ko. Yumuko na lang ako para itago ang hiya ko at nagmamadaling naglakad pabalik ng kwarto. Nasa resort kami na nirentahan ng pamilya ni Grey. Kararating lang namin kagabi dito kasabay ang pamilya ni Grey. Maghiwalay ang villa na tinutuluyan namin, para na rin mailayo ako kay Grey kahit papano.

Pero ito namang future boyfriend ko hindi mapakali.

"Not really. Nakasilent yung phone ko" Lord, sorry po for lying huhu.

"I told you not to put your phone in silent"

Natawa ako. "Umagang umaga naman, Mr. Chivas nagsusungit ka. Wag ka ng masungit! Birthday mo na later, oh" he groaned making me laugh harder.

"I'll pick you up in an hour. Samahan mo ko bumili ng pinapabili ni Mom sa bayan?"

Umingos ako kunwari. "Do I have a choice?"

Tumawa sya. It's so good hearing his laughs. Sobrang manly and carefree. " You can't say no. I'm the birthday boy"

Nang makarating ako sa kwarto ay nagpaalam na ko para makapag ayos na din. Nang mag-isang oras nga ay kumatok na sya sa kwarto ko. Wala na sila Mommy pag-alis namin at tumutulong na daw maghanda para sa birthday party mamaya.

"Ano daw bang bibilhin?" I asked pagkaupo nya sa driver's seat. May kinuha syang papel sa dashboard at inabot sakin bago paandarin ang sasakyan.

"That's a lot of ingredients, I think they will cook this time. They usually hire catering services, e."

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon