CAPTURED 22

238 11 0
                                    

Captured 22


Ang ingay.

Kinapa ko ang cellphone ko na nasa kama. Binuksan ko ang isang mata ko para patayin yung alarm kaso tawag pala.

At si Grey ang tumatawag!

Napaupo ako agad sa kama at parang bulang nawala ang antok ko. Teka, sasagutin ko ba 'to? Baka naman tanungin ako nito kung ako ba talaga naghubad sa kanya. Ay, ang pangit pakinggan! Binihisan ko sya!

Nakahinga ko ng maluwag nang mamatay ang tawag pero wala pang isang segundo tumawag na naman.

I groaned before I cleared my throat and answered.

"Hello?"

"Hey, good morning" my heart skipped. Kainis! Boses pa lang!

"A-ah, good morning din. B-bakit?"

"I, ah, just wanted to thank you for last night"

"Ang pangit namang pakinggan!"

Nanahimik kaming dalawa at tumawa.

"Déjà vu" sabay naming sabi kaya natawa ulit kami. Napakagat labi ako para pigilan ang paglapad ng ngiti ko.

He chuckled. "I just wanted to thank you for taking care of me yesterday. I owe you a lot"

"Wala yun" napapikit ako ng mariin. Kaloka! Ang pabebe ata ng boses ko.

"Ah, you're going home today right?"

"Oo"

"I'll take you home"

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ha?"

"I'll take you home. Sa Bulacan."

"Ha?"

He laughed. Gwapo talaga ng tawa! "Bebs, you heard me."

"Hala, wag na!"

"I insist. I want to make it up to you. Yaya Melba said, it's already midnight when you went home. I know you're tired so, yeah, I want to take you home"

"Hala! Ano..."

Hindi ako mapakali kung ano ang pwede kong ipalusot. Ayoko pa syang makita. Kasi, ewan basta, nahihiya pa ko. Hindi pa ko ready. Malinaw na malinaw pa sakin yung itsura nya kagabi, I don't know how I'll face him.

"Paalis na kasi ako! Ayun, oo" I sighed silently. Gusto kong tapikin ang sarili ko sa katalinuhang naisip ko. Best palusot ever. "Hindi na kita mahihintay, medyo nagmamadali din kasi ako. Anong oras na kasi?"

Sakto, 9:31am na.

"I'm just right on time then. I'm outside your door"

Sh!t. Sana sinabi kong nasa terminal na ko!

                     PATAY malisya lang akong nakatingin sa labas ng kotse. Nahihiya pa din kasi ako sa nangyari kanina. Syempre nga nabuko nya na nagsisinungaling ako nang lumabas akong nakarobe lang at halatang bagong gising. Balik Grey Bully na naman sya nang ngumisi sya sakin kanina tapos sinabi ba namang: "You'll leave wearing that? Cool."

"Let's eat first"

Hindi sya nagtatanong, obviously. Ipinark nya na lang bigla sa isang kainan. Nag-order na kami pareho and then..... kruu kruu kruuu. Tahimik kami pareho habang inaantay yung order namin.

I looked around. Iniiwasan ko syang tingnan. Pero kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang sya sakin. Binilang ko na kung ilang ilaw meron sa kisame nila, kung ilang lamesa, kung ilang customers, pero jusko nakatingin pa din sya sakin at sobrang naiilang na ko.

CAPTUREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon